Ang araw daw na ito ay inilaan bilang pag-alala sa mga yumao. Hindi ko kinalakihan ang pagdalaw sa sementeryo tuwing all souls day. Inisip kong mabuti pero sobra pa ata ang mga daliri ko sa isang kamay kung bibilangin ang pagkakataong dumalaw ako sa sementeryo. Kung mababasa ito ng mga kamag-anak ko, siguro iisipin nila na sadyang maldita lang ako at walang paki-alam sa mga yumaong kaanak! Ewan, basta hindi lang ako nasanay ng ganun kasi naman ang layo nila, eh mahal ang pamasahe at hindi naman ako rich kid. Sa pananaw ko, mas kailangan namin yun pera para sa basic needs para mabuhay kesa ipamasahe para puntahan ang mga patay. Natatandaan ko na nagsisindi kami noon ng kandila pag araw ng patay. Pero sa pagkatanda ko, ang inaabangan ko noon ay ang pagkakataon na paglaruan yun tunaw na kandila tapos palakihan kami ng bolang magagawa ng ate ko kung saan hindi naman ako nananalo kasi pati yun tunaw na kandila ng kapit-bahay kinukuha niya! Hindi ko kinalakhan yun practice na ipagdasal yun kaluluwa nun mga yumao basta ang alam ko, one candle per dead person ang kalakaran. Ngayong may sarili na akong isip, hindi pa rin ako naniniwalang kailangan ko pa silang ipagdasal. Sa paniwala ko, mas kailangan nating mga buhay ang prayers.
Naisip ko lang, hindi ko pa ata talaga naramdaman yun pain of loosing someone I love through death. Siguro I was just too young to understand it when they died. Literally, wala akong memory about my maternal grandparents, my maternal grandmother died when Mama was only seven and I was still so young and unaware of the world when my maternal grandfather died. I only knew them through bits of facts and stories which Mama would tell me from time to time. Lola Naty was a teacher and Lolo Pepe (Jose) was a veteran who served the United States Armed Forces in the Far East (USAFE) during the Second World War. They used to live in Pandacan, Manila until they moved to Nueva Ecija (not so sure but I often hear San Jose and Cabanatuan City), Lolo’s birthplace where Mama grew up and completed her secondary education (dun sa Immaculate Conception – aba, at sa private school pa pala nag-aral si Madir!). Mama and my older cousins would recall how Lolo would treat them with lots of food every time they go to his farm for a visit. Mama also mentioned that they used to go to the river. Being the daydreamer that I am, minsan iniisip ko na ang saya siguro kung hindi agad namatay si Lolo. Naiisip ko yun ilog, yun taniman, yun lechon, at yun baril ni Lolo! Yep, meron daw baril si Lolo at mahusay raw siya mag-exhibition nun pinaiikot-ikot sa daliri at ini-itsa yun baril tapos sasaluhin. “Wow, astig yun!” naisip ko, “sayang deds na siya, patuturo sana ko kung alive pa!” Hmmm..may naisip tuloy ako biglang magandang sample-an ng skill na yun! hehehe…Pero siyempre, daydream lang yun kasi nga deds na sila ni Lola eh. Wala rin atang masyadong memory si Mama about Lola Naty kasi nga batang paslit pa lang din siya nun pumanaw ito, basta teacher raw yun. Na-imagine ko tuloy na siguro medyo strict siya tapos matalino. Naisip ko, siguro sa kanya ko nagmana (ngyarks, ang kapal ko! hehe..). Sabi ko kay Mama dati, siguro kung buhay si Lola hindi pwede sa kanya yun mga bros ko na pasaway sa pag-aaral! Eh kaso nga, deds na sila pareho at wala naman talaga kong concrete na memories about them, nabuhay lang sila sa mga daydreams ko.
Ang natatandaan kong unang pagharap ko sa pagpanaw ng kaanak eh nun namatay si Tita Emi, kapatid ni Papa. 1985 yun, limang taon pa lang ako – old enough to know that one of my Titas died but still too young to feel the pain of loss. Basta natatandaan ko lahat ata sila noon nag-iiyakan. Teka, ito rin pala yun dahilan kung bakit ayaw kong tumitingin sa mga deds na nasa coffin. Kasi nun wake ni Tita, niyaya ako ni Uncle Pogi sa second floor ng bahay nila. Siya pala yun youngest bro ni Papa na parang buddy-buddy ko simply because war sila ni Ate. Magkasing-age kasi sila eh, tapos the usual youngest child – first grandchild rivalry, which I don’t know if they’ve outgrown. Eh sa baba kasi yun wake tapos yun second floor kahoy yun sahig and somewhere sa tapat ng sala sa ibaba eh may butas yun floor. Alam ko yun butas na yun kasi minsan pinagti-tripan kong maghulog ng maliliit na kalat run tapos malalaglag sa sala. Hindi ko alam kung matatandaan pa ni Uncle Pogi yun time na yun pero ako tanda ko pa nun pinasilip niya ko run sa butas sa floor tapos pagsilip ko biglang parang tumayo yun mga balahibo ko sa gulat kasi kitang-kita ko si Tita nakapikit, nakahiga sa kabaong! Mula nun, ayaw ko na tumingin sa mga deds sa coffin. Ayaw ko kasi maalala yun itsura nilang nakahiga run eh! Hmmm..naisip ko lang, hindi ko pala ever nasabi ito kay Uncle. Pero ikakasal na raw ata siya this December, hmmm..magandang wedding gift: sasabunutan ko siya at pipitikin sa ilong, makabawi man lang sa ginawa niyang yun more than 12 years ago! Hehehe..
Sumunod naman, kinuha ni Lord yun Lolo na nakilala ko, Tatay ni Papa. 2001 yun, sa CES Board pa ko nagttrabaho. Ang una kong reaction nun sinabi sa akin na he passed away was that he’s old na rin naman and sick, may diabetes siya. We went to the province nun wake and nun interment naalala ko na odd one out ako sa family. Una, lahat sila nakaputi samantalang ako nakabrown! Eh wala naman nag-inform sa akin na may motif pala ang libing, ang alam ko lang naman nakagawian na hindi magsuot ng bright colors lalo na yun red. Eh kahit naman gustuhin kong magpalit ng damit para naman belong ako sa family, wala naman akong ibang damit! Anyway, hindi naman na alam ni Lolo yun kasi deds na siya eh, at malamang di na rin napansin yun ng buong angkan dahil lahat sila ay abala sa pag-iyak! (kung may nakapansin man nun bukod sa akin eh malamang ang mga tsismoso at tsismosa ng barangay San Isidro sa bayan ng Sta. Ana!). Yun ang isa pang dahilan kung bakit odd one out ako – hindi talaga ako umiyak dahil hindi lang talaga ako maiyak. Kung sadyang naging apple of the eye ako ng mga kababayang tsismoso at tsismosa ng mga sandaling iyon, natitiyak kong na-magnify na naman ang kamalditahan ng beauty ko! Pero ang sa akin, hindi ko kailangan magpaliwanag. Basta, hindi ako naiyak eh alangan naman pilitin ko! Maldita talaga!
Bukod sa kanila, may iba pang relatives na pumanaw na rin. Karamihan sa kanila FYI na lang na pumanaw, yun iba nakasama ko kina Mama sa wake na kadalasan nagmimistulang family reunion at parang walang patay sa ingay at kumustahan. Pero kahit ano pang effort ang gawin ko para makilala ang bawat isa, hindi kaya ng powers kong tandaan lahat ang mga mukha at pangalan nila at kung anong relasyon ko sa kanila noh! Ewan, di ko nga alam baka nakakasalubong ko lang kung saan-saan mga kamag-anak ko o baka may kasama pa sa mga taong ‘di ko gusto!
Timely lang kasi yun reflection, all souls day. But death need not be sad if we believe in life after death right? Yep, we’ll surely miss their presence. Kung pwede nga lang makasama sila forever in this life eh kaso, lahat naman may ending. Somehow, death is a permanent closure para sa akin. Pag deds na wala ka na magagawa, you’ve missed your only opportunity na gawin o sabihin yun mga gusto mo para sa taong yun, which is nun buhay pa siya. Ilang stories na ba ng “if only” ang nabasa natin sa libro, napanuod sa pelikula, narinig sa kwento o umikot bilang forwarded e-mail? Di ko na mabilang.
Thursday, November 01, 2007
November 1
Labels:
piece of mind
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment