I still believe in a pattern prepared by the Almighty in this tapestry of life. Sabi nga, everything happens for a purpose, pero mas gusto ko yun verse na "all things work together for good." Why am I writing this? It's because recently, ang daming nangyari na nakaka-inis, nakakasakit ng heart, nakakapagod at nakaka-iyak sa life ko at sa mga taong nakapaligid sa akin. I'll try to write them down here in no particular order..kung ano lang maalala ko kasi medyo matagal na kong hindi nakapag-blog.
SMALL WORLD. Just when I thought this is it, there's no turning back; why do I have to meet (and to a certain extent work with) his kuya?! Janice said, "haha..destiny siguro!" to which I retorted "anong kasalanan ko kay destiny?!" Yep, I did asked why of all people we had to meet, for he just reminded me of the days when I was still close to his bro. They kind of have things in common so I almost had no doubt that they're brothers. Haay..if only Mrs. D know this fact, she wouldn't have told me, "ganun, with that brief encounter ang dami mo na alam sa kanya? Hmm..hmm.." Sumakit tuloy tiyan ko sa katatawa nun gabing ka-text ko siya! Di ko talaga mapigilan matawa nun kasi naman, pagdudahan ba?! hehehe.. Pero siyempre, di na ko nagkwento pa para hindi na humaba ang usapan! Pero okay naman na ko after those first days of questioning why. I guess it's just a way of allowing me to gauge if okay na nga ba ako after those exchanges of words and feelings. Though am still affected, I guess I'm better now.
IT'S NOT FIREWORX BUT A CASE OF ELECTRICAL TROUBLE. The night the typhoon was supposed to hit Metro Manila but swirled to Southern Luzon instead, the T-girls dared to brave against the weather and stormed through one of our fave hangouts, Mocha Blends Matalino. It was nothing, it's just that there was no work the following day and we just want to make tambay and talk or just stare at each other while seated on the sofa - our fave area. Then something sparked outside and nag-fluctuate ang ilaw hanggang tuluyang namatay then there was a boom! Familiar ang tunog na yun sa akin..madalas kong marinig yun sa lugar namin nun maliit pa ko. Late 80's yun at uso ang brownout sa lugar namin dahil madalas sumabog ang transformer ng meralco. Actually, hindi ko alam kung yun nga ba ang tawag sa incident na iyon, basta yun ang naririnig kong sinasabi ng matatanda kapag nawawalan kami ng kuryente. Naisip ko, uso pa pala yun ngayon, at sa commercial place pa! Then there was this flare na parang fountain that came from the electric post at the corner of the street..biglang sumindi yun ilaw parang split second lang tapos namatay na naman. Naglabasan yun mga crew ng coffee shop. May tumakbo sa isang kotse at inilayo sa poste. Then may nagsabi na itawag na raw sa 117. All along, nakupo lang kami nila Abi at Meyps may lighted candle na sa table namin. Wala na talaga pag-asang sumindi ang ilaw. After some minutes, nag-uuwian na mga tao sa shop kaya napilitan na rin kaming umuwi. We went to Philcoa to find another place sana at bumili na rin ng ilang bagay sa mercury drug tsaka internet card. Kaya lang di na kami nagstay ng matagal, we decided to go home na lang kasi lumalakas ang hangin at umuulan na. Sarap ng tulog ko nun kasi ang lamig! Kaya okay na rin kahit na nawalan ng ilaw sa kapihan, at least napa-aga ang uwian at di kami naabutan ng malakas na ulan sa daan!
