Wednesday, November 29, 2006

hirap naman nito. kung kailan naman nagdecide ka na to make that turn meron na naman mangyayaring ganito. haha.. extreme challenge talaga ito!



teka, gabi na pala! baka iwanan ako ng kasabay ko nito! pack-up na muna ko, tsaka ko na lang itutuloy..basta sa ngayon, nahihirapan po ako. hehe..di lang halata yun! galing ako magpretend na di affected eh..no reaction ba.. pero haaay.. whatever!



shame naman, para kong high nito, kung anu-ano sinasabi ko. layas na nga ako!

Thursday, November 16, 2006

para kina pixie at angel biatch, ‘nay racs, amelita at sa kanya..

kung minsan iniisip ko kung alin ba talaga mas gusto ko -- malamig o mainit? ewan. di ko alam. ang alam ko lang, masarap magpalamig pag mainit at masarap magpainit pag malamig. pero di ko alam kung bakit gloomy ang dating sa akin kapag malamig -- pang-senti mode kung baga, very conducive para magdrama, lalo na pag mag-isa ka. masarap talaga magbalik-tanaw sa mga panahong kasama mo yun mga taong naging mahalagang bahagi ng buhay mo. napapangiti pa rin akong mag-isa pag naaalala ko yun mga pagkakataong yun -- kulitan, daldalan, asaran, away-bati, pasyal, lakad, kain, inom, pa-cute sa picture, at kung anu-ano pa. pero bigla ka na lang malulungkot pag naisip mong wala na yun mga taong kasama mo o kaya malayo na -- nakaka-miss. ewan, mas nakakalungkot kapag ganitong malamig ang panahon. pero tama, kailangan din mag-move on. bilib talaga ko sa’yo...sana dumating ang araw na magkaroon din ako ng lakas ng loob tulad mo. ewan, ang dami ko kasing kinatatakutan. pero sa mga huling taon na lumipas, naisip ko lang na kahit anong ingat o kahit na anong iwas mo, yun mga bagay at pangyayaring ayaw mo, nangyayari pa rin sa’yo..parang doble pa nga impact kasi iniwasan mo na nga ganun din pala resulta. minsan naisip ko na rin lumayo sa lahat ng bagay, lugar at taong nagpapaalala sa akin ng lahat. ewan, naguguluhan pa rin ako..pero iniisip ko na talagang gawin yon. sana talaga..





bakit nga ba minsan ang sarap mang-inis ng mga kaibigan? bakit nga ba minsan kung alin yun binabawal tayong gawin yun ang lalo natin ginagawa dahil natutuwa (o natatawa?) tayo sa reaksyon ng mga kaibigan natin? siguro dahil napapatunayan natin na concerned talaga sila sa atin. tama, sarap ng may kaibigan kasi they keep your feet planted para hindi ka masyadong matangay ng mga pangyayari. o kaya, wala lang, masarap lang talagang mang-asar. pero aminin din natin na minsan naman ginagawa natin yun kasi gusto talaga natin at wala tayong paki-alam kahit na sabunutan at buhusan tayo ng malamig na tubig ng ating mga friends para matauhan. minsan, mahirap na i-distinguish kung alin ang alin. minsan may mga taong inaayawan ng mga kaibigan natin pero gusto natin. ewan, siguro kasi we see something in these people na hindi naa-appreciate ng mga friends natin simply because they are not us. kahit naman kasi gaano tayo kalapit sa mga kaibigan natin, meron pa rin tayong mga pananaw na di tulad ng kanila, meron pa ring individual biases. meron pa rin tayong pinanggagalingan na hindi nila lubusang naiintindihan dahil hindi naman nila pinagdaanan lahat ng mga nangyari sa buhay natin, dahil hindi tayo sila. basta, tiwala naman ako sa’yo..i may be cuter than you (ngyarks, kapal ko noh?!) pero lam ko mas matured ka naman..at mas choosy (haha!). at tungkol sa taong aalis na..please do find time to meet and talk with him. tama ka, he’s nice and i also like him as a person -- especially yun honesty and sincerity. girl, countries is much, much farther than islands away!





‘nay racs, hapi b-day (nov. 15). sensya na, windang ako nun araw ng birthday mo eh di na kita nabati! amelita, kaarawan na naman ni big bird ah! ano kaya feeling ng 32 years old na ‘di pa rin tinutubuan ng buhok sa bunbunan?! pero balita ko big time na ata yun huh?! hehe..dati na naman malaking tao yun hindi ba?!





sori, tinanong ko lang naman ‘yon..ano man yun gusto ko pa sanang sabihin, sasarilinin ko na lang. marunong naman akong tumupad sa usapan.