May mga bagay at pangyayaring sadyang nakakatakot. Minsan, gusto mong isipin na paranoid ka lang, pero kadalasan, nakakatakot talaga ang mga ito. Yun ba naman nanonood ka ng TV tapos biglang mag-iiba ang palabas at may lalabas na babaeng nakasuot ng uniform sa mental hospital at papunta sa iyo, 'di ka matatakot? Pero mas nakakatakot siguro kumain sa isang fastfood chain na may katabi kang medyo nahulugan ng ilang screw sa ulo, at mas nakakatakot kung hanggang sa pagsakay mo ng jeep eh bigla na lang siyang lilitaw mula sa madilim na lugar na di karaniwang dinadaanan ng tao, uupo sa tapat mo, at after a while eh lilipat ng upuan sa tabi mo at ipipilit na magsumiksik kahit na siyam na kayong naka-upo sa jeep na dapat sana eh pituhan lang(nangyari sa akin ito minsan!). Nakakatakot talaga. Nakakatakot rin yun bigla na lang may magte-text sa iyo, tapos sasabihin na nakita ka niya sa isang lugar at ide-describe pa niya ang kung ano suot mong damit, ang ayos ng buhok, etc. Mas nakakatakot yun nangyari sa isang friend ko, akalain mo ba naman na matutulog na lang siya eh biglang may gumapang na ahas sa mga hita niya! Aba, ang tapang na tao nun, kung ako siguro yun eh nawalan na ko ng ulirat sa sobrang takot (eh larawan pa lang ng ahas eh kinikilabutan na ako, kahit na nga dun sa mga sticker na nakadikit sa tricycle na nauso noong nag-aaral pa ako sa mababang paaralan ng matandang balara—oo, yun ang pangalan ng school ko). Yun iba, natatakot na mawala sa kanila yun mga bagay na nakasanayan na nila, o mga taong minahal na nila; yun iba naman, natatakot na subuking gawin ang mga bagay na di pa nila nai-try mula nun isilang sila sa daigdig. Eto pa ang isang ultimate nakakatakot, yun bang nasabi mo sa isang tao ang isang lihim pagkatapos eh nai-kwento agad niya sa isa 'nyo pang kasama tapos eh sabay ka nilang aasarin tungkol doon! Grabe talaga yun iba JAN!
Pero sa tingin ko, mas nakakatakot ang manatili sa nakaraan. Mas nakakatakot ang mabuhay sa loob ng isang panaginip. Hindi naman masama ang mangarap at magsumikap na abutin ito, pero ang mangarap at mamuhay sa loob nito ay sadyang nakakatakot para sa akin. Gayundin ang manatiling nakalugmok sa hinagpis at poot mula sa di magandang nakaraan. Nakakatakot maging stagnant—para kang tubig na walang ibang silbi kung hindi ang pamugaran at itlugan ng mga lamok at kiti-kiti (wrigglers—hindi yun chewing gum, wrigley’s yun)—hindi ito nagdudulot nga kabutihan para sa daigdig, kung hindi ng panganib. Ibig sabihin, you have to let it flow, you have to let go, you have to move on, you have to face today, you have to have foresight, you have to plan for tomorrow, you have to try new things, you have to grow up as you grow old, you have to learn new trades, you have to explore, you have to live your life. Parang (hindi ito yun anyong lupa at hindi rin yun lugar sa marikina, ibig kong sabihin, parang—in English, it may be translated to “it’s like” or “it seem/s”), ang daling gawin ano, well, ang totoo, nakakatakot rin! Eh siyempre, I need some strength and courage to go on ano, minsan hahanap ka ng ispiration, minsan naman napipilitan kang gawin ang isang bagay dahil na rin sa takot (oh, di ba totoo?). Pero mas maganda kasi kung kusang loob mong gagawin yun mga bagay na yun eh, yun bang dahil gusto mong gawin, hindi dahil kailangan mong gawin. Sa madaling salita, mas madaling gawin ang lahat ng bagay basta gusto mo, it’s easier to move on if you’re willing to forgive and let go of the past; it’s easier to grow up if you’re ready to face it’s challenges; it’s easier to learn new crafts if you’re eager to; it’s easier to live if you have zest in life.
Parang ang gulo ng blog ko ano, hindi ko kasi alam kung paano pagdudugtungin ang mga pangyayari nitong nakaraang mga araw, ayaw ko naman ikuwento rito in detail. Ngayon, gagawa pa ako ng IPP ko—nakakatakot—baka ma-late ako mamaya dapat raw seven a.m. eh nasa office na dahil aalis na kami. Nakakatakot rin, kasi ang dami ko palang dapat gawin! Angel, Mommy, I dreamed of my bear last night! Magulo, parang walang story yun dream ko, all I remember is I saw my dear bear. I just love stuffed bears – they’re soooo huggable.
No comments:
Post a Comment