ALL BECAUSE OF A DINNER. I get bored (and lazy) of routine work so the day that the E.D. assigned me to work on a Department's request, I was kind of excited though at the same time frustrated because it seemed that I have to work on it all by my self. Huh, I thought challenge - and it really was one! Good thing the boss has a lot of connects from all over the place, and presto may activity na kami sa Cebu! But it doesn't mean that working on the task became easy, actually dahil nga may network everywhere si boss the task became more complicated. At one point, I realized that we were faced with co-organizing and coordinating four events in a row (all because of a dinner invitation huh!). Anyway, after sending those letter invites to nine countries, follow-ups and all, no one confirmed. Naisip ko lang kasi, parang they already had four regional meetings this quarter, magdadagdag pa ba naman ng isa?! I mean, think of the schedule and the cost rin naman hindi ba? Anyway, the Director of the other Department said that he'll still submit my 2 bossings' names to the organizers for the guest list and card invites. All along, I still need to coordinate with people in Cebu and UNICEF for the other activity tapos iniwan pa ko ni boss ng isang buong linggo dahil pumunta na Davao. I still remember the look on her face when she made pa-cute and told me "that means, you're on your own!" Good thing there are those people in the office whom I can run to (thanks to Mrs. D, LAU, Tita Chat, Tita Lourd, Cherry Bear and Tita Ric - and Clehenia of course for being my sounding board). At eto yun turning point: December 12 (Tuesday) in the morning we have a back to back activity in Cebu then I have to ensure na makarating ng CICC yun 2 bossing for the dinner then the following day, December 13 (Wednesday) may breakfast Presscon sa Manila. December 11 (Monday) the E.D. and I will leave for Cebu. December 7, PM I asked the Director of the other Department logistical concerns re the participation of the 2 bossings to the dinner; also asked if OP will send card invites as he said in our meetings because to that time we haven't received any for the boss. He said dun na lang daw niya bigay sa akin sa Cebu and he'll check with OP and text me the following day. I thought, "okay, ganun pala arrangement nila, madali naman akong kausap eh no problem." December 8 around an hour past lunch break I got a text from him na di na raw kasali sector namin sa dinner along with the children and elderly. Napaisip pa ako nun, eh di kaya mali siya ng send sa akin kasi he addressed the message to Usec. Bala at Exec. Dir. Laigo. Pero binanggit naman niya yun sector namin sa di ma-accommodate kaya naisip ko di naman siguro siya nagkamali ng text, baka alangan lang ilagay ang pangalan ko sa isang message na ise-send sa group (hehehe..di ko na kasalanan yun kung naiilang ang ibang tao sa pangalan ko!). Anyway, I called him to check if tama ba gets ko (mahirap na magkamali ano!). So ayun, tama ako..nagpaliwanag pa siya ng mahaba, sorry and all pero ang iniisip ko nun mga sandaling yun kung paano ko sasabihin sa boss ko, lalo na dun sa isang nasa Pakistan. Naisip ko rin, ang daya nitong taong ito, ang haba-haba ng explanation eh load ko itong ginagamit ko! After we talked, balik ako sa room namin, tamang-tama andun din si Mrs. D. then I announced in a sad tone na hindi na raw kasama sila boss sa dinner. Siyempre gulat sila dahil alam nila kung gaanong hassle ang dinala sa life namin nun dinner na yun. I just explained na kakausap ko lang dun sa kabilang Department eh ngayon lang din daw sila na-inform ng organizers..hehe..ewan, I just ended up explaining their side though siyempre nalungkot ako run sa news and really, ang sakit sa heart! Kasi po yun ang start ng lahat-lahat tapos biglang ganun na lang yun..wala na rin atrasan yun sa mga in-organize naming activities na sana kung di sila nag-invite for the dinner hindi rin nagulo sked ko at naayos ko ng maaga ang board meeting namin, nakatulong ako sa ibang officers ng EA para magprepare for the agency Christmas party, at maaga ko rin nagawa ang Christmas shopping at nakapagbalot na ko ng gifts. AT sana rin, hindi ko ni-cancel ang appointment ko with my dentist ng biglaan para naalis na ang braces ko at this Christmas retainers na lang ang gamit ko! Amazing how a single decision can actually trigger a chain of harsh effects on others. Sad thing is, it often goes unnoticed simply because hindi naman po kasi sila yun na-hassle at ang laging apektado siyempre yun mga taong gumagawa at sumusunod sa kanila. Am I complaining?! Hindi naman ..hehe.. Marami rin akong natutunan dahil sa pangyayaring ito. Napilitan din akong makipag-deal sa iba't-ibang tao (ahehe.. wa care kahit sino kausap dahil I've got to keep going!). I met new people, took on a new perspective and got an invite for another dinner! Hahahaha.. hindi naman ako pupunta run!
No comments:
Post a Comment