Tuesday, May 22, 2012

Random Thoughts No. 1, Series of 2012


- Big Business vs. Small Business: The Incongruity of CSR Programs with Business Location Strategies

Hindi ito thesis. Pero siguro kung kukuha ako ng MBA at may subject about corporate social responsibility, isa ito sa possible topics ko. Gusto ko lang i-share through my blog ang naiisip ko sa araw-araw kong pagmamasid sa paligid.

Yun isang supermarket chain, nags-sponsor ng events to encourage people to put up their own business (i.e. sari-sari store), nagpapamigay pa ng lots of freebies sa TV shows na parang business starter kit. Maganda itong CSR program nila, PERO ironic lang para sa akin yun fact na mukhang sila rin mismo ay kumakalaban sa mga small businesses na gusto raw nilang palaganapin. 

Sa area namin, abot-tanaw lang mula sa isa't-isa ang supermarkets (hindi pa kasama ang convenience stores at korean marts); pero itong store chain na ito ay mas malupit kung lumapit sa tao...bukod sa branch sa highway, meron din itong branch sa looban, right beside the area na dikit-dikit ang kabahayan. So naisip ko lang, kung doon sa area na yun nakatira si Aling Puring, nakakatulong ba ang presence nila sa loob ng subdivision area in promoting and boosting sari-sari stores? Bakit pa ako bibili ng mantika, toyo, suka, asukal, asin, sabon at shampoo kay Aling Puring kung pwede naman dun na lang sa katabi lang namin na supermarket bumili -- mas mura na (dahil walang mark up price), may libreng aircon pa..minsan nga, may free taste pa sila at kung anu-anong pakwela! 

I have nothing against them, really...napapa-isip lang ako kasi ironic talaga. Or, baka naman based sa kanilang study eh mga adik lang talaga mag-grocery shopping ang mga tao sa lugar namin?! 

Suddenly, naisip ko na siguro may bibili pa rin kay Aling Puring -- yun mga nagpapalista. Hindi naman kasi pwede magpalista lang sa supermarket, dapat big time mangungutang ka para makautang sa kanila (i.e. may credit card ka). Kung karaniwang contractual worker ka o yun paextra-extra lang eh malamang wala kang credit card, so si Aling Puring ang iyong takbuhan sa oras ng pangangailangan. Pero kung ako si Aling Puring, bakit ko naman patutulugin sa utangan ang puhunan ko (sensing na yun mga may cash pambayad ay sa katabing supermarket na lang bibili, para magpalamig na rin kasi super init ng panahon)? Mamumuhunan na lang ako sa ibang maliit na negosyo at baka duon kumita pa ako ng cold cash!

