Last week, makailang ulit akong napadaan sa sensor ng mga tindahan sa mall at sa bawat pagdaan ko (papasok man o palabas) ay umaalingawngaw ang maingay na alarm ng sensor nila.
Bad trip naman! Napapatingin mga tao eh, baka akala nila shoplifter ako...haller, kaya kong magbayad at hindi ko gawain yun!! Luckily, wala naman humaharang o humahabol sa guard sa akin para kapkapan ako at halungkatin ang bag ko. Well, obviously naman kasi eh papasok pa lang ako nag-alarm na ang sensor. Pero napapa-isip ako kung bakit nga ba tumutunog yun, bad trip eh. Baka kako yun portable hard drive sa bag ko..pero dati naman hindi yun tumutunog eh.
Last Friday, dumaan ako sa Rustan's Gateway para bumili ng regalo sa inaanak ko (waaah..nadagdagan ulit ang inaanak ko! 7 na pala sila!). Nag-alarm na naman pagdaan ko sa sensor papasok sa Rustan's. Napatingin ako sa guard na nakatingin din sa akin, bigla ako napatanong, "bakit ba lagi na lang tumutunog ang alarm?"
Guard: May libro kayo diyan Ma'am?
Ako: Opo, eto oh (sabay kuha at abot ng libro mula sa bag ko)
Guard: (dinaan sa sensor ang libro..nag-alarm) Sa national bookstore niyo ito binili 'no?
Ako: Opo, sa National nga..
Guard: (may tinutuklap sa inside back cover ng libro ko) Sabi ko na eh, hindi kasi nila Ma'am ito inaalis kapag nakabayad na ang customer, kaya naga-alarm kayo lagi.
Ako: Ah, kaya pala lately lagi nga nag aalarm!
Guard: (pinadaan ulit ang libro sa sensor--tahimik na! binalik sa akin ang libro) Ayan Ma'am, hindi na kayo tutunog niyan..
Ako: Sige, salamat po!
So, there eto pala ang salarin!
No comments:
Post a Comment