Kahapon ko pa nire-recall ang mga slogan at theme na may recall (kasi isa ito sa criteria nun pa contest sa office eh). Eto yun ilan sa mga natatandaan ko:
- Kung Sila’y Mahal Niyo, Magplano (Family Planning Campaign)
- Ligtas Buntis (Maternal Health)
- Oplan Alis Disis (DOH Campaign)
- Let’s DOH it! (DOH slogan ata ito)
- Basurang Itinapon Mo, Babalik Din Sa’yo (Drive on responsible garbage disposal)
- Save the User, Jail the Pusher (Anti-drugs campaign)
- Boto Mo, Kinabukasan Ko (private sector ata ito on responsible voting)
Mga campaign mascots:
- Yosi, Kadiri (anti-smoking campaign ng DOH na meron pang official mascot)
- Eddie Exercise (ang mascot na nang-eengganyo sa mga taong mag-ehersisyo. High School ako noon eh so FVR time. Di ko sure kung galing ito sa DOH din o sa Dep Ed na dating DECS, basta ang natatandaan ko kahawig siya ni FVR – parang ginawa mong cartoons si FVR tapos naka short shorts at sando. Hey, Eddie ang nickname ni FVR di ba?)
- Kapteyn Linis (Mascot ng Quezon City sa clean and green drive noong early 90's. Si Atong Redillas na dating child star ang nasa likod ng maskara ni Kapteyn Linis. Short-lived lang ang campaign na ito kasi proyekto pa ito under former mayor Jun Simon na nagpauso ng linyang "I Love Q.C." kaso lang noong mag-eleksyon natalo siya ni Mel Mathay at nauso ang "Smile Q.C." pero ngayon under Mayor Sonny Belmonte ang Q.C. ay hitik na hitik sa slogans na may initials na SB. Meron din palang campaign jingle si Kapteyn Linis..try kong i-recall ang lyrics, maganda siya eh pati ang melody. Paano ko nalaman ito? Eh kasi kasama ko run sa mga julalay ni Kapteyn Linis, yun Linis Brigade na mga batang nakasuot ng puti at lumibot sa mga schools sakay ng float, may bitbit na mga walis tambo, walis tingting, dust pan, basahan at may bunot pa ata!)
No comments:
Post a Comment