- Credit Card, Debit Card, Cash, Bank

Napag-usapan na rin lang ang credit cards...I remember nag-apply ako for a credit card nun bago pa lang ako nagtatrabaho. Gusto ko kasi bumili ng laptop (nun early 2000's ito pa ang dala ng mga yuppies, hindi pa smartphones o tablets) pero dahil nga mahal pa ito dati inisip ko na mag-avail ng zero% interest through a credit card. Mga ilang envelope din ang natanggap ko mula sa mga banko, excited pa akong buksan at feeling ko, naamoy ko na yun medyo amoy electric wire na package ng brand new laptop ko; kaya lang parati naman sulat lang ang laman na nagsasabing "sorry we cannot issue a card to you at this time." Meron isang bank na nag-offer ng "secured credit card" ito yun dapat may savings account ka sa kanila tapos ang credit limit mo ay kung magkano laman ng account mo. Mautak ano, sinisigurado nilang may pambayad ka sa "uutangin" mo. Kung tutuusin, parang ATM used as debit card lang din naman ang concept nun..ang kaibahan lang eh pwede mo gamitin yun sa mga establishments with visa or mastercard; hindi pa kasi gaano katalamak dati ang paggamit ng ATM bilang debit card (BPI pa ang banko ko dati at kasama ito sa services nila). Ayaw ko naman lumipat ng bank...loyal ako sa BPI noon, pero siguro hindi rin loyalty ang tawag doon -- mas convenient lang kasi ito yun malapit sa bahay namin at ito ang banko ko mula nun high school. Naalala ko lang bigla yun mga tellers nila dati na dahil paulit-ulit ka nilang nakikita sa banko eh kahit masalubong mo sa mall babatiin ka at ngingitian...sila yun magagaling na frontline service providers, mga seasoned na sa trabaho (read: yep, hindi ageist ang BPI at hindi rin required na pang artista o model ang kagandahan o kagwapuhan mo, ewan ko lang ngayon ha, wala na kasi akong account sa BPI). Matapos makatanggap ng ilang "sorry" letters, naisip ko na kung ayaw nila eh di huwag! Naalala ko, after a few months may tumawag sa akin offering a card; wala ako sa mood noon kaya I told the lady straight that I already applied for one but was denied. Makulit pa, try ko raw ulit (duda ko, marketing agent ito), so lalo akong naiinis and I said, "what's the point to applying again if I will be sending your bank the same documents? Nothing has changed with my employment and financial status, so better offer your card to another prospective customer." (Ang taong naiinis, straight kung mag-english! hahaha...). After that incident, ilang ulit na rin akong nakasagot ng tawag sa office, mula sa mga nag-ooffer ng credit card. Kanya-kanya silang style ng pangungulit, minsan nakaka-irita na lalo na kung tumawag sila while you're in the middle of typing a great sentence in the paper that you're doing. I remember coining a standard answer for them: "okay, thank you for the offer {insert name here, if nagpakilala siya at maganda ang araw ko}, but right now I am not interested because I prefer to pay in cash." Cool and effective ang line na 'yan, except for one guy na humirit pa about the benefits of having a credit card. Dahil sinira niya ang pagiging foolproof ng aking credit card rejection spiel, nasabi ko tuloy bigla sa kanya na, "eh ayaw ko nga kasi, 'wag mo na akong kulitin!"

One time, I was walking around the mall to meet a friend. May nag-aabot ng fliers, credit card applications. Nilapitan ako ng isang babae (parang pagod na siya pero nagpupumilit maging cheerful). Nakinig lang ako sa kanyang marketing spiel, pero ang iniisip ko talaga nun mga sandaling iyon eh blessed pa rin ako (oo, kahit pasaway ako) dahil hindi ko gusto ang work nila at hindi ako napilitan na pumasok sa ganun para lang kumita ng pera (ewan, hindi ko siguro talaga gift ang magbenta tulad ng mga nasa malls). For some reason, naipit sa notebook ko ang payslip ko that day so naisubmit ko na rin agad with the application ang photocopy nun. Ayun, after around two weeks ay dumating ang aking credit card! Bumili rin pala ako ng laptop nun nagkaroon ako ng credit card -- pero I paid the unit in cold cash! Hehehe...

After a few months, nagtataka ako dahil dumarating ang mga cards sa akin kahit hindi ako nagapply. Sabi lang sa letter itawag ko sa kanila to activate. Hanggang ngayon nga may tumatawag pa rin para mag-offer, yun iba pa ang sinasabi ay mula sa banko kung saan nagmula ang card ko. Naisip ko na siguro mga telemarketer mga yun..or pwede rin mga manggugulang. Nakakakunsume na minsan yun kung anu-anong ino-offer nila na loan, cash advance, etc. etc. Nakapag coin na rin ako ng standard responses:

  • Thank you for the information. Right now I'm not interested / I don't need it, but I'll keep that in mind.
  • If you're from {insert bank name}, your database/file should inform you that you already issued a card to me and you don't have to ask for my personal information which is supposed to be in your file.
  • Your bank already sent me a card.
  • You already sent me a card, and I called your bank to have it cancelled since I do not intend to use it and I don't want to receive a bill asking me to pay for an annual fee for a service that I am not using.
  • Thanks for the offer, but I am not the one paying for utility bills.

- "Ask, and it shall be given you; seek, and ye shall find; knock, and it shall be opened unto you."

Tama nga! (^_^)

- Umaga na pala! Pasok na ko at may hearing pa mamaya!


- Good morning sunshine! 


At I almost expect Ms. Gemma Ifurong to ask me, "sino si sunshine?"


No comments:

Post a Comment