- ang opinyon ng maingay ay hindi nangangahulugan na opinyon ito ng lahat
- huwag makipagtalo sa taong galit
- ang taong galit, walang naririnig kung hindi ang sariling boses
- ang taong galit, laging tama (sa kanyang mga mata)
- kapag hindi ka na naniniwala sa umiiral sa sistema at hindi mo na matanggap ang nagaganap dahil sa kabila ng pagpupursigi mo na mabago ito ay wala ka nang magawa, umalis ka na -- maaaring pansamantala lamang o maaari ring pangmatagalan o panghabambuhay na
- basurang itinapon mo, pwedeng doble balik sa iyo -- may kasama pang baha
- lahat ng tao nagkakamali
- pero may tinatawag na "honest mistake"
- masarap pakinggan ang paghingi ng paumanhin kung galing sa puso
- nakaka-irita yun nagpapasintabi kuno pero sarcastic naman
- may mga taong sobrang bilib sa sarili
- kapag binato ka ng bato, umilag ka!
- ang taong gutom, maya-maya mahihilo
- ang sampung pisong barya at ang singkong butas ay magka-iba; pero pareho lang silang barya
- butas rin naman ang sampung piso, pero may tapal itong ginintuang bilog; pero pareho lang silang barya
- di hamak na mas malaki ang sampung piso sa singkong butas, katunayan eh mas malaki pa nga yun giningtuang tapal ng sampung piso sa singko; pero pareho lang silang barya
- wala na ata akong mabibili sa singko pero pwede ko pambili ng isang order ng kanin yun sampung piso (basta sa carinderia lang, kulang na yun kung sa fast food); pero pareho lang silang barya
- maliit man o malaki ang sukat, maliit man o malaki ang katumbas, butas man o may tapal, pareho lang silang mahalaga
- may halaga rin naman ang singkong butas. katunayan, tinatanggap itong pambayad sa SM kapag marami ka na naipon!
- kung hindi mahalaga ang singko, eh bakit wala pang naghahabla o nagrereklamo sa banko sentral ng pilipinas ng pagwawaldas ng salapi ng taong-bayan sa pamamagitan ng pagpapagawa ng walang kwentang singkong butas?
Tuesday, April 20, 2010
random thoughts...
Subscribe to:
Posts (Atom)