Birthday ko pa rin! Ayon sa aking NSO-authenticated
certificate of live birth, 18 October 1979, 11:35 am ako isinilang. Salamat po
sa lahat ng bumati, pati sa mga taong ‘di ko naman ini-expect na babatiin ako!
Dalawang bagay ang narealize ko sa mga nangyari ngayong
birthday ko. Una, 27 na pala ako! Naalala ko nun teenager pa ko, iniisip ko na
matanda na pag lagpas ng 25. Feeling ko ang tagal pa nun kasi nga teenager lang
ako. Kaya lang, parang ang bilis lang ng panahon! Am already 2 years past 25
and feeling ko, hindi pa rin ako matanda. Ewan, baka sa isip ko lang yun..but
this thing lead me to my second realization.
Ang dami ko pa rin hindi alam at ang dami ko pang gustong
gawin sa buhay ko. Marami kasing bagay na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin
noon at lately lang ako nagkakaroon ng interest. Siguro kung papalitan ko ng
pangalan itong blog ko, hihiramin ko yun pangalan ng blog ni John Paul:
Late bloomer. Marami kasing mga bagay-bagay sa paligid na sa tingin ko, masyado
akong naïve.
Ilang ulit na rin ako muntik mapahamak dahil rito pero
mabait lang talaga sa’kin si Lord kaya am always spared from the devil
(hehehe..). Hindi ko na rin inaway o sinaktan yun mga nanggulang o nag-trip
sa’kin..naisip ko lang, bahala na si Lord sa kanila. True enough, medyo
nagdaraan lang naman sila sa mga paghihirap sa buhay..ayaw kong isipin na
kasalanan ko yun kasi hindi naman ako nag-wish ng di maganda for them (except
for one, na out of childishness ko lang naman sinabi and nun nagkatotoo, my
conscience bothered me so much that I actually prayed for him for a year ‘til
he passed that exam!). It’s not that I think am the one responsible for what
happened, concerned lang din ako dun sa taong yun and nalungkot rin ako when I
learned that he failed. Anyway, tapos na yun and am more careful now sa mga
sinasabi ko (unless am really provoked at nataon na bad trip talaga ko!).
Then there come topics like sex. I’ve learned the basics sa
school – how human beings procreate sa biology class nun high school and
college; and even sa theology and sociology classes nun college (may theology
kasi USTe ako nag-aral eh). It’s just that, the basics pero kanina, lumabas na
naman pagiging inosente ko. Dahil nga birthday ko, nagprepare ng surprise gift
yun friends ko (whom I need not name here dahil kilala naman nila mga sarili
nila). Pina-abot nila sa isang officemate ko, nakabalot sa brown envelope.
Dahil sobrang taas ng emotional quotient ko, dinala ko agad sa module ko at
tiningnan kung ano yun laman. Pagbukas ko nun envelope nakita ko yun gift nila,
kulay white na parang tube, around a foot ang haba, naka-plastic siya na
transparent at nakabalot sa booklet na parang users’ manual. Nun binaligtad ko,
nabasa ko yun label, “VIBRATOR.”
Nagsalubong na naman kilay ko at napakunot ang noo, “Huh?!
Ano to?!”
Tiningnan ko ulit yun label, tama naman ang basa ko,
vibrator talaga nakasulat..meron pang mga sinasabi something like enjoy sex,
use with or without partner, etc. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng module
ko (kaso di pwede, di ako kasya run eh!) sa shock!
“Bakit naman ganito binigay nila sa’kin? Anong gagawin ko
rito? Ayaw ko nito!!!” kung anu-ano naisip ko, parang gusto ko na maiyak.
Text ako sa nagbigay, ask ko kung ano ba yun..sagot lang
niya basta, buksan mo na ngayon. Then di talaga ko mapakali, tinawagan ko sa
intercom..tawa lang nang tawa tapos sabi bababa siya sa room namin.
