Pinipilit kong kalimutan ka pero hindi ko pa rin magawa. Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako tuwing naaalala kita, nasasaktan pa rin ako. Ilang ulit ko nang sinabi sa sarili ko na wala namang pupuntahan lahat ng ito. Pilipilit kong huwag na lang maalala ang lahat. Sinubukan kong magalit sa’yo pero bakit ganun, bakit sa halip na magalit ako at mas mabilis kitang malimutan, lalo lang akong nasasaktan? Akala ko kapag naramdaman ko yun sakit, kapag napagod na ko kakaiyak matatapos na lahat dahil malilimutan na kita. Pero hindi pa rin. Dahil sa bawat pag-iyak ko, sa bawat masakit na ala-ala, sa bawat sama ng loob, lalo ko lang nararamdaman na mahal na mahal kita.
Kahit na sabik na sabik na akong makita ka, makausap at makasama ulit, pinipigilan ko ang sarili ko na hanapin ka pa, na subukang tawagan ka o itext o email. Kasi yun ang gusto mo. Gusto mo na layuan kita. Yun ang pinakamasakit sa lahat. Yun mga nangyari, yun mga sama ng loob na hatid ng ibang tao tanggap ko na nangyari na yun. Oo, nasaktan ako noon pero wala na yun. Mas masakit kasi yun ginawa mo na utusan akong layuan ka at kalimutan ka. Feeling ko para lang akong isang bagay na basta mo na lang itatapon. Parang ginawa mo lang akong laruan mo. Maaalala mo lang kapag gusto mo ng libangan, kapag nagsawa ka na sa iba mong laruan. Pero after nun, wala lang. Bakit ba naman huli na nang malaman ko na ganyan ka. Ang masaklap pa nun, kahit nalaman ko na na ganyan ka umasa pa rin ako na mamahalin mo ko. Hay..
No comments:
Post a Comment