Monday, December 22, 2008

Random thoughts again..

  • Maraming bagay na nakakasorpresa.
  • Hindi ko gusto yun pakiramdam na parang may tension lagi sa air. Kailangang matigil ito!
  • Dumarating din yun panahon na mangingiti ka na lang kapag naaalala mo yun mga bagay, pangyayari at taong minsan ay ninais mong tuluyang mawala sa ala-ala mo. Kapag dumating ang panahon na iyon, magaan na sa pakiramdam, walang bitterness, walang panghihinayang, walang kalungkutan..dahil alam mo na sa mga panahong iyon ay naging maligaya ka. 
  • Minsan tinanong ako ng isang kaibigan kung alin ang mas pipiliin ko, yun luma o yun bago. Sabi ko, mas pipiliin ko pa rin yun luma. Oo, alam ko yun mga kahinaan nito, yun mga pagkukulang, at kung anu-ano pa, pero anong problema sa ganun? Nagkasundo naman kami ng mahabang panahon at naging maayos naman dahil nag-blend at nag-complement kami. Yun bago, oo siguro nga mas may potential pero sino ba ang makapagsasabi nun sa ngayon? Paano kung dumating yun panahon na masira siya? Oo may warranty pero pano kung malayo ang service center? Iba pa rin yun tried and tested sa loob ng maraming taon!
  • Ang sarap magbakasyon. Relaxing yun feeling na wala kang ibang iniisip kung hindi ang i-enjoy ang mga araw na malayo ka sa lahat ng gumugulo sa isip mo.

3 comments:

  1. auiegerl1:08 AM

    i second the motion! ang sarap magbakasyon at mag enjoy ng hindi iniisip ang trabaho o output.

    ReplyDelete
  2. Hay ako rin, ako rin! Nakakapagod pa rin kahit break, but it;s

    ReplyDelete
  3. nyeps5:53 AM

    Obvious bang bakasyon, hindi na ako marunong gumamit ng keypad, one week na akong break! Pati pangalan ko, wrong spelling :)) Magkita na tayo, magkita na tayo!!! :)

    ReplyDelete