Saturday, April 16, 2005
Life of a Broken-hearted Bum
Still bumming around...Oh, how can I tell him about this feeling? Why do I have to fall in love with a guy na friend lang naman ang tingin sa akin? Bakit kailangan kong pigilin ang sarili ko na ipaalam sa kanya na nasasaktan ako? Bakit kasi ako nasasaktan? Hindi naman dapat, wala naman akong karapatan masaktan..hindi naman kami eh..kaibigan lang naman ako..isa lang ako sa napakarami niyang kaibigan. Wala naman kaso kung mawala man ako sa buhay niya, marami pa naman kasing matitira..yun mga kaibigan niya na nakapagpapaligaya sa kanya..di tulad ko, lagi ko na lang siyang inaaway. Ewan ko ba, pag siya ang kasama ko o kaya kausap ko, feeling ko ang dami kong hindi alam sa mundo. He makes me feel that I live a pathetic life. Yun mga bagay na wala naman akong paki-alam dati, ngayon iniisip ko kung bakit nga ba ‘di ko sinubukang gawin o matutunan. Hindi naman sa ayaw kong gawin ang mga bagay na yun, siguro nga kasi pathetic lang talaga life ko, wala naman chance para matutunan ko yun mga yun. Gusto ko rin naman subukan gawin yun, kaya lang di naman siya nag-offer na turuan ako..ako na naman ba ang magyayaya? Kung sa bagay, ano naman ang masama kung yayain ko siya o magpaturo ako sa kanya, eh kaibigan ko naman siya di ba? Nakalimutan ko..hindi nga pala date ang hinihiling ko, konting time lang niya para aksayahin sa isang kaibigan na katulad ko. Nakakainis na nga eh, pakiramdam ko, pinagsisiksikan ko na sarili ko sa kanya. Feeling ko hassle lang ako sa mga lakad niya dahil napipilitan siyang intindihin o alalahanin ako. Shame..ano ba ito? Self pity? Ilang beses ko nang nabasa ang mga temang ganito. Yun mga relasyon na wala namang kasiguruhan kung ano nga ba. In the first place, meron nga bang relasyon? Kaibigan..yun lang..at isa lang ako sa napakarami niyang kaibigan. Ang sakit nun! Ewan ko, di ba sabi nila pag nagmahal ka dapat wala kang hinihintay na kapalit? Siguro sa isang banda, tama yun pero hirap naman kung pati sarili ko lolokohin ko at paniniwalain na di ako nasasaktan. Imagine, habang ako nagkakandalito-lito at natutulala kaiisip sa kanya, malamang eh ni hindi man lang ako sumagi kahit sa guniguni niya. Masyado siyang busy eh -- sa trabaho, sa personal niyang buhay kasama na rin ang marami niyang kaibigan. Kung bakit naman kasi iniisip ko pa siya eh, pambihira..kahit na nga ako mismo busy sa trabaho ko eh lagi ko pa rin siyang naiisip. Sabi ng isang friend ko, mahal ko raw pag ganun. Ang totoo, noon ko pa naman narealize yun eh di ko lang matanggap dahil ayaw ko. Natatakot kasi ako eh. Natatakot akong masaktan kaya takot akong magtake ng risk. Bakit risk? Kasi hindi ko naman alam kung ano ko para sa kanya. Ang alam ko lang, tinanong niya ko noon kung pwedeng makipagkaibigan. Pagkatapos nun, wala na. Sabi nun friend ko, nagpapalakad raw sa’kin; tinatanong pa raw kung may pag-asa ba siya. We went out okay..hmm..twice I guess, at meron akong kasamang chaperone. Text, phone calls, yun lang. Dun sa mga instances na yun, he never told me anything kung ano ko sa kanya, kung like nya ko or whatever. Alam mo yun feeling na pinagkakaisahan ka ng mga tao sa paligid mo? Yun bang lahat sila tinutukso ka sa isang tao pero kapag yun taong yun na ang kaharap mo, wala naman siyang sinasabi sa iyo. Nakakainis! Masyado kasi akong vulnerable sa mga tuksong ganun..kaya nga ayaw ko ng tinutukso ko eh, lalo na kapag ganun, hindi naman totoo. In the end kasi, ako lang naman ang nasasaktan..nakakainis! Ang hirap pala mainlove..tagal ko nga iniwasan ng ganito eh. Ayaw ko kasi matulad sa mga friends ko na namumroblema sa relationship nila. Ang dami ko nang narinig na mga sad stories from them, kaya rin siguro takot akong mag-take ng risk. Pero siguro dumarating lang talaga yun point na kahit anong gawin mo, mangyayari pa rin yun mga bagay na iniiwasan mo. Mas sad lang pala ang kalalabasan kasi sobrang unexpected lahat and to think na after all those years that you’ve shielded yourself from the sad realities of love and relationships, ganun din pala ang ending. Haay..wala pa ngang simula eh, ending agad at sad ending pa. Ngayon eto, friends kami pero deep inside wish ko na sana more than friends..wish lang kasi it’s far from reality. Minsan ang hirap nga eh, ang hirap magpretend na di ako nasasaktan, lalo na pag may mga sinasabi siya concerning women whom he meet. Nakakainis rin kasi parang I always have to make papansin para lang maalala niya ko. Kaya nga feeling ko pinagsisiksikan ko sarili ko sa kanya eh. Ewan, I just can’t help but contact him everyday..kahit na minsan dead-ma lang siya..siyempre, nalulungkot ako pag dine dead-ma niya ko pero ano naman right ko di ba, friend lang naman ako. Shame..ang hirap ng buhay ng bum, lalo na pag ganito..lalo ko lang siyang naiisip..lalo lang akong nasasaktan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment