Tuesday, August 12, 2014
Customer Woes
Finally naubusan ako ng supply ng patience so I sent a quite long message to a computer store. Aba, magpapakasal na sina Dingdong at Marian; may boyfriend na si Pac Mom, Mommy Dionisia; dalaga at binata na ang mga bata sa Ikaw Lamang; tapos na ang saga ng The Legal Wife at Mayroon nang Dalawang Mrs. Real; lumipas na ang Super Moon; at ilang powerpoint presentations na ang napagtyagaang gawin ng Mama ko gamit ang luma niyang netbook na sira ang keyboard eh hindi pa rin narerepair yun laptop na binili ko sa kanila ng brand new at nasira / nagflicker ang screen while still under warranty! Ang hirap pa tawagan ng store nila at pinaghihintay pa ako ng matagal sa telepono. Running for three months na mula nang iwan ko sa kanila yun unit na yun. Kapag itong written inquiry ko hindi nila inaksyunan at patuloy nila akong dinedma eh matetesting ko rin siguro ang power ng social media as an already enraged customer!
Labels:
customer relations
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
As an update to this post: the computer store suddenly sent me an SMS at this afternoon at 1:43 and I quote, "gudmorning po s ******* po ito..ok n po ung uni n pinaservice nyo po..ready for pickup n po"
ReplyDeleteNever mind na medyo sablay sa sense of time ano. So ayun, biglang nagtext ngayon. Siguro naman nabasa na nila yun pinadala ko online sa customer service nila. Kailangan pa talaga magreklamo bago asikasuhin. Sorry sa store na ito, they just lost a client whom they did not value. Ilang units na ng laptop ang binili namin sa kanila, all under my name for the past two years ano! Hanap na ako ng ibang store for I.T. products.