May contest sa office para sa theme ng nalalapit na 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW). Kagabi, napagkatuwaan namin ng isang officemate ang palitan ng text tungkol sa mga temang may recall.
BABALA: ang susunod ninyong mababasa ang pawang kalokohan lamang ng mga taong puyat at walang anumang kaugnayan sa opisyal na posisyon o pahayag ng ahensiyang aming kinabibilangan.
Carlo’s entries:
General themes/campaign slogan:
- Bantay Kontra Blackeye
- Karahasan sa Kababaihan: Totoong Problema, Hindi Chorva
- Kampanyang Tiyak Pangontra Sapak
- Laban Kabog, Tigil Bugbog
- Karahasan sa Kababaihan, Isuplong sa Kinauukulan
Payo sa perpetrator:
- Galit kay Inday, Ibaling sa Bonsai
- Idinulot na Hibik, sa Impiyerno Triple ang Balik
Payo sa biktima:
- Karahasan Isuplong sa Pulis, Di Baleng Matsismis
- Reklamong Natengga, Para Mas Mabilis, Ipa-media
- Kababaihan Pumalag, Huwag Hayaang Majombag
Honey’s entries:
Babala sa perpetrator:
- Perpetrator ng VAW, Padilaan sa Kalabaw
- Ang Mambugbog, Babatuhin ng Niyog
- Pag VAW ‘di Tinigilan, Tadyakan Kita Jan
- Karahasan ay Tigilan, Magbunot ng Hagdan
Payo sa biktima:
- ‘Wag Magtiis, Pakagat Siya sa Ipis
Sa mga taga gobyerno:
- Pag di Nagserbisyo, Suntok Mapapasa’yo
- Ang di Magsilbi ng Tapat, Bugbog ang Katapat
Police to perpetrator:
- Black eye na Binigay Mo, Ibabalik Sa’yo
DOH response to VAW:
- Serbisyong Medikal Para sa Nahampas ng Bakal
DSWD response thru temporary shelter:
- Libreng Tulog Handog sa Nabugbog
Private Sector participation/CSR:
- Jollibee: Bubuyog Kontra Bugbog
- KFC/Max’s: Manok Kontra Sapok
- Gas stations: Iwas Dahas, Magkarga ng Gas
Carlo’s Official Mascot for the campaign:
- Zaida: Pulis Pangkababaihan – Ang Parak Versus Sapak
Iba pang palitan ng kalokohan
- Ulirang kawani, e-load walang pambili
- Pang-asar sa mga mahilig mag-utos: "Di Mo Nga Magawa, Ako Pa Kaya"
- Kay Carlo, dahil napuyat ako at sumakit ang tiyan katatawa: "Pag Bukas Ako’y Na-late, Bilhan Mo Ko ng Chocolate"
- Text ni Carlo kaninang umaga: "Ang Ma-late Ngayong Araw, Bibigyan ng VAW;" "Taga-ncfar na Antukin, Mag 3 in 1 Na Rin!"
Yun lang, kalokohan lang walang personalan. Ang susunod kong entry sa category na ito seryoso na (sana!).
astig yung padilaan sa kalabaw ah, he, he, he...nai-imagine ko nah...;-p
ReplyDeleteAng Ma-late Ngayong Araw, Bibigyan ng VAW" --pambihira eh di araw araw biktima ng vaw si jun
ReplyDelete