Tuesday, May 03, 2005

On blogging, barely breathing

Posted on a group blog:



what is the point of blogging when every bitch is no longer reading nor visiting this group blog?



what's the use of blogging when no one reads your blog?





    Well, ano nga ba? Isa lang ito sa mga tanong na tinatanong pero ang totoo, 'yun lang naman taong nagtatanong ang may alam ng sagot sa tanong niya.



     Bakit nga ba magpo-post ka pa sa blog kung wala naman nagbabasa? Just for the sake of maintaining that blog? Baka kasi di mo lang kayang mag let go...letting go--parang ang hirap gawin nito 'di ba? Lalo na kung sobrang nakasanayan mo na magpost at magbasa ng entries sa blog. Parang tao rin 'di ba? Minsan feeling mo naiinis ka na sa kanila and wala ka lang magawa para idispatsa sila, pero 'pag nawala naman sila mami-miss mo rin pala. Minsan may nagkakainisan sa mga post, may sumasama ang loob, may napo-post ng angst niya sa isa pang member, may avid blog fan na nagpupumilit makisali at hulaan kung sinu-sino ang characters behind the nicks... Dumating yun point na parang gusto mo na lang i-delete yun blog o kaya you leave the group na lang or burahin lahat ng entries mo... Pero in time ('pag nakapag isip-isip ka na), babalikan mo rin yun blog, magpo-post ka pa rin. Out of habit nga ba? Siguro...because that blog is a part of your life, just as you are a part of it's life...you were one of its creators, you were among those people who at certain points of their lives weaved every letter into words, words into sentences, sentences into stories--of friendship, of love, of heartbreaks, of angst against the world (pwede rin other people), of dreams, of life... I myself am glad that the blog still exist, kahit bihira na may new entries, kahit ako mismo hindi na nagpo-post... I still (silently) visit the blog. See girls, meron pa naman pong nagbabasa ng mga entries ninyo (kahit na 'di naman intended for me ang post). I still visit the blog, not out of habit or the curiousity of seeing if there are new posts... I do that because I do value that site..with all the stories in the past three years (hey, it's our blogs 3rd anniversary this month of May!)... imagine, I used to be the "baby" (LOL)... maybe I still am, pero I've grown big, este up na rin... hey girls, sana mabasa niyo rin itong post na ito... when you're not THAT busy...



     Okay, this is my hmmmm...4th blog! 'Twas 3 years ago when my friends introduced me to blogger through a group blog (yep, the one that I'm referring to in the previous paragraph). Four month later (Sept. 2002) I created my own blog...first entry: Good things come to those who wait. Do not settle for less than the best; keep waiting until God decides, in His Own perfect time to give you things beyond your wildest dreams. Then last January, I created another blog (which answers Michelle's question on why I'm not updating my blog). Blog footer: If you are ever going to love me love me now; while I can know the sweet and tender feelings, which from true affection flow. Love me now while I am living, do not wait until I'm gone; and then have it chiseled in marble--Sweet words on ice-cold stone. If you have tender thoughts of me, please tell me now. For if you wait until I’m sleeping, never to awaken; there will be death between us, and I won't hear you then. So, if you love me, even a little bit, let me know it while I am living--so I can treasure it. Ala lang, like ko lang yun lines na yun. And now, friendster blog!



  What's the difference of friendster blog from my other blogs? Well, may touch of anonymity yun ibang blogs ko (esp. the one that I created last January) whereas, here siyemps alam ng lahat na blog ko ito, at may link pa sa friendster profile ko.



     What do I get from blogging? For one, nakakalibang. I just love writing anything, yep, even those sometimes kind of non-sense things dahil hindi ko mapag-dugtong ang thoughts ko. Bakit sa blog? Wala, trip ko lang...kanya-kanyang trip lang yun 'di ba? Kung meron ayaw magbasa, eh di huwag magbasa ng blog...basta ako, gusto kong magpost! (taray ba?!)



Monday, May 02, 2005

On Changes

Someone once wrote:



     "Changes happened so fast. PAGBABAGO. Nakakalula. may tinapos, may iiwanan, may sasamahan, may pakikisamahan, may pakikibagayan, may sisimulan. Isang pagbabago na lang ang inaasam. darating kaya? may tugon kaya? paano pag di mo pala gusto ang darating na pagbabago na noo'y inaasam mo? PANINIBAGO nakakapanibago. may mga bagay ka na gustong manatili sa kanilang estado. pero ikaw mismo ay kailagan magbago. nakakapanibago. gustuhin ko man, may mga bagay na di pa panahon para baguhin. hanggang dumating ang takdang panahon, mananatili muna akong maninibago sa darating na mga pagbabago. kailan kaya? ang hirap naman nito..."







And I posted:



     Ang sabi ng isang taong hinahangaan ko, "nothing is permanent in this world, except change." Tama, lahat nagbabago sa iba't-ibang dahilan, sa iba't-ibang paraan, may mga pagbabagong hindi inaasahan, mayroon din namang matagal mo nang inaasam. Mas magandang isipin na lahat ng pagbabago ay nagaganap para sa kabutihan ng lahat, pero nakalulungkot mang tanggapin, may mga pagbabagong nagdudulot lamang ng higit na pasakit at pagdurusa.



     Tama, nakalulula, ang hirap makibagay, ang hirap sumabay. Ang hirap intindihin kung bakit may mga taong nagsisimula ng isang bagay na hindi naman pala kayang panindigan-dala rin ba ito ng pagbabago? Pagbabago ng isip, ng damdamin, ng saloobin, ng paniniwala. Ang hirap nang magtiwala.



