Tuesday, April 15, 2008

gusto ko...

  • gusto ko ng scramble!! yun kinaskas na yelo na nilalagay sa basong plastik tapos bubuhusan nun kulay pink na flavoring na lasang vanilla at lalagyan ng skim milk powder sa ibabaw tsaka maikling straw. dami nagtitinda nito noon sa labas ng school namin (sa OB -- yeah lowlah maecel, taga OB ako remember?! **winks**). sabi ng mama ko 'wag ako bibili ng mga pagkain dun (kasi tinamaan ako ng hepa nun kinder pa ko eh) pero minsan may naglilibre saken kaya nakakain ako nun kahit di ako bumili! (tigas ng ulo! hehe..). naisip ko lang masarap ata yun lalo na ngayon, mainit ang panahon!
  • gusto ko humiga sa grass sa gabi habang nanonood lang ng mga stars..wala akong ibang iisipin, kaya dapat sure na walang snake! (grrrrrr..kasi naman sumakay ako ng bus kahapon, meron siyang movie kung saan meron killer snake na palaki nang palaki habang dumadami yun taong nilalafang niya. whaaaa... super takot kaya ako sa ahas!)
  • gusto kong pumunta sa beach. swim, ride the waves, watch the sunset, magpaka-bum sa buhanginan
  • gusto kong magpamasahe
  • gusto ko ng sinampalukang manok
  • gusto ko matulog

2 comments:

  1. I second the motion!!! Bullets two, three, and four... tara, let's! Tuloy tayo, tuloy tayo sa 'min! Sana mag-decide na mancom na hindi kayo tuloy para hindi harang sa plans!

    ReplyDelete
  2. THE VERDICT IS OUT!!!

    YEHEY!!! MAY 8-10 NA ANG TEAM BLDG. LET'S GO, LET'S GO, TULOY TAYO MINDORO!!!

    SAYA!! PERO MAS MASAYA SANA KUNG KUMPLETO TAYO!

    ReplyDelete