There comes a time when things just fall into place. Serendipity, coincidence, fate, alignment of the universe, God's plan...posibleng iba-iba ang tawag pero dumarating ang pagkakataon na ganito, hindi man para sa hinihiling mo na happy ending, at least para tapusin ang isang chapter sa buhay mo at magsimula ng panibago. Anyway, truly happy things need not end naman di ba? Yep, there may be lull moments, pero iikot rin naman ang cycle para bumalik ang happiness. Pero may mga bagay lang din na kailangan tapusin kung hindi man kalimutan.
|
this photo from: http://1hdwallpapers.com/wallpapers/time_is_blue.jpg |
Time. I often appreciate how my closest friends and I can be brutally frank with each other. Yun tipong gusto mo silang itakwil na kaibigan dahil nakaka wasak ng damdamin ang mga harsh words nila sa iyo pero hindi mo magawa kasi alam mo na totoo. Ito yun kaibigan ko na kailangan mo magpasintabi na hindi mo kailangan ng tough love, kung ang gusto mo naman at that moment eh mag-emote lang at hindi iresolve ang problemang dinadala mo. So kanina, she suddenly brought up time after our dinner. Natutuwa ako for her kasi may pinaglalaanan na siya ng time niya sa ngayon bukod sa work, garden, friends and family niya. Minsan nageemote rin siya tungkol sa seeming lack of time for her ng guy na pinaglalaanan niya ng time niya, pero being her friend na humihila sa kanya pabalik sa reality, I tell her na wag naman OA at tingnan din yun practical realities nila nun guy. So now, seems like okey naman sila at they spend time with each other.
Time. Lahat naman tayo may 24 hours a day eh pero nasa atin kung paano, saan at kanino natin gugugulin ang time natin. Ako, hindi ako expert sa usaping time management. Minsan, whimsical rin ako sa pag-ubos ng oras ko. I don't follow a strict daily routine. Hindi lang ako fanatic ng routines. Mas gusto ko yun spontaneous lang and I devote time doing certain things because I like doing it, I suddenly felt the urge to do it or I am happy doing it at that certain moment. Hindi naman kasi ako nagsasayang ng oras sa mga bagay na ayaw ko naman talaga. Minsan naglalaan ako ng oras sa mga bagay na gusto ko lang subukan gawin, pero kung hindi ko naman gusto yun eh hindi ko na uulitin. At least masasabi ko na kahit minsan sa buhay ko, nasubukan ko yun.
Time. I appreciate people who share their time with me. Choosy ako sa friends, hindi ako nag-aaksaya ng time sa mga taong hindi naman palagay ang loob ko at hindi kaibigan ang tingin ko. I admit, I only have a few friends pero hindi lang superficial friendship ang binibigay ko sa kanila. Ewan ko, basta ganito naman ako ever since. I care for my friends kahit na madalas, hindi obvious. Hindi kasi ako patweetums na sweet in public. Madalas nga opposite pa kasi I end up pushing my friends to their wits' end sa sobrang asar. Pero 😇 indicator yan na gusto kitang maging friend kapag inaasar kita 💁. When I become too formal, it's either hindi lang talaga kita feel - dito bagay yun cliche na "it's not you, it's me" -- posible kasi na wala ka naman talagang ginawang bad sa akin, hindi lang talaga kita gustong maging friend; or if dati kinukulit kita tapos I stopped and become formal, malamang you did something which turned me off. Tao 🙅 rin ako, I also get hurt and pissed off, you know!
Time. I remember one guy na sinabihan ako na
"wala ka kasing time sa akin!" Ang reaction ko -- kamot ulo sabay bulong sa sarili na, "sira ba tuktok nito? Ako pa sinabihang walang time eh napapadalas nga pagloload ko
(prepaid pa cp ko nun) dahil sa kanya. Eh siya nga yun madalas nagsasabi na kesyo naubusan siya ng load o kaya busy sa work. Oo nga, ano...tuktukan ko kaya to?! Lakas ng loob magdemand ng time?! Parang binabaligtad ang situation? Hmmmm...akala ba niya mauuto niya ko sa drama niyang iyan? Aba, kahit bata pa ako
(hehe..I was in my mid 20's pero late bloomer ako eh kaya bata pa ako nun!) at matanda siya sa akin eh bright child yata ito no! Anong walang time pinagsasasabi nito?" Matapos ang mabilis na pag-iisip, ang sagot ko,
"marami akong time na willing ko i-share sa mga taong gusto ko makasama at willing magshare din ng time. Siguro kaya kita niyayaya na lumabas kasama ang friends ko 'di ba? Hindi lang time ang binibigay ko sa iyo, gusto ko makilala mo ang world ko; pero kung ayaw mo dahil ikaw ang walang time or walang interest, bahala ka." And that was tell tale sign number one na hindi siya boyfriend material. Hindi lang dun nagtapos yun, hindi naman ako judgmental na tao so marami pang chances ang aking binigay to get to know the guy, pero the more na naging clear na hindi siya good influence for me so waley, isa na lang siyang ex-future-boyfriend. And somehow thankful ako sa ending na yun kahit na iniyakan ko rin naman yun --- pambihira, umiyak talaga ako huh!😭 sa bagay, iyakin nga pala ako!
