Beyond the sunny smiles, that child-like grin or that snobbish glare, there is this other side.
The side that longs to be understood but only a few dared to listen.
BUT NO! Arrrgh.. hindi fwedeh! Kung anu-ano kasi ang naiisip ko. Actually, ang daming magulo sa isip ko.. PANIC MODE! Oo, nagpapanic na ako! Gusto ko na nga magdisappear sa face ng earth right now eh! Minsan talaga dumarating yun point na iniisip ko na maling-mali ang choices ko sa buhay. Pero kailangan panindigan eh, pinili ko naman kasi yun. Pero pwede rin naman akong magsisi di ba? Pwede rin naman mag-emote at magdrama kahit minsan di ba? Pwede rin naman malungkot kasi feeling mo wrong move talaga. I mean, pwede naman maging human di ba?
Ang galing ko kasi umarte -- this is a major flaw of mine. People think na keri ko lang naman. Lahat kasi dinadaan ko sa tawa. Ayaw ko kasi ng stressful situtation. Ayaw ko ng confrontation...seriously, ayaw ko talaga at ginagawa ko lahat para umiwas dyan pero kapag nagkasagaran na, naku good luck! Pero hello world, tao rin po ako hindi ako super hero! Napapagod rin naman ako at nakadarama ng hopelessness sa mga bagay-bagay na pinagdadaanan ko.
Sa ngayon, hindi ko muna kailangan ng tough love --- I've had that all my life -- 'yun puro pangaral, puro pagsisikap na maging responsableng tao, puro pag-iisip sa kapakanan ng iba, puro don't show them that you are weak stance, puro all is well that ends well na pananaw, puro I can make it through the rain na mood... nakakapagod na rin. Nakakapagod na rin yun manahimik. Pero ang mas masaklap eh yun dahil all along tahimik ka, when you begin to talk and carve your point, ang nega ng reaction ng mga tao. Siyempre, hindi sila sanay. Yun kapag nagsabi ka ng ganito-ganyan, meron magko-comment na ang daming problema sa mundo kumpara sa akin -- potek, pati ang warla sa Gaza, pagkamatay ng mga tao sa pagbagsak ng mga eroplano, at problema ng mga nasalanta ng bagyo i-point pa para ipamukha sa akin walang ka-kwenta-kwenta ang problema ko kumpara sa mga yun? As if I have been a self-centred brat all my life! Please lang, hindi ko kailangan ng sermon at "I told you so.." sa ngayon.
Wala bang pwedeng mag-offer ng comforting love?