Monday, August 31, 2015

Kimmidoll Limited Edition: Akiyo, Kazue and Koko

Holidays allow me to afford time to spend either for leisure or going back to backlogs. This post qualifies for both! Here are three more limited edition kimmidolls from my own collection...and this reminds me that I haven't gotten any new kimmidoll since this year started.

www.nascentcharm.blogspot.com
Akiyo means Enlightenment

www.nascencharm.blogspot.com
Kazue means Inspiring (I named my mobile phone after this Kimmidoll)

www.nascentcharm.blogspot.com
Koko means Devotion

Thursday, August 27, 2015

Rice -- Granary to Basket to Bowl (The Evolution?)

Ayon sa isang artikulo, rice bowl raw ng Pinas ang Central Luzon. Napatitig ako ng 2.5 seconds sa "rice bowl" tapos nagflashback bigla sa akin ang aralin sa Heograpiya noong ako ay nag-aaral pa sa OB (ah, hindi yun Montessori 😂 OB as in Old Balara Elem. Sch.): Region 3 = Gitnang Luzon / Central Luzon = rice granary of the Philippines.

Hindi ako maaaring magkamali, rice granary of the Philippines talaga yun sabi sa aming aralin. Ang mga lalawigan kasi rito ang pinakamalaking source ng palay sa buong bansa. At dahil uso na ngayon ang IGM...search keywords: central luzon rice. First page of google search yielded various websites (.gov sites and others) referring to the region as: rice granary, rice basket, rice bowl.

Thought bubble ko: oh, may evolution? From granary to basket to bowl? Indicative ba ito ng pagbaba ng produksyon ng palay sa naturang rehiyon? Hindi ako magtataka kung sakaling ganyan nga ang trend. Kapansin-pansin naman kasi na nawawala unti-unti yun mga rice fields. Noong maliit pa ako (ang laki ko na kasi ngayon), pagpasok ng NLEX amoy bukid na eh...ordinary bus pa noon sinasakyan namin pag dadalaw kina Lola tuwing summer break. Ngayon, pagpasok ng NLEX, daming billboards, pabrika, mall, housing, sementeryo, at iba pang struktura na pumalit sa rice fields.

Siguro after a few more years obsolete na rin ang mga natutunan ko sa geography noon. Ang totoo, marami na napalitan sa inaral ko noon na regions at provinces. Buti may IGM; time lang at internet connection ang kailangan to update (plus bonggang discernment sa pagpili ng reliable na website, sa dami ng satirical at misleading blogs na nagsusulputan).

Oh well, kung anu-ano na naman naiisip ko. 😂😂😂 umiiwas kasi na isipin ang mga bagay na nakaka stress sa buhay.

Solving Two Major Urban Problems: Manong Driver's Strategies

I used to be so timid and shy that people often think that I am a snob. People do change though; sometimes for the better :-). I now find myself talking with random people about random topics. This new post category that I am starting will revolve around those random conversations.

A few days ago, I was talking with the cab driver on my way to a Sports Club. The weather was quite bad that morning, downcast clouds indicate a gloomy day and imminent rainshowers. We traversed one of the "short cut" roads toward the place where I am headed to avoid heavy traffic on the main roads where PUVs ply.

"Ang dilim na naman ng langit, uulan na naman po ano?" I commented.

"Oo nga Ma'am! Naku, talo na naman sa baha at trapik nito. Mahirap ang byahe," he said.

"Iwas na lang sa bahain na lugar tsaka alalay sa pagdrive para safe," I answered back.

"Talaga Ma'am! Naku ito pong kalyeng ito (referring to the road with a wide creek ahead), hanggang dito po sa taas na ito binabaha! Kawawa po 'yan mga bahay na iyan sa baba, lubog lahat yun first floor niyan!" he shared.

"Ay ganun po ba? Samantalang kapag ganitong wala pang ulan eh ang lalim naman at ang laki na ng creek na 'yan," I told him.

"Dapat po Ma'am, ipahukay pa 'yan creek na 'yan eh. Bumabaw na po 'yan sa tagal. Dapat ayusin ng gobyerno 'yan!"

I listened intently to manong driver's insights which went like this:

"Kung tutuusin madali lang solusyon sa dalawang malaking problema sa Maynila (I guess he was referring not to the City of Manila alone but to Metro Manila or other urban metropolis in general). Ano 'yan dalawang yan? --- trapik tsaka baha!"

