Friday, December 02, 2011

debriefing

NOTE TO SELF: Let it go. May mga tao talaga na ang misyon sa buhay ay humanap ng mali, bumilang ng pagkukulang, at makinig sa sarili lamang na katwiran. Wala kang kapangyarihan na baguhin sila, pero maaari mong piliin kung paano mo sila pakikitunguhan at paano mo haharapin ang paninisi nila sa iyo ng mga bagay na wala ka namang kinalaman. Oh well, actually nadadamay ka lang naman, at hindi mo lalo kasalanan kung bakit ganoon sila kung manisi ng iba.

SELF: Salamat ha. Susubukan ko BUT, I can't promise! Alam mo naman ayaw ko ng pinupulbos ako ng walang kalaban-laban! In fairness sa akin, hindi ko pa naman sila pinapatulan ah!!

NOTE TO SELF: Magtigil ka hija! Tandaan mo, hindi lang sarili mo ang at stake sa mga usaping ito.

SELF: IK-IK!!! Pero sa totoo lang huh, nakakasama talaga ng loob iyang sina Mickey, Minnie at Mimi! Malapit ko na 'yan sabihan ng, "oo na, kayo na nga, kayo na talaga...kayo na ang may alam ng lahat! Sige na, go na, ngat-ngatin niyo na sila. I don't care na 'coz I'm not a care bear!"

NOTE TO SELF: Sinabing huminahon ka eh!

SELF: FINE!

NOTE TO SELF: Aba, aba, aba...tila yata pati ako ay kinaiinisan mo?

SELF: Hindeeeeeh!!!

NOTE TO SELF: Oh, ayan nagsasalubong na ang kilay mo, galit ka na niyan?

SELF: Haller!! Hindi!

NOTE TO SELF: Anong hindi, eh ayan at magkasalubong na kilay mo!

SELF: AAARgh...pinakikita ko lang sa iyo na nagpa-threading ako nun week-end, okey?

NOTE TO SELF: Oh? Hindi ba masakit yun?

SELF: Ambot sa imo! Bala mu cute ka neh? Masakit ka na sa bangs!

NOTE TO SELF: Oh, may bangs ka na? Katulad nun mga pix mo nun little gurlalu ka pa? Yun parang bunot lang ang hair mo!!

SELF: Grrrrr....

NOTE TO SELF: Hehehe...aminin, ganun ang buhok mo nun dekada-80!

SELF: Alam mo kung ano pa meron nun dekada 80?

NOTE TO SELF: Ano?

SELF: Kaya nga kita tinatanong eh, hindi ko alam! Wala pa akong paki-alam sa mundo noon! Ang alam ko lang (in no particular order):

