Thursday, August 27, 2015

Solving Two Major Urban Problems: Manong Driver's Strategies

I used to be so timid and shy that people often think that I am a snob. People do change though; sometimes for the better :-). I now find myself talking with random people about random topics. This new post category that I am starting will revolve around those random conversations.

A few days ago, I was talking with the cab driver on my way to a Sports Club. The weather was quite bad that morning, downcast clouds indicate a gloomy day and imminent rainshowers. We traversed one of the "short cut" roads toward the place where I am headed to avoid heavy traffic on the main roads where PUVs ply.

"Ang dilim na naman ng langit, uulan na naman po ano?" I commented.

"Oo nga Ma'am! Naku, talo na naman sa baha at trapik nito. Mahirap ang byahe," he said.

"Iwas na lang sa bahain na lugar tsaka alalay sa pagdrive para safe," I answered back.

"Talaga Ma'am! Naku ito pong kalyeng ito (referring to the road with a wide creek ahead), hanggang dito po sa taas na ito binabaha! Kawawa po 'yan mga bahay na iyan sa baba, lubog lahat yun first floor niyan!" he shared.

"Ay ganun po ba? Samantalang kapag ganitong wala pang ulan eh ang lalim naman at ang laki na ng creek na 'yan," I told him.

"Dapat po Ma'am, ipahukay pa 'yan creek na 'yan eh. Bumabaw na po 'yan sa tagal. Dapat ayusin ng gobyerno 'yan!"

I listened intently to manong driver's insights which went like this:

"Kung tutuusin madali lang solusyon sa dalawang malaking problema sa Maynila (I guess he was referring not to the City of Manila alone but to Metro Manila or other urban metropolis in general). Ano 'yan dalawang yan? --- trapik tsaka baha!"

"Paano naman po?" (Ako, curious at nakikinig sa next lines ni manong).

"Una, trapik. Bakit trapik? Paano ang daming sasakyan at tao sabay-sabay lalabas, naghahabol ng oras papasok sa trabaho o eskwela. Dapat magkakaiba ang oras ng pasok. Yun opisina ng gobyerno dapat alas-singko ng umaga ang bukas tapos maaga uwian para hindi kasabay ng mga sa private at estudyante. Yun private na opisina dapat alas-otso o alas-nuwebe ang pasok. E 'di walang problema, kasi kapag lalabas na sa kalye mga private eh nasa opisina na mga sa gobyerno. Sa uwian ganun din; hindi sabay lahat. Makakatipid pa sa gas. Siyempre mahirap yan sa simula pero kapag batas na 'yan wala naman sila magagawa kung hindi sumunod. Para sa ginhawa naman ng lahat 'yan."

"Eh paano naman po ang baha?" (Ako, amused at this point sa insights ni manong).

"Dapat po gumawa ng drainage sa Manila na kasya 'yan (sabay turo sa delivery van two cars ahead of us). Sa mga pelikula Ma'am sa abroad 'di ba yun drainage nila dun pa naghahabulan sa ilalim mga action scene, parang underground ng MRT pero kanal yun tapos pag umakyat ka sa manhole eh kalsada sa ibabaw. Dapat ganun ang gawin sa atin hindi yun maliliit na imburnal lang. Siyempre kapag parang mga drum lang na imburnal madali bumara mahirap pa linisin. Pero kung malalaking kanal mas madali linisin at maraming tubig kaya sa loob. Gumawa dapat ng mga ganun at itutok palabas sa ilog at dagat o Manila Bay. Kaso Ma'am hindi ginagawa e. Siguro kasi kapag ganyan maganda na drainage natin hindi na sila kikita sa pagpapagawa ng imburnal. O kaya Ma'am hindi talaga naiisip o kulang sa tapang yun mga dapat gumawa. Madami kasi kumikita dyan, takot sila na kalabanin. Kung sa gastos naman po, sa umpisa lang malaki 'yun kumpara sa inaabot natin kapag baha tsaka puro repair pero baha pa rin. Nakaka utang nga po para sa ibang project at lahat naman may tax. Dapat lang talaga yun lider natin isipin yan mabuti."

(Ako, mesmerized na sa sharing ni manong. Naisip ko na siguro nga wisdom comes with age and experience in living and seeing how people live in random streets and corners of the metropolis.)

"Ma'am, ito na po 'yun pupuntahan niyo ano," sabay turo sa bakod ng sports club.

"Ay, oo nga! Nakarating din tayo," sagot ko.

"Kung sa Quezon Avenue at Welcome tayo dumaan Ma'am mahuhuli kayo kaya umiwas na tayo."

"Tama po. Thank you po ha, eto po bayad," sabay abot ng bayad at smile kay manong, "have a nice day po!" paalam ko pagbaba.

"Sige Ma'am thank you din!" paalam ni manong.

I just thought that manong cab driver's opinion is worth sharing with anyone who happens to pass by my blog. Of course it has pros and cons and could be subjected to lots of debates, but hey, no one has the monopoly of bright ideas, right?  And we must remember that sometimes, the things that we laugh at or belittle could very well be the answer that we've been waiting for.


No comments:

Post a Comment