Friday, May 12, 2006

Finally, naisipan ko na ituloy ang Easter Sunday blog ko. Sa mga gustong magreklamo sa mahahaba kong posts, sarilinin nyo na lang ang reklamo nyo! Blog ko ito, di gumawa kayo ng blog nyo!





Cyemps halos isang buwan na lumipas since that post kaya iba na naman ang takbo ng utak ko. Nag-umpisa na naman ang tag-ulan kaya eto, medyo senti mode na naman ako..hehe.. senti nga ako ngayon pero di naman usapang lablayp ang iniisip ko. Unang-una eh wala naman ako nun remember?! Basta, nagsasawa na ko sa pagiging lost pag dating sa usaping yan kaya mabuti pa eh hayaan na lang. Sa last part nun blog ko I mentioned something about changes.





Tulad ng pagpapalit ng panahon mula tag-araw tungo sa tag-ulan, nagbabago rin ang bilis at direksyon ng ihip ng hangin; at di rin papahuli takbo ng utak ko. Nakakasawa rin naman kung pare-pareho na lang iniisip ko, sayang naman ang utak ko! hehe.. Dumating ang siguro ulit yun point na nagsasawa na ko sa takbo ng buhay buhay at gusto ko ng iba naman. I just wanna let go of all those hang-ups, yun pain, yun sama ng loob, yun asar..lahat-lahat.. and move on. Tadan! Nampato, naiiyak na ko! Sa bagay, healthy ito para sa aking mga mata..tagal na ko di naiiyak eh!





Naalala ko nun nag-aaral pa ako, ito rin yun season na naghahanda ako sa lahat ng pagbabago and literally, maraming bago sa buhay ko. Bagong gamit sa school, bagong classmates, teachers (school rin nun mag h.s. and college).. ito rin yun season na hinahanap ko yun mga bagay na naisantabi ko dahil feeling ko di ko muna kailangan o kaya dahil sobrang pre-occupied ako sa ibang bagay. Nagsusukat ng uniform at school shoes dahil baka hindi na kasya, sinusubukan kung pwede pa gamitin ang school bag at kung anu-ano pa. Eh hindi naman kasi ako rich kid na every start ng school year bago lahat ng gamit, nasanay lang ako na kung pwede pa naman gamitin yun dati eh ayos na yun!





Parang wala na naman flow ang mga sinusulat ko rito..mas mabilis kasi takbo ng utak ko kesa sa mga daliri ko! Tulog na nga lang muna ko..sarap matulog ngayon, umuulan na naman!!

No comments:

Post a Comment