  • Batibot
  • Superman2
  • Si Brownie (yun laruan kong aso na naglalakad, kumakahol, at gumagalaw ang buntot -- ang dahilan kung bakit naglayas si ate noon)
  • Pangarap ko pa noon maging astronaut (matapos ko mabasa at makita ang pix ng astronaut sa science textbook ni ate..opo, mahilig pa akong magbasa noon at hindi ako inaantok!)
  • Bago ko nabasa yun tungkol sa astronaut, ang gusto ko ay maging firefighter. Napanood ko kasi yun sa Batibot, tingin ko ay cool yun nagsusuot sila ng coat, boots at head gear tapos tatakbo sila, hahawak at magpapadulas sa isang steel pole pababa sa first floor ng building nila kung saan naka-park yun red fire trucks na super duper kintab! Tingin ko talaga noon ay cool ang maging firefighter..later ko na lang na-realize na hindi pala cool kundi mainit (literal na mainit!) ang trabahong iyon; tsaka hindi naman pala kagandahan all the gears, at kakintaban the fire trucks..narealize ko lang iyon nun nauso na at mga balita sa TV.
  • Nun mga panahong iyon, ginusto ko rin maging kundoktor ng provincial bus. Amazed na amazed kasi ako sa bilis nilang mag-punch ng hole sa mga tiket eh. Tsaka gusto ko rin yun iniipit yun paper bills sa gitnang daliri ko.
  • Umalis si Pres. Ferdinand E. Marcos sa palasyo pagkatapos niya magpadala ng gold medal sa akin kasi matalino raw akong bata nun pre-school
  • Hindi na ako ang bunso pagdating ng taong 1985
  • Dekada-80 ko rin nalaman na ang ginto ay yamang mineral; hindi yamang lupa..at hindi ko na iyon nalimutan pa! Ganun talaga, mas natututo ang tao sa pagkakamali..lalo na sa quiz bee! hahaha...
  • Isang araw, nagsimula ang madalas sa pagdaan sa himpapawid ng maraming maingay na eroplano na ang tawag nun matatanda ay tora-tora..ewan kung bakit ganun ang tawag!
  • Ah, madalas rin pala wala kaming kuryente noon! Kaya hindi talaga ako mahilig sa TV eh, pwede ako mabuhay ng walang TV.
  • Masarap ang Magnolia Chocolait at glass bottle pa ang lalagyan nito.
  • Grade 1 ako nun maganap ang isa sa pinaka-embarrassing moments of my life: sa isang jeepney, kalong ako ng ate ko (para tipid, isa lang bayad namin). Papunta na kami sa school noon. Bigla akong na-hatsing -- as in hatsing na nagtalsikan ang aking pinaka-tatagong malapot na sipon!! Lumanding ang iba sa sahig ng jeep, may kaunting lumanding sa mga pasahero sa tapat ko, napuruhan yun babae na katapat ko mismo, at ang malupit sa lahat ay may naiwan pa nakabitin sa ilong ko na parang mga taong mahuhulog sa cliff, clinging on to dear life. GROSSS talaga, may lobo-lobo pa! :(  Buti na lang super mabait si ate (yun babae sa harap ko na napuruhan), hindi niya ako inaway. Kumuha siya ng tissue sa bag niya at inuna pa niya na abutan ako ng isang bungkos na tissue at tulungan akong linisin ang fez ko, bago niya pinunasan ang sarili niya. Inabutan din niya ng tissue yun ibang pasahero. Tapos nun, nagtiklop siya ng ilang pirasong tissue at ini-abot sa akin -- just in case ipahiya na naman ako ng ilong ko. Looking back at that incident, I can't help but throw a lot of thanks onto the air to that lady. Kung sino man siya, at nasaan man siya ngayon, I know si Lord ang bahalang magbalik sa kanya nun kabutihang ginawa niya sa isang batang paslit na sumira sa porma niya papasok sa opisina isang umaga (mukha siyang office girl sa porma niya).
  • Grade 2 ako nun madevelop ang pagka-hate ko sa mathematics. Yun teacher ko kasi, sinabihan ako sa harap ng klase na kapag math na ang subject ay doon ako dapat umupo sa row4 :( Simula noon ay hate ko na ang math!
  • Grade 3 ako nun isumbong ako ng isang girl (akala ko pa naman friends kami) sa mommy niya na sinira ko raw yun zipper ng bag niya. Actually, sira naman talaga yun, ayaw sumara eh. Tapos nagpatulong siya hilain yun zipper..eh natanggal yun pang-zip..kaya ang kwento niya sa mom niya ako sumira ng bag niya. At pumunta pa talaga sa school yun mom niya..pero nun nakita naman ako eh hindi ako pinatulan. Later on, sinabi sa akin ng isang friend ko (na kapit-bahay nila) na sabi raw nun mom ng classmate namin, mukha naman daw akong mabait na bata kaya siguro raw ay hindi ko naman talaga sinira yun bag ng anak niya. WAHEHEHE...But seriously, goody-good gurl pa talaga ako noon eh!
  • Minsan nun grade 4 ako, may program sa school kaya dapat japorms kami. Suot ko yun gold necklace na bigay ng Papa ko sa akin. May lumapit sa akin na isang girl (natatandaan ko pa pangalan niya pero hindi ko na lang ilalagay dito kasi baka naman nagbagong buhay na siya) at bigla na lang ako hinawakan sa kwelyo ng blouse ko; hindi ko na matandaan kung ano yun mga iba niyang sinabi, pero natatandaan ko pa na kinikilatis niya yun necklace ko..sabi niya iyon daw yun nawawala niyang kuwintas, ninakaw ko raw yun. May dalawa siyang alalay na gerlalus rin na nakatingin lang habang inaapi ako nun lider nila. Ewan ko, tahimik pa ako noon eh, wala lang imik, iiyak lang kapag inaway -- in short, madali akong apihin. Anyway, tinigilan din niya ako matapos ang mahaba-habang bullying session niya (she pinned me against a wall pa huh); at mabuti na lang din ay hindi niya kinuha yun necklace na bigay ni Papa sa akin. Anyway, that necklace is no longer with me na rin these days, but that's another story.
  • Ah, nauso rin pala noon ang kulay dilaw at polka-dots
  • Puro rice fields pa ang matatanaw mo sa NLEX noon; kulay dilaw ang mga taxi; ordinary pa mga bus; at dalawang lanes pa lang ata ang Commonwealth Avenue!
NOTE TO SELF: Nag-memory lane ka naman diyan!

SELF: Masama??

NOTE TO SELF: Hindi naman..hahaha..

SELF: Inaantok na ako.

NOTE TO SELF: Ok ka na?

SELF: Yep, for NOW.

NOTE TO SELF: Remember -- rest if you must, but don't you quit!

SELF: Hay, I really want to rest. It's just that a lot of things are happening..

NOTE TO SELF: Take one step at a time; 'wag ka masyado pa-apekto sa kanila. As long as you believe in your heart that you're on the right side, go lang. I know you, mabilis ka makonsyensiya kapag may hindi tamang nagaganap -- it's one of your virtues but sometimes, it could also be a weakness -- that is when you take all these things personally or blame yourself for bad things that happen which are actually beyond your control.

SELF: Hmm... :( you know me quite well, really.

NOTE TO SELF: Of course dear, I am yourself!

SELF: Oo nga pala ano..ang slow ko!

NOTE TO SELF: Rest dear.


No comments:

Post a Comment