C”,) ang cadena de amor (chain of love) pala ay official flower ng metro manila, sa bisa ng MMC resolution no. 04-02. ito ay sumisimbolo sa unity o pagkakaisa. ito rin yun nakikita natin na vines na may bulaklak na pinagagapang ng MMDA sa walls at poste ng flyover.
C”,) nakaka-inis ang mga taong walang respeto sa kapwa at walang pakungdangan kung sumingit sa pila. the nerve..siya pa may ganang magtaas ng boses nun sabihin na may pila! BITCH!
C”,) nakakalito yun ginawang scheme ng MMDA sa edsa cor quezon ave. sanay naman kasi tayo na ang passing vehicles (usually private) nasa kaliwang bahagi ng kalsada (inner lane) at ang mga nagsasakay/nagbababa eh nasa kanan (outer lane) pero doon eh sa outer lane pala dapat ang private vehicles at ang for public use ay sa inner lane. marami-rami na rin akong nattyempuhan na nagkakamali ng pasok dun pero di ko alam kung lahat yun eh pinapara ng mga blue boys beside the pink fences..natyempuhan lang kami minsan at ang sabi sa sis ko, “ang laki-laki ng sign namin dyan, di nyo nakita?” eniwey, reprimand lang naman ginawa nun mama at sabi next time eh sa kanang lane kami dumaan. sa tingin ko, hindi lahat nahaharang nila para ireprimand..hehe..marami pa rin akong nakikitang naliligaw ng lane dun. nun minsan nga fx na sinakyan ko sa outer lane dumaan eh, d naman nahuli. wala lang, nakakalito lang talaga!
C”,) nakakainis rin yun mga taong kung anu-ano nakalagay sa bulsa o sa pantalon tapos wala man lang kaingat-ingat kung nakakatama na sila ng ibang tao. gusto kong kurutin ng pinung-pino (yun tipong pwede na siyang kunan ng blood sample pagkatapos) yun lalaking nakasakay ko sa bus kasi pagdaan niya sa gilid ko (sa bandang aisle ako nakaupo) tumusok sa ulo ko yun susi na nakasabit sa gilid ng pants nya. buti na lang eh medyo nakaharap ako nun sa window kung hindi mukha ko tinamaan..eh kung nasugatan kaya ako?! lanyang yun, ni hindi man lang marunong magsorry! hay naku noh, padisplay-display pa kasi ng susi..wala naman kotse! sarap ngang sundan eh tapos sasabihan ko lang na “mister, sa susunod, itago mo na lang dyan sa bag mo ang susi ng locker mo! nakakasakit ka kasi ng kapwa sa pagdidisplay mo eh!” yun lang!
C”,) may road construction na naman sa commonwealth avenue! pambihira, di ko na nga mabilang kung ilang lanes meron ang kalyeng yun. baka nga magising na lang ako isang araw eh pwede nang pagdausan ng 100-meter dash yun patawid nun from one side to the other! nakakaawa tuloy tingnan yun mga taong tumatawid sa mga luma na concrete overpass run kasi pagbaba nila ng stairs eh nasa gitna sila ng highway..what’s the point of using the pedestrian overpass di ba?! tapos bubulaga pa sa kanila yun signanges na WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY” oh my!!
C”,) nag firedrill kami sa office. gusto ko sana masubukan dumaan dun sa fire exit na naka-hang sa wall ng annex bldg. namin kaso di pwede eh sa first floor na kasi ng main bldg. ang room namin at sobrang lapit lang sa main exit. sayang! mukhang exciting pa naman sana yun! di bale, magkakaroon pa raw ulit nun pero unannounced na..baka sakaling maabutan ako ng alarm habang nasa kabilang bldg!
C”,) may iba-ibang type pala ng fire extinguisher at isa rito yun pwedeng gamitin kahit sa electrical appliances tulad ng computers. siyempre hindi mo bubuhusan ng tubig ang computer di ba?! sana matuloy yun sinabi nila na isa-isa kaming pagagamitin ng fire extinguisher para masanay kami. naalala ko tuloy, nun maliit pa’ko, naisip ko rin na maging bumbero. pero hindi ko naman naisip noon na delikadong trabaho yun, napanood ko lang kasi sa batibot yun mga firemen na nagpapadulas pababa sa steel bar nun mag-alarm. parang ang saya kasi nun eh! ewan ko ba, lahat na ata naisip ko noon na gusto ko, maliban lang sa mga trabahong nasa linya ng medisina..mas naisip ko pa noon magtrabaho sa perya!
C”,) confused lang ako..di ba sabi “when read you begin with a-b-c; when you count you begin with 1-2-3; when you sing, you begin with do-re-mi” e valid lang pala yun sa primary years sa school kasi pagdating mo sa algebra, ginagamit rin ang a-b-c AT hindi lang yon, may kasama pang X-Y-Z!
C”,) mas nakakaconfuse kapag hindi mo alam kung ano ka (teka, am not talking about sexuality ha..baka may maka-misinterpret sa pinagsususulat ko rito!). hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis, basta lalo lang akong naguluhan! hmmm..tao nga kaya ako o robot? ay, mali! siyempre alam ko naman na tao ko ano at sa katunayan eh meron akong heart. yun nga yun problema ko eh, heart. hahaha.. ang hirap naman nito, nakakainis!
No comments:
Post a Comment