"Paano naman po?" (Ako, curious at nakikinig sa next lines ni manong).

"Una, trapik. Bakit trapik? Paano ang daming sasakyan at tao sabay-sabay lalabas, naghahabol ng oras papasok sa trabaho o eskwela. Dapat magkakaiba ang oras ng pasok. Yun opisina ng gobyerno dapat alas-singko ng umaga ang bukas tapos maaga uwian para hindi kasabay ng mga sa private at estudyante. Yun private na opisina dapat alas-otso o alas-nuwebe ang pasok. E 'di walang problema, kasi kapag lalabas na sa kalye mga private eh nasa opisina na mga sa gobyerno. Sa uwian ganun din; hindi sabay lahat. Makakatipid pa sa gas. Siyempre mahirap yan sa simula pero kapag batas na 'yan wala naman sila magagawa kung hindi sumunod. Para sa ginhawa naman ng lahat 'yan."

"Eh paano naman po ang baha?" (Ako, amused at this point sa insights ni manong).

"Dapat po gumawa ng drainage sa Manila na kasya 'yan (sabay turo sa delivery van two cars ahead of us). Sa mga pelikula Ma'am sa abroad 'di ba yun drainage nila dun pa naghahabulan sa ilalim mga action scene, parang underground ng MRT pero kanal yun tapos pag umakyat ka sa manhole eh kalsada sa ibabaw. Dapat ganun ang gawin sa atin hindi yun maliliit na imburnal lang. Siyempre kapag parang mga drum lang na imburnal madali bumara mahirap pa linisin. Pero kung malalaking kanal mas madali linisin at maraming tubig kaya sa loob. Gumawa dapat ng mga ganun at itutok palabas sa ilog at dagat o Manila Bay. Kaso Ma'am hindi ginagawa e. Siguro kasi kapag ganyan maganda na drainage natin hindi na sila kikita sa pagpapagawa ng imburnal. O kaya Ma'am hindi talaga naiisip o kulang sa tapang yun mga dapat gumawa. Madami kasi kumikita dyan, takot sila na kalabanin. Kung sa gastos naman po, sa umpisa lang malaki 'yun kumpara sa inaabot natin kapag baha tsaka puro repair pero baha pa rin. Nakaka utang nga po para sa ibang project at lahat naman may tax. Dapat lang talaga yun lider natin isipin yan mabuti."

(Ako, mesmerized na sa sharing ni manong. Naisip ko na siguro nga wisdom comes with age and experience in living and seeing how people live in random streets and corners of the metropolis.)

"Ma'am, ito na po 'yun pupuntahan niyo ano," sabay turo sa bakod ng sports club.

"Ay, oo nga! Nakarating din tayo," sagot ko.

"Kung sa Quezon Avenue at Welcome tayo dumaan Ma'am mahuhuli kayo kaya umiwas na tayo."

"Tama po. Thank you po ha, eto po bayad," sabay abot ng bayad at smile kay manong, "have a nice day po!" paalam ko pagbaba.

"Sige Ma'am thank you din!" paalam ni manong.

I just thought that manong cab driver's opinion is worth sharing with anyone who happens to pass by my blog. Of course it has pros and cons and could be subjected to lots of debates, but hey, no one has the monopoly of bright ideas, right?  And we must remember that sometimes, the things that we laugh at or belittle could very well be the answer that we've been waiting for.


Monday, July 13, 2015

random thoughts #2, s. 2015

Rules. The problem with written rules is that, it hinders you from growing and moving forward (unless you have it amended). However, having none exposes you to risks of inaction, abuse of authority or discretion, and chaos. May all be well soon enough.

Words. My professor once said that a person who knows how to put words together and construct compelling sentences can live well in this world. It is true that words have power, those who know the craft of using them can very well make a living out of it. You can use that power to influence people, to change mindsets, to get people to act; for whose benefit, for what purpose, for whatever reason -- it's your choice. Choose well.

Bragging vs. encouraging. Yep, it hit me; people might be getting me wrong all along so they will not hear from me again lest they ask. When I am happy, I want to share that happiness with people who have been with me as I work hard to get whatever makes me happy. I am a person who believes that no one can claim anything as his or her own success because in whatever little or huge ways, there are people who contributed to whatever it is that you have accomplished. When I share my joy with you, it means I value you as a person, as a friend. When I ask you to go forward, it means I am concerned and I want to help you out. I do not intend to brag. I am not the type who craves for attention and enjoys the limelight of being on top or being ahead of everyone (if only people knew how terrified I could get with being put on the spot or even speaking in front of a crowd). Move on na lang.

