hindi lang ako maka-alis ng 'di ko nasasabi ito:
kainis yun naisip ng kung sino mang nilalang na isara yun isang babaan ng overpass sa commonwealth avenue corner don antonio heights!
kung ginawa nila 'yon dahil sa may sira yun hagdan o mapanganib sa mga dumaraan, sana naman ay marepair ito agad -- pero wala naman akong napansin na sira nun huli akong dumaan and that was thursday night.
pero kung ginawa nila yon upang i-control ang flow ng tao, tulad nun ginawa nila sa philcoa (yun lang ang justification na naisip ko kung bakit nila pinutol ang dalawang stairs ng overpass sa philcoa), ibang usapan na yon! hindi naman kasi nakabuti maging sa trapik man at lalo na sa mga pedestrian ang ginawa nila.
inis talaga ang initial reaction ko nun dumaan ako last friday night. kasi naman galing ako sa supermarket at may dala akong tatlong plastic bag ng grocery, isang shoulder bag at isang bag ng mga dokumento mula sa meeting. aba, hindi biro yun bigat nun! pero dahil 'di ako marunong mag-drive at wala naman akong kotse eh nagta-tricycle lang ako so I have to cross to the other side via the very long pedestrian overpass. ayos lang naman yun, parang excercise lang kaso lang yun mapilitan akong dumaan sa kabilang hagdan dahil sarado yun usual na daanan eh ibang usapan na yon! malaking pahirap siya!
sabado, dumaan ulit ako sa overpass kasama ang mama ko. hay mahirap talaga, istorbo sa trapik at delikado pa ang ginawa nila. kasi naman kung familiar ka sa lugar na yun eh hindi po maayos ang daanan ng pedestrian papunta sa kabilang side ng kalye (harap ng BPI) kung saan sumasakay ng tricycle ang mga tao.
(1) matarik at di sementado ang daan pababa sa kalsada, para kang bumababa ng burol. delikado dahil madulas ito kapag nagputik. kung ako nga nahihirapan eh paano pa ang matatanda at mga bata?
(2) naging maayos ba ang trapik? HINDI! dahil lalong bumagal ang daloy ng sasakyan papasok ng don antonio dahil sa dami ng mga taong tumatawid sa kalsada. siyempre affected nito ang daloy ng sasakyan mula batasan papuntang philcoa.
(3) delikado rin para sa mga tumatawid ang ganitong sistema dahil nga pababa po ang kalsada from commonwealth papasok ng don antonio. natural dahan-dahan ang mga driver dahil medyo matarik talaga ito, eh dagdagan mo pa ng mga taong tumatawid...nightmare ito para sa drivers! oo hindi ako nagd-drive pero common sense lang kailangan para maisip ito, hindi driving skills! naisip ko lang, paano pa kaya kung umuulan at madulas ang kalsada?!
ilan lang ito sa mga konkretong dahilan kung bakit di ko gusto ang ginawa nila sa lugar na yun. oo, set aside ko na yun asar ko dahil mabigat yun mga bitbit ko last friday.
wish ko lang bumalik na sa dati ang lugar na yun. at kung meron man silang pagbabagong ipatutupad to justify that eh gawin na nila agad para di na mahirapan ang maraming tao.