Friday, July 27, 2007

itim...puti...kulay...buhay...

hindi ba kulay din naman ang itim?

naalala ko yun sagot ko sa isang kaibigan na nagsabing makulay ata ang isang aspect ng aking buhay

tama naman ako hindi ba?

at alam ko na alam mo kung bakit iyon ang sagot ko

wala akong nakikitang negative connotation sa kulay na itim

pero ang sagot ko sa tanong na kung kasama ako sa isang box ng crayola, anong kulay ako ay: puti

hindi dahil maputi ako -- eh tinutukso nga ako na baluga ng ate ko nun maliliit pa kami eh! pambihira yun, maputi kasi siya!

puti, kasi sa box ng crayola yun ang hindi ko ginagamit

marami naman atang hindi napapansin ang kulay puting crayola

hindi naman kasi halos nag-iiwan ito ng marka sa bond paper dahil nga puti siya

pero kahit na ganun, kasama pa rin siya sa kahon

hindi kumpleto ang laman ng kahon kung wala siya

pero nasubukan mo na bang iguhit ang puting crayola sa manila paper?

nasubukan mo na bang patungan ng puting crayola ang nauna mo nang naiguhit sa papel?

oo, hindi niya nabubura ang nauna pero nag-iiwan ito ng kakaibang timpla sa kulay


kalimitan, nauubos o nawawala ang ibang kulay pero naiiwan ang puting crayola


teka, ano bang patutunguhan nitong mga sinasabi ko?

naalala ko lang kasi
sayang


pero hindi rin pala sayang


ayaw ko ng manghinayang

ayaw ko ng bilangin ang mga oras, araw, buwan at taon na dumaan

minsan ayaw ko na rin maalala ang lahat

pero hindi rin maiwasan at hindi mapigilan

may mga lugar, bagay, oras, petsa, tao at pangyayaring nagpapaalala ng lahat

bakit ba kasi ginawa mo pang komplikado ang buhay?

alam kong wala kang isasagot

hindi na rin ako naghihintay pa ng sagot

kung dumating man o hindi ang araw na handa ka nang sagutin ang mga tanong ko, bahala na
pero naisip ko -- sa box ng crayola lang naman tinatawag na kulay ang itim at ang puti. sabi kasi sa science, ang itim ay ang pagsasanib ng iba't-ibang kulay at ang puti ay ang kawalan ng kulay. 

kung ganun, masasabi mo nga bang makulay ang isang bagay kung lahat ng kulay ay nagsanib-sanib sa kanya at naging itim ito? parang chaotic, magulo, nakakahilo, masakit sa ulo, masakit sa mata, minsan pati sa puso.

mas gusto ko pa rin ng puti. wala man kulay, pwedeng lagyan -- welcome ang ano mang kulay upang makihalo, pero sana 'wag upang paglaruan lang...kapag kasi laging ganun, magiging itim na rin ang puti.

No comments:

Post a Comment