November 25, Quezon Memorial Circle. The National Commission on the Role of Filipino Women in coordination with the Quezon City Government launched the 2007 observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) through an early morning Bike Vs. VAW activity. Nope, this is not a press release; just some thoughts now that the campaign is almost over. Thanks to some brilliant minds (ahem, mine included?!) and the consenting members of the Joint Councils on Anti-VAWC and Anti-Trafficking in Persons + the VAW Coordinating Committee and funding support from the UNFPA CP6, this event pushed through. Well, there were minor and major blah..blah pre and post activity BUT the thing is, I was able to fulfill one dream. YEP, a DREAM! Eh pangarap ko lang naman maka-ikot sa elliptical road sakay ng bisikleta, yun lang pero hindi ganun kasimpleng tuparin yun ah!! So ang sabi ko, basta magba-bike ako! Maasar na ang gustong maasar magba-bike ako! Dream come true naman dahil naikot ko naman ang elliptical road riding a bike (salamat kay auie kasi hindi ako iniwan!). Now more than just a dream come true, here are some reflections on the event and the experience:
Downward slope ang elliptical road from North Avenue to East Avenue and in front of QC Hall, habang pataas naman mula sa Kalayaan Ave, Commonwealth Ave. hanggang sa area ng Tiangge at Visayas Ave. Kasi hirap akong magbike mula sa Kalayaan pabalik sa Tiangge entrance samantalang hindi na kailangang magpedal sa kabilang side.
May hukay somewhere before Quezon Ave. Kasi po na-shoot sa sa hukay na yun ang unahang gulong ng bike na gamit ko! Naku noh, buti na lang na-control ko at di ako sumemplang!
While biking keeps people fit (be fit to fight VAW nga ang slogan ng event) and saves the environment, there are real risks involved! Risk na baka mahagip ka ng mga walang pakundangan na motorista. Borrowing one of MMDA Chair Bayani Fernando’s taglines, mga walang urbanidad – mga walang respeto sa bike lanes at talagang malakas pa ang loob na bumusina as if nakaharang ka sa daan nila kahit na nga nasa bike lane ka lang (the thing is, sila yun pumapasok sa bike lane). Nope, contrary to the common misconception na mga PUJ at PUB drivers ang may ganitong ugali, pare-pareho lamang po sila kahit ano pang ganda o mahal ng mga sasakyang dala nila! Kung sa bagay, tulad ng sinabi ko sa isang past blog ko na hindi naituturo sa paaralan ang breeding, hindi rin naman kasi ito nabibili sa kung saan kahit na meron ka man o walang pambili ng sasakyan! Now this thing leads me to my next point..
Nang maisip namin ang konsepto ng Bike Vs. VAW, ang idea lang is to gear away from the usual caravan (I shared that I’ve read an article discouraging advocacy caravans using motorized vehicles because of pollution). So naisip ng grupo na why not bikes kasi environment-friendly and pwedeng family activity and the rest should be part of KM! Pero matapos ang biking experience (as if matagal ako nag-bike noh eh one round lang naman ginawa ko tapos ayoko na kasi nais ko pang mabuhay ng matagal!), naisip ko lang na may kadena ring nag-uugnay sa pagbibisikleta at sa VAW. Nope, hindi ko susubukang mag-maganda at talakayin ng malalim ang concepts of VAW at bicycling – hindi ko na aagawan ng role ang mga experts diyan! Mga simpleng analogy lang naman ang naisip ko..
Maraming hindi marunong mag-bike. Siguro dahil takot silang subukan o kaya hindi lang talaga sila nabigyan ng pagkakataong subukan o walang tumulong at nagyaya sa kanila na matutuong magbisikleta. In the same manner, marami pa ring mga kababaihan ang nagtitiis sa pang-aabuso ng mga tao sa paligid nila kaya nga patuloy pa rin ang advocacy work para palaganapin ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa VAW at kung ano ang dapat gawin upang wakasan ito.
Just like women and their children learned to defend their right to a life free from violence, bicyclists also struggle to defend their right to the road while on the road – pareho lang ang kalaban dyan – ABUSE.
Nakakatakot magbike mag-isa kung napaliligiran ka ng mga pasaway na motorista pero tulad rin ng isang biktima ng karahasan, kung may kasama ka sa pagtahak sa daan, kahit mapanganib pa yan ayos lang dahil may kaibigang umaalalay.
Ang sarap ng feeling kapag natapos yun cycle! Hmm.. maligaya! Sa ngayon, yun na lang muna kasi may gagawin pa ako eh!