Dahil nga inaaway ko siya at sinasabi kong ayaw ko nun,
habang lalo naman niya akong inaasar, na-curious tuloy yun mga kasama ko sa
room at lahat sila nakatingin na sa amin at gusto nang buksan yun envelope
(tinago ko kasi ulit yun sa loob ng envelope dahil baka may makakita). Di ko na
alam kung ano yun mga nangyari kasi sobrang hiyang-hiya ako..basta nagtatawanan
sila dahil nga nakalagay sa label vibrator tapos kanya-kanya silang comment
like masyadong mahaba, bakit may kurdon at de-kuryente, etc. Then they finally
opened the plastic bag and tore off the label tapos sabi nun isa sa akin
“tange, pang-plantsa ng buhok yan oh!” Then they all burst out into roars of
laughter!!! Feeling ko, na-drain lahat ng dugo ko nun mga oras na yun..parang
talo ko pa ang nabiktima ng practical joke shows in nationwide tv like Yari Ka
of Michael V or WoW Mali of Joey de Leon. Malay ko ba naman na hindi ganun yun
itsura ng tunay na vibrator!!! Eh yun ang nakalagay na label eh.
Haay..loko yun mga yun ah! Pero gerls, salamat sa
regalo..hehe..may mapaglilibangan ako pag walang magawa at bad trip ako sa hair
ko. But for now, nagkakasundo pa kami ng buhok ko kasi matino pa siyang tingnan
at konting suklay lang ayos na! Pero tuwa talaga ko run
sa gift niyo (kasi hindi vibrator)!!!
Halimbawa lang naman yan ng mga bagay-bagay sa daigdig na
hindi ko nalalaman. Pero in fairness, matured naman ako mag-isip pag dating sa
ibang bagay – actually when it comes to more serious matters. Mukha lang siguro kong bata mag-inarte at magsalita pero
seryoso naman akong mag-isip. Ewan, yun iba kasi galing ng packaging eh – todo
poise at vigor magsalita pero pag inintindi ko kung ano sinasabi at ginagawa
wala rin naman. Susme, nasa grade school pa lang ako alam ko nang maraming
ganitong nilalang sa mundo! True enough, kahit saan nga meron mga ganitong tao.
Sad to say, may dating pa rin talaga sa tao ang packaging (yeah, just consider
that vibrator incident!) – kaya for many people, am just that innocent little
girl na may pagka bratinela at walang pinuproblema at iniintindi sa buhay.
Haay..if only they knew.. Kung seseryosohin ko lahat ng bagay at pangyayari sa
paligid ko, baka di ko kayanin men! It’s either magmukha lang akong matanda o
maging bitter ako sa mundo.. kaya I’m like this. Gusto ko kasi cute pa rin ako
at ayaw ko naman maging bitter sa mundo..mawala na lahat ng virtues sa akin wag
lang faith, hope and love. Come to think of it, everything else springs from
these three.
At 27, marami pa rin akong gustong gawin sa life ko – things
that I want to do for myself and not for anyone else. For the next 18 to 20
months, may commitment pa rin ako na gusto kong tapusin. After that, I can go
on with my plans. I still want to go back to school; travel (whether alone or
with someone); learn things like driving or playing a musical instrument; buy
the things that I want (though I don’t need them that much); learn to love all
over again.
It seems like by then pa lang magsisimula ang life ko. By
then, I’ll be almost 29..for sure marami na akong kinaiinisang tao nun dahil
sinasabihan akong mag-asawa na ko and all those sort of lines (ngayon pa lang
nga medyo dumadami na sila eh!!). Pero as usual, tatawa na lang ako. Hindi rin
naman kasi ganun kadali ang mag-asawa at magkaroon ng pamilya. There are a lot
of things na dapat i-consider, hindi yun basta makapag-asawa lang. Pag dating
sa ganitong usapan, hindi ako isip bata. Kahit nun teenage years ko, alam kong
complicated thing ito kaya hindi rin ako basta pumapasok sa isang relationship.
Seryoso ko rin inaral yun subject ko na marriage and the family (haha..binasa
ko talaga yun family code noon) at siyempre nakikinig ako sa mga tips ng mga
prof. at iba pang elderly people. Basta, bahala na sila kung ano sabihin nila!
Ang mahalaga lang naman, wala akong niloloko, ginugulangan o ginagamit na tao.
Most fulfilling pa rin yun at the end of the day meron kang peace of mind.
Twenty-seven is just two years past the quarter of a century. God
willing, I’ll still leave through the second quarter or even beyond. Marami pa
rin akong pwedeng gawin at matutunan. Marami pa rin akong pwedeng puntahan.
Marami pa rin akong pwedeng makita at makilala. Marami pa rin akong pwedeng
isulat. Sa ngayon, tutuldukan ko muna ang mga talang ito sa araw ng aking
pagsilang. Sa muling pagkakataon, salamat sa mga kaibigan na bumati sa akin ng
maligayang kaarawan!! Happy naman ako!
No comments:
Post a Comment