Minsan may mga bagay na gustong-gusto mo pero parang ang daming hadlang para makuha mo. Ang daming negatrons; ang daming ik-ik; ang daming agaw-eksena pati sa sarili mong bahagi ng programa. Minsan itatanong mo rin kung ano bang problema nila sa buhay at pati ikaw gusto nilang idamay sa pagiging bitter. Minsan naman mapapa face-palm ka na lang o kamot ng ulo kasi yun mga ik-ik parang mga white mice sa cage na takbo nang takbo sa loob nun wire na mukhang mini ferriswheel sa pag-aakalang siya si high and mighty mouse pero ang totoo, hindi lang niya nakikita na sa bigger picture sa labas ng gulong at ng cage niya ay mukha siyang t***a. Minsan naman, gusto mo na sumigaw ng CUUUUUUT para matauhan ang mga agaw-eksena. Pero sa totoo lang, kahit sumigaw ka, hindi ka naman maririnig ng mga nilalang na walang naririnig kung hindi sarili nilang tinig. It's such a sad and cruel world out there.
'Yan yun mga pagkakataon na kailangan mong magdetach pansamantala. Kailangan mong tumingin sa sarili mo, magtanong kung bakit ka nga ba nariyan sa kinaroroonan mo. Kailangan mong alalahanin kung ano yun talagang gusto mo at pinaglalaban mo ayon sa sarili mong conviction. Kailangan mong panghawakan yun prinsipyo mo sa buhay, yun dahilan kung bakit ka gumigising araw-araw. Kailangan mo ipa-alala sa sarili mo na hindi sila ang magdedefine sa pagkatao mo, sa kung ano ang kaya mong gawin at pwede mong marating, sa kung ano ang kasaysayan mo bilang tao dahil higit sa kanila, ikaw ang nakaka-alam ng mga ito.
Lilipas rin 'yan. Tandaan, mas maraming mahalagang aral na napupulot at tumatanim sa isip mula sa failures kung bubuksan lang natin ang pang-unawa. Bakit? Aba, masakit kaya ang failure! But what doesn't kill you makes you stronger 'di ba? Ang mahalaga, makamove on ka. Hindi naman required na agad-agad -- ano ka, manhid o walang pakiramdam; hindi tao, hindi hayop, robot? Okey lang mag-emote for sometime, pwede rin mag hugot moments -- walang batas na nagsasabing crime of moral turpitude ang magwallow in pain. Pero wag din naman tagalan ang emote. Tandaan, nauubos rin ang emoticons, pati stickers sa viber. 'Wag mo akong tanungin kung anong connection --- bakit, ano ba sa palagay mo? internet connection? rainbow connection? flower connection (oops, collection pala yun clothing company..cute ng mga dress nila, hindi ko lang afford bumili ng pang daily use! Hahahaa...) Lagi ngang paalala ng aking journalism adviser nun high school yun quote na, "our greatest glory is not in never falling but in rising each time we fall."
Bangon lang nang bangon, aba kapag sumuko ka eh paano na lang ang misyon mo sa buhay? Hahayaan mo ba na maging ganun na lang, sa isa't-isa ay mayroon pagdaramdaaam...bakit 'di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan? Ooopss, teka OPM lyrics pala 'yun! Ibig kong sabihin, hahayaan mo ba na mauwi sa wala ang mga pinaghirapan mo at hindi na matupad ang misyon mo sa buhay? At 'wag mo akong hiritan na naniniwala ka sa kasabihang "ang tao ay nabubuhay para kumain" -- utang na loob, 'wag ganun!
Bakit ko ba sinusulat ito? Feeling ko lang may nangangailangan ng aking piece of mind sa mga panahong ito. Hindi ako feelingera, may feelings lang ako at sensitive ako sa ibang tao --- hindi lang halata! :-)

No comments:
Post a Comment