     Kung magbago ang lahat tungo sa ikabubuti ng mas nakararami, paano naman akong makasisiguro na mananatiling maayos ang lahat? Hindi ba't mangyayari pa rin naman ang isa pang pagbabago? Paano akong maniniwala na may pag-ibig na wagas? Hindi ba't sa isang saglit lamang ay maaari ring magbago ang lahat?



     Darating kaya? Marahil ay darating nga, subalit hanggang kailan mananatili? May tugon kaya? Marahil kung bibigkasin ang tamang katanungan maaaring marining ang kasagutan.



     Gaano nga ba tayo makasisiguro na magiging maligaya tayo sa mga bagay at pangyayaring matagal na nating ninanais at inaasam? Paano kung hindi? Sapat na ba ang umasang magbabago rin namang muli ang lahat? Pero paano ang mga bagay na hindi na muli pang maibabalik sa dati? Ang nabasag na banga, ang natuyong rosas, pagtitiwalang nawala, pagkakaibigang nasira...anong uri pa ng pagbabago ang magbabalik nito sa dating kaanyuan? Tama, hindi na nga ito maibabalik pa, hindi na mababago pa. Ang kailangan dito ay ang pagbabago ng pagtingin sa kasalukuyang kalagayan upang muling maging katanggap-tanggap.



     Napakasarap isipin na may takdang panahon para sa lahat ng bagay at pangyayari. Pero sino nga ba ang nagtatakda ng pagdating ng tamang panahon?



     Tama, ako man kailangang magbago, sino ba ang hindi? Napakasarap isipin na bahagi ka ng pagbabagong makapagpapabago sa takbo ng buhay. Kasabay ng pagsapit ng bukang liwayway ay ang pananabik, ang ligaya, ang init ng damdamin at pag-asa na ito na marahil ang takdang araw ng pagbangon ng lupang hinirang, isinilang mula sa puso ng karagatan, biniyayaan ng yaman at gandang hinahangaan ninuman, subalit pinag-kaitan ng pagkakataong maka-ahon mula sa kanlungan ng kamusmusan. Kailangang magbago, kailangang matutong tumayo, lumakad, tumakbo...ang mga ibon, natututong lumipad, sino ang hindi hahanga sa ganda ng paruparo na dati-rati'y isang uod na pinandidirihan? Bahagi pa rin ito ng walang hanggang pagbabago. Kasabay ng pagkamulat sa masalimuot na buhay ay ang paglago at pagbabago ng kasisipan, ng paniniwala, ng paninindigan, ng damdamin, ng saloobin, ng kabuuan ng pagkatao...bahagi ng paglago ang pakikipag-ugnayan, ang pakiki-isa, ang pakikisama.



     Dumarating din ang panahon ng paglisan, masakit ang mawalay sa mga tao o bagay na nakasanayan na natin ng laging nandyan. Minsan, naisip ko, sana hindi na lang sila dumating, sana hindi ako nasasaktan. Ngunit ang lahat ay bahagi ng isang realidad na 'di na maaaring baguhin pa. Isang pagbabago na naman ang kailangan...marahil darating din ang takdang panahon na mauunawaan ko kung bakit kailangang mangyari ang lahat, marahil magbabago rin ang pagtingin ko sa mga pangyayari at matatanggap ang lahat. Kailan nga kaya? Sino ang magtatakda? Hindi ako, hindi ikaw, hindi sila...



     Pag-asa...ito na lang yata ang nalalabing kataga na nagdudulot ng ngiti sa aking mga labi, na patuloy na nagpapatibok ng aking puso, na patuloy na nagbibigay ng halaga sa buhay. Tama, meron pang pag-asa...



     Paumanhin, masyado lang akong nadala ng mga katanungan at ng mga kasalukyang nangyayari sa kapaligiran. Nawa'y manatili tayong maligaya at may pag-asa, sa kabila ng lahat, magandang pa rin ang bawat araw.



July 5, 2004

Sunday, May 01, 2005

How do you tell a girl how much you love her?

You don't.
You show her.
You be her friend.
You be there for her when she needs someone to talk to.

You cry with her when she is sad, and you are happy for her when she succeeds at something, even if - no, make that ESPECIALLY if - she does that thing better than you do. And you do all you can to see that she succeeds at things often.

You give her what she needs, when she needs it, emotionally I mean, not "things."

And if you do really love her, not just think she is hot, or are infatuated with her, you will do all this expecting nothing in return. And I mean NOTHING.

If you expect anything from her, you do not love her, you just want to be loved by her. Everyone wants to be loved, but to be loved, you must love.

If you do these things well, one day she will come to you and confide in you about something she feels badly about, because, if you do these things well enough for long enough, it will be you she will want to confide in. When she does, you make sure she knows that it matters to you that this bothers her. If you have advice for her, save it until you are sure she knows you care, and that her feelings matter very much to you.

Once you are sure of this, you may offer your advice, but know that the caring is more important than your idea of how the problem might be "fixed."

Loving her is not admiring the way she looks or anything else about her. These may be among the reasons you are attracted to her, but they are not acts of loving. Loving her is a series of actions, things you do for her, for no other reason than you love her.

Loving her is not wanting her to give you attention, or to give you anything for that matter. Loving her is wanting to give, not get. That is how you love someone. You give to them all you can give and expect nothing back. Once you have done these things well enough for long enough, and her eyes tell you she longs to hear you tell her, then you will have earned the right to tell her how much you love her.

By Warren Kramer, Editor of Daily Wisdom