Macro view. Managers need to view things from a broader perspective. They have to identify how a set of agenda relates with what's going on outside the organization or even a sector. It is quite easy, if one devotes time and passion to really making positive changes. The greater challenge is in communicating and motivating people to share your vision and work on achieving it.

Quiet place. I want to leave this city life. I want to stop and contemplate for sometime, somewhere else, somewhere quite far. I need to rest and dream again.

Saturday, June 27, 2015

mga hirit na malupit - tatlo (drama at linyang pang #hugot moments)

Minsan may mga bagay na gustong-gusto mo pero parang ang daming hadlang para makuha mo. Ang daming negatrons; ang daming ik-ik; ang daming agaw-eksena pati sa sarili mong bahagi ng programa. Minsan itatanong mo rin kung ano bang problema nila sa buhay at pati ikaw gusto nilang idamay sa pagiging bitter. Minsan naman mapapa face-palm ka na lang o kamot ng ulo kasi yun mga ik-ik parang mga white mice sa cage na takbo nang takbo sa loob nun wire na mukhang mini ferriswheel sa pag-aakalang siya si high and mighty mouse pero ang totoo, hindi lang niya nakikita na sa bigger picture sa labas ng gulong at ng cage niya ay mukha siyang t***a. Minsan naman, gusto mo na sumigaw ng CUUUUUUT para matauhan ang mga agaw-eksena. Pero sa totoo lang, kahit sumigaw ka, hindi ka naman maririnig ng mga nilalang na walang naririnig kung hindi sarili nilang tinig. It's such a sad and cruel world out there.

'Yan yun mga pagkakataon na kailangan mong magdetach pansamantala. Kailangan mong tumingin sa sarili mo, magtanong kung bakit ka nga ba nariyan sa kinaroroonan mo. Kailangan mong alalahanin kung ano yun talagang gusto mo at pinaglalaban mo ayon sa sarili mong conviction. Kailangan mong panghawakan yun prinsipyo mo sa buhay, yun dahilan kung bakit ka gumigising araw-araw. Kailangan mo ipa-alala sa sarili mo na hindi sila ang magdedefine sa pagkatao mo, sa kung ano ang kaya mong gawin at pwede mong marating, sa kung ano ang kasaysayan mo bilang tao dahil higit sa kanila, ikaw ang nakaka-alam ng mga ito.

Lilipas rin 'yan. Tandaan, mas maraming mahalagang aral na napupulot at tumatanim sa isip mula sa failures kung bubuksan lang natin ang pang-unawa. Bakit? Aba, masakit kaya ang failure! But what doesn't kill you makes you stronger 'di ba? Ang mahalaga, makamove on ka. Hindi naman required na agad-agad -- ano ka, manhid o walang pakiramdam; hindi tao, hindi hayop, robot? Okey lang mag-emote for sometime, pwede rin mag hugot moments -- walang batas na nagsasabing crime of moral turpitude ang magwallow in pain. Pero wag din naman tagalan ang emote. Tandaan, nauubos rin ang emoticons, pati stickers sa viber. 'Wag mo akong tanungin kung anong connection --- bakit, ano ba sa palagay mo? internet connection? rainbow connection? flower connection (oops, collection pala yun clothing company..cute ng mga dress nila, hindi ko lang afford bumili ng pang daily use! Hahahaa...) Lagi ngang paalala ng aking journalism adviser nun high school yun quote na, "our greatest glory is not in never falling but in rising each time we fall."

Bangon lang nang bangon, aba kapag sumuko ka eh paano na lang ang misyon mo sa buhay? Hahayaan mo ba na maging ganun na lang, sa isa't-isa ay mayroon pagdaramdaaam...bakit 'di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan? Ooopss, teka OPM lyrics pala 'yun! Ibig kong sabihin, hahayaan mo ba na mauwi sa wala ang mga pinaghirapan mo at hindi na matupad ang misyon mo sa buhay? At 'wag mo akong hiritan na naniniwala ka sa kasabihang "ang tao ay nabubuhay para kumain" -- utang na loob, 'wag ganun!

Bakit ko ba sinusulat ito? Feeling ko lang may nangangailangan ng aking piece of mind sa mga panahong ito. Hindi ako feelingera, may feelings lang ako at sensitive ako sa ibang tao --- hindi lang halata! :-)