Inappropriate - not conforming with accepted standards of propriety or taste; undesirable; incorrect behaviour sa tagalog, hindi dapat, hindi angkop, hindi akma, hindi nababagay. Wala lang, share ko lang yun work of art ni auie na inspired ng salitang ito:
How inappropriate to hold my hands,
Yet long for someone else’s hands
For you to kiss my lips,
Yet long for someone else’s kiss
When you hold me in your arms,
Whose body are you feeling next to you?
And when we make love,
Whose skin is touching your skin?
What thought runs through your mind
And fires you lust?
Is it my body heat or the memory
Of someone who holds your heart?
Is there anything more inappropriate,
(than) To have your corpse to love, to hold
While you hear lies somewhere else
With someone it beholds?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Hindi nararapat, na ika'y naririto sa piling ko
Habang iba naman ang nasa isip mo
Kapag ako’y iyong hinahagkan,
Labi naman ng iba ang iyong natitikman
At habang nilalasap ang sarap sa aking kandungan
Kasiping mo’y iba hirang
Sabihin man nilang ako’y baliw
Basta ika’y nasa aking piling
At siya na tunay mong mahal
Nag-iisa sa gabing mapanglaw
i made somewhat a similar poem in 2002. it's entitled 'sinful' naman. who says what's appropriate anyway. nagiging inappropriate ang isang scenario kapag a) nagset ka ng boundaries sa sarili mo at feeling mo, you went overboard, b) nagset ka ng boundaries kung kanino ka dapat maging ganito at ganyan, c) praning ka lang ever. and most of the time, it's letter c. hell, 'a woman's got to do, what a woman's got to do!' if i feel like doing something, of if i feel something in the course of my engagement with another person, i'll just have to be. kaya walang kinahihinatnatan tong lovelife natin e ...
ReplyDeletehmm..sino nga ba and dapat magdikta kung alin ang dapat at alin ang hindi? hindi ba cultural norms naman ang pinagmumulan nito? it varies from culture to culture, from generation to generation. sabi nga ng prof ko dati sa moral theology (naks, usteng-uste ang dating!) sensitibong usapin ang morality -- sa paglipas ng panahon nagbabago ang mga tao kaya may ilang nagsasabi na ang standards of morality eh nagbabago rin; pero may mga naninindigan na hindi ito dapat magbago dahil si God ay hindi nagbabago mula noon hanggang ngayon at kahit na kailan. may komplikado pa pag pinasukan mo ng isa pag idea, yun mula sa mga taong di naniniwala na may supreme being.
ReplyDeleteah basta, ako tinataasan ko lang ng kilay (matapos i-head to foot! hahaha..) ang mga nagsasabi na "inappropriate" ang ginagawa ko. aba, look at your self muna noh! meron ka bang moral ascendancy sa akin? kung wala, just keep your mouth shut or keep your fingers out of my mailbox!