6:32 p.m. The spooky alert of my cell phone caught my attention. A friend advised me not to pass by Quiapo lest I end up standing for long minutes then caught in traffic. Oh, it’s past my sign off time already so I packed my things (including the plants that tita dez gave me) and head out of the office. Out at 6:45. said goodbye to tita dez and our admin chief then the usual “bye bye po” line to the mamang guards at the office. Headed for LRT 2 Legarda station, holding my umbrella above my head while walking alone (I usually walk rather fast).
I was thinking about something, uhhh..on the second thought, I was actually thinking about nothing at all..(wala akong maalala, baka kung anu-anong kalokohan lang naiisip ko kanina). I never fail to notice those streetlights along JP Laurel. I am always tempted to ask the presidential guards what on earth is wrong with those things because a number of those posts would either light up or be turned off when someone goes near them by around a meter. It’s a blessing that the rain is just starting to pour a little. As I walk towards Mendiola gate, I remember one night when the walkway heading towards it was covered with rain water -- ang ganda ko pa naman nun tapos tumulay kami nun officemate ko sa mga plant box sa tabi ng pader nun mga schools run para di pasukin ng tubig ang shoes namin..mega commune kami with nature dahil literal naming niyakap ang mga halamang basang-basa ng ulan (hmmm..parang Aegis!) para makadaan kami. Hehe..di baleng magmukhang katawa-tawa, huwag lang mabasa ang sapatos at paa! I laughed inside as I noticed the sign “LABASAN” just a few steps before the gate. I know that the sign is being used every Thursday (St. Jude Mass) to guide the pedestrians. Para isang pila yun palabas ng gate then sa kabilang line yun papasok naman. Marami kasing tao kapag may misa sa St. Jude kaya nilalagay yun pero kapag ganitong ordinaryong araw, itinatabi yun ng mga guards dun sa tabi ng plant box dahil di naman ganun karami ang tao. Funny thing is, nakaharap pa rin sa mga tao yun sign na “LABASAN” then may arrow na nakaturo sa pader. I would always joke around my friends “oh my! Di ako marunong umakyat ng pader..ang taas niyan eh..di rin naman ako ghost para tumagos diyan!” Hmm..luckily, mababaw lang din kaligayahan nila kaya tumatawa naman sila sa joke ko. So, mahabang lakad hanggang marating ko rin sa wakas ang Legarda Station. Di ko na napansin kung gaano ako katagal sa train, natauhan lang ako nun marinig ko na yun recording na “next station Anonas; ang susunod na istasyon ay Anonas.” Kahit hindi nagpaalala yun driver ng train na “paki-double check na lamang po ang ating mga dalang gamit, pati na rin po ang mga magnetic cards na gagamitin sa paglabas ng istasyon,” eh hinanda ko na ang bag ko (cyempre pati yun plastic envelope na pinagtaguan ko nun halaman), at ang dilaw na magnetic card na ginagamit ko sa pagpasok at paglabas ng istasyon. Iniisip ko pa rin kung ano ang silbi nun nakapulang kumakaway sa upper right side corner nun card, hindi kaya tatanggapin ng sensor yun card ko kapag binura ko yun?
Nagulat ako kasi malakas na pala ang ulan. Short cut ako dun sa St. Joseph para makarating sa kabilang kalye, kung saan dumadaan ang mga jeep papuntang Farview. Ilang sandali lang eh nakasakay naman ako.
Medyo bingi yun driver. May nagbayad na lalaki sabi Litex sila bababa, dinig nun driver eh River Side..huh? Layo ah, ‘di naman magkatunog ah! Dumaan ng QC Hall tanong siya, may City Hall (naisip ko, aba naman, meron noh! Alangan naman mawala dyan ang City Hall?!). Walang sumagot. Huminto siya sa tapat ng City Hall (hmmm..siguro inisip nun mama, silence means yes). Wala namang bumaba (haler, wala ngang nagsabing MERON at wala rin nag para). Therefore, silence does not always mean yes.
Medyo malabo rin kausap yun ibang pasahero (isa na ko run!). Pagdating ng Philcoa, nawindang ako..hindi pa kasi ko nagbabayad, so nagbayad ako:
Ako: bayad po..Don Antonio, isa lang
Driver: Don Antonio?
Ako: Opo.
Driver: Isa lang?
Ako: (makulit ka pa sa’kin mamang driver ha, kanina ka pa! Dyowk lng!) Opo.
Driver: Kasasakay lang?
Ako: hindi po, kanina pa po (hmp! Nagulat ako sa sagot ko..mabuti na lang eh one person away lang ako sa driver tsaka may dalawang ale at isang mama na nagkukuwentuhan ng malakas kaya di naman siguro masyadong halata.) ..dugtong naman ako.. sa Anonas po.
Sobrang traffic mula Luzon hanggang makarating na ko sa bababaan ko pero hindi ko naman nalaman kung anong dahilan ng traffic. Lakad na naman ako sa “a walk to remember” steel overpass sa kanto ng Commonwealth at Holy Spirit Drive—yun papasok sa Don Antonio. Naalala ko, nun bago pa yung overpass na yun, lagi ako nakakakita ng suka, kung hindi sa stairs mismo eh dun sa gilid ng stairs pagbaba nun. Naisip ko, siguro nahihilo yun mga tao pag dumaraan dun kasi nakakahilo at nakakatakot talaga siya kung ikaw ay isang taong may fear of heights. Anyway, am not one of those people kaya ayos lang sa akin ang overpass na yun – kaysa naman masagasaan ako sa kahabaan (pwede rin kalaparan) ng Commonwealth Avenue! Masyadong gory yun noh, bka magkalas-kalas mga buto ko!
Iniisip ko pa rin kung ano yun iniisip ko kanina, pero di ko talaga maisip. Haay..di kaya kulang lang ako sa tulog? Makatulog na nga lang muna..
No comments:
Post a Comment