Tuesday, June 13, 2006

pagpanaw, paglimot, paalala at ala-ala

Ilang araw na akong abala..gigising ng maaga, pupunta sa city hall, maghihintay, makikipag-usap hanggang dumating ang oras ng paglisan. Pagdating sa patutunguhan, haharapin ang ilang oras ng kaba, nerbiyos, at ilang sandali ng saya. Uwian na! Gabi na..bukas sa city hall ulit..iikot na naman ang buhay.. Pag-uwi ko noong Miyerkules, pinagtiyagaan kong tapusin yun mga damit kong nilalabhan. Alam ko mayroong kakaiba sa likod-bahay namin noong gabing yon pero dahil siguro sa pagod at antok, hindi ko maisip kung ano yon; hanggang sa dumaan yun kapatid ko at sinabi sa akin, “patay na si Puppy.” “Huh? Bakit? Kailan? Paanong nangyari yun?” Lunes ng tanghali raw nun ilibing si Puppy. Mabuti na rin yun..hindi ko alam..hindi ko nakita.. Ni hindi ko na inalam kung saang bahagi ng bakuran nila inilibing si Puppy. Kaninang umaga naalala ko na naman siya habang nagwawalis ako sa likod-bahay. Wala na yun makulit na si Puppy na mahilig makipagharutan pero pagpinatulan ko naman kakaripas ng takbo. Mas madaling kalimutan yun mga bagay na wala na kaysa sa alam mong nariyan lang pero hindi pwedeng maging sa’yo. Parang item na out of stock at di sigurado kung kailan magkakaroon; upuan na reserved pero walang naka-upo; bagay na gusto mo pero sobrang mahal at di mo afford; o kaya teleponong activated pero busy. Pero minsan nakaka-asar kasi kung kailang okay ka na at medyo nakakalimutan mo na, biglang darating yun delivery van at makikita mong ibababa yun mga kahon nun item na gusto mo kung kailang nakasakay ka ng taxi; magkakaroon ng available seats kung kailang nakabili ka na sa kabila; 50% off kung kailang nakabili ka na ng iba; o kaya tumawag sa’yo yun tinatawagan mo kung kailang last two minutes na ng basketball game na pinanonood mo. Bakit yun mga bagay, pangyayari at tao na gusto ko na lang kalimutan, yun pa yun lagi kong naaalala at naiisip? Minsan tuloy, feeling ko blessing in disguise kapag marami akong trabahong dapat gawin kasi kahit papano napipilitan akong ialis muna yun sa isip ko. Pero just the same, pag napagod ako at gusto ko mag unwind muna, yun pa rin naiisip ko. Madalas tuloy naiisip ko na sana pwede kong piliin kung anu-anong moments lang sa buhay ko ang mananatili sa aking ala-ala. Kaya lang, sa totoong buhay, hindi naman ganun! Kainis, sana di na lang nagpaalala para di ko na lang naalala..kung kailan unti-unti ko na nakakalimutan tsaka magpaparamdam..now, back to square one! Hmmm..ayoko nito!





/May 27, 2006

3 comments:

  1. wow... profound, kaya lang, akala ko mas nami-miss mo si puppy kesa dun sa nagpaparamdam ulit...

    ReplyDelete
  2. ahihihi..profound ka jan! di ko alam kung anu-ano pinagsususulat ko rito!!! pareho ko nmn miss yun kaso lng si puppy kc alam ko wla na cya sa earth yun isa nmn di ko alam kung nasan lupalop ng earth.. arf! arf!

    ReplyDelete
  3. dahil sa nabasa ko, sumagi sa aking isipan si Diego...sana buhay pa din siya, maayos ang pangangatawan, di pinagmamalupitan at walang nakagat na tao...hay Diego, miss na kita.

    ReplyDelete