|
this image from: http://i.ytimg.com/vi/52-eR-Is-B8/hqdefault.jpg |
Time. Sabi ng isang friend ko, if you like someone, kahit gaano ka ka-busy or gaano ka kalayo, magagawan mo ng paraan na magparamdam. Lahat ba ng tao naniniwala rito? Baka kasi nagkataon lang na pareho kami ng friend ko. I admit, may mga pagkakataon din naman na hindi ko napapansin agad mga friends ko dahil may deadline ako na hinahabol or uber busy lang talaga at that moment pero once nag sink-in sa akin yun, bumabawi naman ako. So maybe ganun nga talaga. Logical rin naman siya kung iisipin. Siyempre if you really like something you will be willing to adjust and invest to have it. Ganun din naman sa tao or even sa romantic relationship I guess
(malay ko ba, hypothesis pa lang sa akin ito, ni hindi pa nga theory). Personally, I take time to send random messages to inform my friends that I am still alive, este, that they just crossed my mind. Sometimes, I also send out messages just because I have to remind myself that I still have people who might miss me when I am gone -- yep, depressed lang ang drama 😓. Masaya lang when they respond..kumusta blah...blah...blah... Siyempre kapag yun crush
(maka crush lang eh, wagas! Haha..) ko ang kausap / text / email / chat ko dobleng saya, minsan kilig pa kapag sweet siya 💑 ayiieeee..👫!
Time. Ito talaga yun kahit na olympic gold medalist sa track and field eh hindi kayang habulin at 🏃 unahan. Ito yun kapag nakalipas hindi mo na mabalikan. Oo, kasama niyang lumalagpas yun chances -- sila yun perfect tandem para maging reason mo na magmoment at mag-emo na
"what if..." "what could have been..." "if only..." "kung maibabalik ko lang..." "sana bukas pa ang kahapon..." "sana'y maaaring ibalik ang kahapon..." at kung anu-ano pang litanya ng panghihinayang. Pero hindi pwede eh; hindi talaga matutupad kahit ilang ulit mong ibirit sa videoke o gawing theme song sa teleserye ang hiling na
"sana'y maghintay ang walang hanggan." Hindi ka hihintayin ng oras at lalagpasan ka ng chances kung hindi mo kukunin pagdaan sa harap mo. Swerte mo kung maisipan mag-cyclone loop ni chances at magpang-abot kayo ulit some other time. Nawa sa pagkakataong iyon eh magawa mo kung ano ang gusto mo.
Time. Minsan nasa MRT at ilang bagon na ang dumaan eh hindi pa ako nakasakay. Yun ikatlong tren eh naiwan ako pero at least ako na ang nasa unahan ng pila. Habang paalis yun tren, parating naman yun northbound na bagon sa kabilang side ng cubao station. Bigla ako napakanta,
"...I've been passing time watching trains go by all of my life. Lying on the sand watching sea birds fly...." mabuti bago ko pa mailakas ang pagkanta ay naalala ko na ako lang mag-isa at nasa part ako na mixed passengers so halos puro boys ang nasa paligid ko -- 🙈 dyahe! Tahimik ulit ako, nagkunwaring nagtetext pero wish ko lang sana may bigla na lang tumawag para sagutin ko agad at kunyari ringtone ko yun..trip lang ba, ringtone ko boses ewan..hehehe...😄.
|
this image from: https://yy1.staticflickr.com/2693/4111020563_a70bbd924d_z.jpg |
Time. Time to sleep na muna 😴. Later is another day!