Thursday, February 16, 2006

para saan ang category na ito?

naaaliw lang ako sa dami ng SB na nakikita ko sa paligid ng QC...

SB sa billboard, SB sa overpass, SB sa mga bakod at sidewalk, SB kahit saan! lokohan namin ng friends ko, kapag may nakita ka nang SB sigurado asa Quezon City ka na! :)

galing din mag-isip ng gimik ng kung sino man ang naka-isip na punuin ng initials na SB ang buong QC. naalala ko tuloy yun kwento ng opismate ko, tinanong daw siya ng manugang nya (na isang foreigner) kung sino si SB..akala nung mama eh isa siyang Saint! (hehehe...)

kaya in honor of Saint SB (ngyek!) ang category na ito at eto ang partial list:

Stop Bus - sa isang waiting shed along Commonwealth Avenue, near Fairlane St. (hehe..baligtarin ba?!)
Service at its Best - love ko ito, along with the line Q.C. as in Quality Community. Much remains to be done though pero for now, oks naman.
Simot Basura - nabasa ko kanina nakasulat sa gilid ng isang kariton (I suppose ng dyaryo, bakal, bote) na naka-park sa Anonas. Kung sino man may-ari ng kariton na yun, isa lang masasabi ko: Astig ka pare! hehehe...
yun na lang muna for now...more SBs sa susunod na post.

No comments:

Post a Comment