Naisip ko lang, iba-iba pala iniisip ng ibang tao sa isang tao (hmm..eto na naman ako, magulo na naman ang mga pangungusap).
Noong minsan, nakita ko ang isang ka-friendster sa Araneta Center. Nasabi niya sa akin na gusto niya ko makita uminom dahil masyado raw wholesome ang image ko (oh, alam kong alam mo na ikaw ang tinutukoy ko!). Hindi ko alam kung ano koneksyon ng pag-inom sa pagiging wholesome, o kung ano nga ba ang eksaktong kahulugan ng salitang iyon-kadalasan kasi ay iba-iba ang connotation natin sa mga salitang tulad nito.
Sabi nun isang kasama ko, napaka-taray ko raw. Hmm.. medyo marami atang nagsasabi nun.
Meron akong kilala, hindi ata ako tumatanda sa paningin niya. Ewan ko ba, minsan eh nakukunsume na ko run, kulang na lang eh sabihin kong, "hello po, beite-sais na'ko!" Ang nakakainis lang kasi run, tingin niya bata ka, pwedeng utus-utusan, pwedeng tawagin kahit kailan. Haay..bata lang po siguro sa paningin ninyo pero tao rin naman..marunong mapagod at nakakahalata rin kung mukhang meron kang pinapaboran. Sa isang banda, kung hindi lang ako parang bata mag-isip kung minsan (o madalas ata kung pag-iisipan), malamang eh matagal na ko nakulong sa mental.
Makulit lang kasi ako at pag nasa height ng kakulitan, sadyang may kaingayan. Pero hindi ibig sabihin noon na pa-easy-easy lang ako sa buhay. Marami na nga akong problema, pu-problemahin ko pa ba?! Pero ewan ko ba, may mga taong feeling ata nila eh sila lang ang nangangailangan sa mundo. Pakiramdam ko, discriminated ako dahil single ako (actually, di lang naman ako ang nakapuna nito). Pwede ka naman umuwi ng gabi dahil walang asawa at anak na naghihintay sa iyo. Hindi mo naman kailangan ng malaking sweldo dahil wala ka naman asawa o anak. Bakit naghihintay ka na naman ng sweldo, may lalaki ka bang pinag-aaral? Excuse me po, masyado naman akong bata para maging sugar mommy noh! Wala nga akong asawa o anak pero may pamilya rin naman ako. May mga magulang akong naghihintay sa bahay at mga batang kapatid na nag-aaral. Isa pa, wala naman akong kinalaman sa pagiging may asawa at anak nila..bakit kailangang maapektuhan din ako run?
Nag-usap kami nun isang kasama ko. Feeling namin eh ayaw sa amin nun isang tao. Hmm..wala kaming magagawa run, yun ang trip niya eh. Ewan ko ba, dahil siguro mukha lang kami laging naglalaro. Eh sa ayaw namin ng tensiyonado at chaotic na buhay eh, ano magagawa nila?!
Lagi kong problema ang oras ng pagtulog at pag gising sa umaga. Madalas nga akong late eh. Minsan, sumagi sa isip ko na siguro kung nasa ibang meridian ako ng globe eh normal ang sleeping schedule ko. Nagbago isip ko nun makita ko kung saan ako dapat pumunta. Sa Kabul kasi yun nakita ko sa mapa, ayaw ko nga!
Natapos na nga pala ang birthday ko! Lumipas lang ito nang wala ako halos nagastos! Hindi ko nga naramdaman na nag-birthday ako, except that meron mga taong nakaalala nun (har..har..magdrama ba?!). Eniwey, longest week of my life ata ang week ng birthday ko..ni hindi nga ako nakapag birthday leave and kaninang tanghali lang ako naka-uwi from an activity na work-related. Yun nga reason kung bakit halos di ko naramdaman na birthday ko pala..buti na lang meron akong friends! Hehe..sila ang nagplano ng birthday ko sa office, at sila na rin ang bumili ng fudie (yummy!). Meron din silang gift sa akin na pilit nilang pinasuot after I opened the package..I have pix nun pero pang-blackmail material kaya ayaw ko i-post rito noh! Hehe..baka masira ang wholesome na image ko! Basta ang masasabi ko lang sa mga T-girls, one of these days, I'll have the guts to wear that thing! Hehehe..may hinahanap lang ako, and alam yun ni PaHam na Abi. The night before my birthday, I also met my Angel (aka mama uod)..wla lng, joint birthday celebration ba?! The night of my birthday, I went out with my friend..nagkatuwaan lang kami magvideoke..that was fun! Pag-uwi ko sa bahay, kainan na naman!
The longest part of the week ay yun CEDAW EGM..Thursday to Sunday kami nasa Hyatt, Malate for the activity. Kahit nakakapagod, enjoy yun Saturday night kasi tapos na yun workshop and we went out with some of the foreign participants. Nagshopping sila and dinala namin sa WOW Philippines sa Intramuros. Siyempre, nasubok ang skills namin sa conversation using English, pati tuloy pag kami na lang nag-uusap eh English na rin! Naaliw ako sa kanila, lalo na run sa dalawang Brazilian. Sobrang seryoso sila run sa workshop pero pag asa labas pala eh cool naman sila. Feeling tour-guide naman kami sa pagturo nun mga lugar na nadaanan namin like Rizal Park and the Manila Hotel. Naalala ko pa sabi nun isang Brazilian eh yun Rizal Park raw ang only park in the Philippines. Bilis lang ng reaction ko, saying "no, this is not the only park in the Philippines!" Ewan ko ba naman kasi kung saan niya nabalitaan yun! Pinaka-chaotic na part yun dinner sa Intramuros, dun sa mga kainan malapit sa tapat ng Clamshell (the bigger one, I forgot kung 1 or 2 yun). Ang gulo kasi nun mga kasama namin, buti na lang nagkataon na well-versed sa English yun owner nun restaurant na napili nila at nagkataon na andun siya nun time na yun kaya sila-sila na lang ang nag-usap. Dentist pala kasi ng Comelec yun owner and after office, lakad na siya papunta sa restaurant. Sa Intramuros, shopping galore pa rin ang mga lola, with matching picture-taking pa! Region 2 ang featured provinces noon sa WOW. Nanghinayang lang ako kasi hindi na masyado na-sustain yun program na yun sa Intramuros. May mga part nun lugar na walang ilaw kasi naputulan daw ng kuryente. Hindi nga kami tumuloy sa gate palabas run sa tapat ng DPWH kasi sobrang dilim nun lugar. Buti na lang helpful naman yun mga guards na naka-station near that gate kasi tinawag pa nila kami ng taxi through their radio. Anyway, almost midnight na kami nakabalik sa hotel. Lumabas pa nga ulit ang mga lola at pumunta sa Baywalk pero di na kami sumama dahil sobrang pagod na kami nun officemate ko. Yun dalawang taga-PWU na lang ang sumama sa kanila. Sunday almost ten in the morning na kami nagising. Kumain ng cookies at nagpack ng aming mga damit, inenjoy ang last few moments namin sa hotel..lalo na yun magstay lang sa Japanese-style na bathtub, at yun rainshower. Mas relaxed na kami nun dahil tapos na nga yun activity, di na kami nagmamadali. Finally, naka-uwi rin ako sa bahay namin! Haaay..what a long week talaga! Sobrang kakapagod pero enjoy rin naman at busog talaga dahil puro kainan! Twenty six na pala ko..wala lang, naalala ko lang. Tulog na muna ko, may pasok pa ulit bukas.