Noong uso pa ang Friendster testimonials, sumulat sa page ko ang isang malapit na kaibigan. Sabi niya, peborit ako ng ibang tao. Sabi rin niya, ako yun mahilig magreklamo pero biglang magbibigay ng bright idea tungkol sa mga trabaho kaya ang ending, dumarami ang trabaho ko. Ganun daw kasi ang kalakaran, suggest mo, gawa mo; ikaw ang naka-isip eh, di ikaw ang gumawa.
Natawa ako nun nabasa ko ang part na iyon ng testimonial niya sa akin. Naisip ko na, oo nga; itong taong ito yun hindi ko na mabilang kung ilang ulit kaming nagka-asaran at pikunan. Ito rin yun taong ilang linggo akong hindi pinansin dahil napikon sa pang-aasar ko. Siguro nga kilalang-kilala niya ako, at mukhang mas naoobserbahan pa niya ako kesa sa sarili ko. Katunayan, nauna pa niyang napuna noon na like ko yun isang lalaking nakilala namin, kesa narealize ko na oo nga, like ko nga yun guy.
Peborit raw ako. Sabi ko, oo nga, peborit nila akong utusan. Siguro dahil sumusunod naman ako kahit na nagvo-voice out ako ng reklamo. Hindi nga ako pwedeng pumasok sa military eh, kasi balita ko ang rule nila roon eh “obey first before you complain.” Ako, I can complain and complain but I still do it anyway.
Sabi ni boss kanina, siguro raw sinadya ko ang magpa-late dahil ayaw ko sumama sa shooting niya kanina. Sabi ko, hindi po, hindi lang talaga ako nagising, 8:30 na nun nagising ako. Tinanong niya ako kung bakit ako ganun, siguro raw nagpupuyat ako sa facebook. Sabi ko, hindi. Hindi ko na sinabi na halos wala akong tulog nun lunes ng gabi hanggang martes ng umaga kaya siguro kahit maaga naman ako natulog ng martes at tatlong cellphone ang nakaset na alarm ay hindi ako nagising. Ayaw ko na magpaliwanag ng mahaba, nakadagdag lang ng stress.
Ang daming mga pangyayaring nakaka-stress. Mga taong magulo kausap. Mga taong selfish. Mga taong ayaw mag-isip. Mga taong tamad. Mga taong feeling nila ang role mo sa mundo ay pahirapan sila, in short kontra bida ka sa teleserye ng buhay nila. Mga taong nag-iisip nga eh, irrational naman. Mga taong pa-importante. Mga taong maarte. Mga taong ang galing lang mamintas eh wala naman matinong input. Mga taong nakakapagod pakinggan kasi paikot-ikot. Mga taong walang paki-alam. Mga taong kulang sa pansin. Mga taong feeling ang galing eh hindi naman. Mga taong kung magsalita ay sobrang galing at alam nila exactly how you should be doing things, pero sa totoo lang ay puro kababawan at dada lang naman ang alam (read: kung alam mo paano gawin ito eh bakit hindi ikaw ang gumawa?? I’d gladly turn it over to you!). Mga taong comment nang comment na sisiw lang naman yan pinoproblema mo, pero kung ipagyabang ang mga balahibo nila eh akala mo agila!
Sabi ng teacher ko sa Filipino, isang salawikain daw yun “bato-bato sa langit, ang tamaan ‘wag magalit.” So ayan ang bato, SHOOT!
In fairness, may mga tao rin naman na nakakatuwa. Kung hindi nga dahil sa kanila eh baka nagbalot na lang ako ng gamit at nagtanim ng kamote sa bundok. O baka nag-aral na lang ako gumawa at magtinda ng tinapa. These people are my heroes. Kahit na nga meron ako narinig na nagcomment tungkol sa isa na kesyo parang wala pang alam, eh kebs..sa loob loob ko, (imitating Sally Brown singing My New Philosophy) “oh yeah, that’s what you think!” Kasi naman, at least sa taong ito may nakukuha akong matinong suggestion at insights.
Siguro nga, maraming tao ang absent, lumilipad ang utak, o nagpapacute sa katabing guwapo/maganda at mabango nun ituro sa science ang ecosystem. At siguro hindi rin nila naunawaan yun linya sa awit na “ang lahat ng bagay ay magka-ugnay; magka-ugnay ang lahat.” May tendency talaga tayo na hindi ma-appreciate ang mga tao at maging bagay na akala natin hindi natin kailangan. Nakakalungkot lang.
Sabi ko sa last post ko, kakayanin ko ito. Oo, kinakaya pa..sana nga.
No comments:
Post a Comment