Sunday, June 03, 2012

PNoy at iba pa...usapang naiinip lang, walang pikunan!

Originally posted via FB Notes on Sunday, July 4, 2010 at 9:27pm

Kulit lang ng photo na ito na kuha
sa conference room namin. May
konek naman sa topic ng post na ito.
Isang umaga, habang binabagtas ng bus ang kalye mula Elliptical Road hanggang Quiapo, naaliw ako sa pag-iisip tungkol sa pagka-humorous at malikhain ng mga Pinoy. Hindi ko alam kung sino ang nagpa-uso na tawaging P.Noy si P.Noy, pero mahusay ang kanyang ideya para mapalapit sa damdamin ng mga Pinoy ang imahe ni P.Noy. Pero dahil sa pausong iyan, naisip ko tuloy na may mga sikat na taong hindi dapat naisin na maging presidente ng Pinas kasi magiging kakatwa ang bansag sa kanila, kung susundin ang naumpisahan kay P.Noy.

Parang katulad lang ito ng joke ko noon sa bestfriend ng ate ko na si Ate Malou. High school pa lang ako noon, at tuwing mapapadalaw si Ate Malou sa bahay ay sinasabihan ko siyang iwasan mag-asawa ng may apelyidong Chinese-sounding tulad ng Wang, Kong, Pit, Tong at Toh. Isipin mo na lang kako kung ano ang magiging tawag sa iyo kapag pinagdugtong ang nickname mo at ang mga apelyidong nabanggit ko!

Sa ganitong konteksto ko rin naumpisahan ang listahan ko ng mga taong magkakaroon ng kakatwang bansag kapag naging P. ng Pinas:

Ang aktres na si Iza Calzado dahil tatawagin siyang P.Iza (pizza)
Si dating Senador Kit Tatad dahil tatawagin siyang P.Kit
Si Irma Daldal (kilala ito ng mga Batang Batibot) dahil tatawagin siyang P.irma
Ang singer na si Kuh Ledesma dahil tatawagin siyang P.Kuh
Ang aktres na si Coney Reyes dahil tatawagin siyang P.Con (pikon)
Si Cong. Sonny Belmonte dahil tatawagin siyang P.Son
Ating Alamin host Gerry Geronimo dahil tatawagin siyang P.Gerry (piggery – sa isang banda, pwedeng maging flagship program ng administrasyon niya ang pagpapa-unlad ng industriya ng paghahayupan)
Ang pop princess na si Sarah Geronimo dahil tatawagin siyang P.Sara (pero baka sa ilalim ng administrasyon niya ay mapagtuunan ng pansin ang sektor ng edukasyon)

Yun pa lang ang naisip ko pero for sure, marami pang iba.

Bigla ko rin naisip na mabuti na lang DILG ang naisip hawakan pansamantala raw bilang Kalihim ni P.Noy, at hindi DOT. Ang pangit lang kasi pakinggan kung tatawagin siyang P. n DOT Secretary Benigno Aquino III. Hay, eto ang nagaganap kapag trapik..kung anu-ano naiisip ko.



  • Abigail:  Kung si Nat manalo, ang presidential nickname niya nice din. Hahahaha!
  • Evelyn:  
    i
    ba ka talaga nihan! dati ang tawag sa kanya PEnoy - kasi daw president elect pa lang siya. when he assumed office na P.noy na, mas preferred nya ito dahil mas makamasa ang dating, pag formal naman at kelangan daw PBSA (Benigno Simeon Aquino - Benigno S. Aquino) yan ang initials ni ninoy dahil naisakatuparan nya ang nabigong pangarap ng kanyang ama na maging pangulo... yan naman ang nasagap ko sa araw-araw kong pakikinig ng radyo.:)
  • Louie: Kung si Gibo pala nanalo...magiging P.Gi hehehehe
  • Aileen: ako P.Nats : )

  • Honey: ‎@ Abi: haha..sir Nat will then be called P.Nat --- at least peborit cartoon mo yun right, Lucy? hehe

    @ Lyn: oo nga, siya ay forme Pe.Noy..hehe..cool!

    @ Louie: P.Gi nga siya.. kapag surname naman eh P.Teo (petso). panalo!


  • Honey: ‎@ Nats, oo nga...swak na swak sa peborit cartoons ni abi, Peanuts! hehe
  • Editha: nakakatuwa naman ito....okay n okay

  • Honey: ‎@ tita edith: kapag ikaw naging pangulo, tawag sa iyo eh P.Sa (Saus)

    si sylvia naman ay tatawaging P.Syl (pisil)

  • Wanet: P.Net?

  • Honey: ‎@ wanet: mas bagay ang P.Lac (pilak=silver) ahihi..
  • Wanet: Honga! sige silver na lang. :-)
  • Sylvia: dahil sa isinama mo na naman ako, ikaw ay P.Honey (phoney ang pag-pronounce)..nye! di ba macapagal middle name mo? cheers to P.Honey Macapagal Castro (naku, double take!)
  • Meyps: Wahahahahahaaha!!! Adik ka, adik! Hahahaha... P.Honey! Naku, hindi magandang pangitain! Pangit rin akin, kontra vaw - P.Asa.... Pero buti naman dinocument mo thoughts mo. May mapag-uumpisahan na tayo! For that, hooray for traffic!
  • Honey: update: kapag si Sec. Ging Deles ay naging Pangulo, tatawagin siyang P.Ging (parang tsibugan lang eh noh!)

No comments:

Post a Comment