Wednesday, December 02, 2015

never enough

Nakakapagod rin kapag sobrang taas ng expectations. 'Yun halos magtumbling ka na ay sumali sa circus para lang mabigay mo 'yun gusto pero kulang pa rin; at pinapamukha pa talaga sa iyo na kulang. Alam mo naman sa sarili mo 'yun worth mo at alam mo na beyond average and normal limit ng isang tao yun mga ginawa mo pero dumarating din pala 'yun point na magda-doubt ka na rin sa sarili mo kasi laging inuulit sa iyo kung gaano kalaki ang pagkukulang mo. Nakakapagod lang. Nakakasawa na rin. 

"Go where you are needed and where your efforts will be appreciated," gusto ko na yata sundin ito.

Thursday, November 12, 2015

Ang Hard

Bakit ba ang hirap mong mahalin?
Ang hirap mo rin abutin.

Kung makakalipad lang ako, gagawin ko
Kaso, hindi; pero nagawa kong tumakbo.

Sana isang araw pag gising ko
Hindi na ako nahihirapan ng ganito.

Sunday, October 18, 2015

birthday

that moment when you reach another turning point in your earthly existence

when you had to hurry home from work -- literally because of raging winds and intermittent rains of the storm

when all of a sudden everyone is at home to celebrate -- makes one thankful to have a family back home

when you begin to count who among your friends are online; and who among your online friends care to spend a few seconds to drop you a birthday greeting -- thanked them one by one instead of a general post...just thought of sending simple and genuine thanks personally rather than lengthy and dramatic post meant for none in particular

when the only thing that you could wish for is for someone to make you smile -- yep, that fleeting moment that you wish could last forever

when you lay your head on your pillow, close your eyes, open it again, and tell yourself that there is still tomorrow even though there may be no forever

when you once again start to dread that day when you will meet your relatives or long lost friends again and they ask you again (and again, and again...) when you're gonna get married 

when you tell yourself that your life is yours to live and so far, you're doing great

when you begin to count not the years of your existence, but the traces that you will live behind to justify it

Wednesday, October 14, 2015

hindi nagugutom ang puso

'yun may energy ka pa rin kahit gutom na gutom ka na at walang solid food sa sistema mo for the whole day; kasi ang heart mo patuloy lang sa pagtibok ng mabilis na halos tumalon na siya at mag-tumbling palabas sa dibdib mo


hindi nga siguro nagugutom ang puso


pero nauuhaw


at kapag lumaon napapagod rin hanggang tumigil sa pagtibok. no more soaring, tumbling, free-wheeling dahil wala naman magic carpet ride in the first place

Thursday, September 03, 2015

Executive Order No. 1: Mandating the Fabrication of a Gigantic Metal Melting Furnace

I used to be so timid and shy that people often think that I am a snob. People do change though; sometimes for the better :-). I now find myself talking with random people about random topics. This new post category that I am starting will revolve around those random conversations.

On my way to the office this morning, the driver was tuned in to an AM radio station where Secretary Singson of DPWH talks about the planned installation of barriers along EDSA. During the interview, Secretary Singson stressed that keeping the roads safe and convenient for all motorists and commuters is not only about building highways, enforcement of traffic and zoning rules and regulations should be ensured so that our roads and sidewalks will serve their purpose. 

The interview prompted yet another amusing conversation with the PUV driver which went on like...

Manong: Naku, talaga Ma'am tama 'yan enforcement talaga kailangan! Alisin ang mga nakaharang sa daan, lalo na mga lumang sasakyan na nakapark sa kalye nabubulok na.

Ako: Ay marami nga pong ganyan, hinihintay yata maubos ng kalawang.

Manong: Ma'am kapag ako po ang naging Presidente ng Pilipinas, ang una ko pong gagawin, magpagawa ng malaking-malaking tunawan ng bakal!

Ako: (amused, saan galing 'yun ideyang 'yun??) Bakit naman po 'yun?

Manong: Lahat Ma'am ng mga sasakyan na nakaharang sa daan ipapatunaw ko! Dapat kasi hindi sila nagpapark sa daan. Unahin nila magpagawa ng parking bago bumili ng sasakyan. Nakaka-abala sila eh tsaka ginawa ng gobyerno 'yan kalsada at sidewalk para sa lahat, hindi para parkingan nila. 

Ako: Sa bagay, lalo na 'yun mga magkabilang kalsada may nakapark. Lalonh nakaka-trapik!

Manong: Opo Ma'am. Tapos para mabawasan trapik ipapahold ko muna pagbebenta ng mga bagong sasakyan. Maglalagay din ako ng rule na hanggang 10 years lang pwede gamitin ang sasakyan; kapag lagpas na ng 10 automatic 'yan tutunawin na sa ayaw at gusto ng owner. Kapag may rule na na ganyan tsaka ko papayagan ulit magbenta ng sasakyan. Kapag may pasaway at ayaw sumunod, baka ipasama ko na tunawin!

Ako: (ah, eh... CHR aabutin nitong si Kuya pag nagkataon! Pero dahil amused ako sa ideas niya, go lang!) Hehe.. eh ano naman po ang naisip niyong gawin na natunaw na bakal?

Manong: Naku Ma'am, sa dami ng mapapatunaw ko eh hindi na tayo aangkat ng bakal, baka pwede pang export pa! Marami mapag-gagamitan 'yun!

Ako: Ayan Ma'am tingnan mo, kabilaan nakapark sila dyan kaya isang linya lang nagagamit ng tao (sabay turo sa gilid ng kalsada). 'Yun kumpare ko nga sa amin hindi ko talaga pinalampas nun ayaw tumigil kaka park sa kalsada sa harap ng bahay ko! Nakarating kami sa barangay kasi ang tagal ko na siya winarningan na kapag hindi niya inalis sa harap ng bahay ko kotse niya mawawala gulong non! Aba mahigit isang taon ako nagpasensya pero ayaw tumigil kahit nag-effort pa ako at nilagyan ko na ng NO PARKING harap ng bahay ko. Minsan parating siya, binutas ko nga yun 2 gulong! Nakita pa niya, gamit ko 'yun itak na matulis ang dulo gamit yun sa kawayan. Dun sa barangay talagang sinabi ko na dapat nga sila ang umasksyon sa mga nagpapark diyan sa kalsada kasi bawal yan!

Ako: Eh kumusta naman po kayo ng kumpare nyo?

Manong: ayun Ma'am, hindi ako pinapansin! Ang tagal! Tapos napilitan din lumapit kasi nangutang at walang wala raw sila ng araw na 'yun, papasok sa eskwela mga bata. Sabi ko nga Ma'am, kasi inuna mo pa bumili ng bulok na sasakyan dinalawa mo pa kahit wala ka naman garahe! 

After thought ko habang naglalakad papasok sa office: may pinaghuhugutan pala si manong sa Executive Order No. 1 niya! Malapit pala sa puso niya ang isyu ng mga sasakyan na nakapark sa kalsada. #