Thursday, June 02, 2005

Umulan na naman

Umuulan na naman ng malakas. Naalala ko noong huli akong maligo sa ulan..nagkasakit ako nun kinabukasan. Di naman kasi sadyang mabasa nang tuluyan..di ko lang talaga napansin na lumakas na pala ang ulan. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong magsulat habang umuulan. Kasabay ng bawat pagpatak ng ulan sa bubungan ng aming bahay at sa bakuran sa tapat ng aking bintana, tumutulo na naman ang aking luha. Ilang ulit ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya iiyakan. Pero bakit ganun? Halos dalawang taon na pero lagi pa rin akong nasasaktan. Sabi ng kaibigan ko, pride lang daw ito..pero alam ko, hindi. Masyado ko lang siguro siyang minahal..kahit na sana hindi na lang. Napapagod na rin akong umiyak at magkunwaring ayos lang ang lahat. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako okay..na mahal ko siya pero bale wala lang yun sa kanya. Sabi ng kaibigan ko, bakit kasi hindi ko na lang sabihin..yun, aaminin ko, pride yun..di ko magawang ipaalam sa kanya dahil natatakot akong pagtawanan lang niya at lalo lang akong masaktan. Natatakot akong sabihin niya sa akin na “sorry ha, friend lang tingin ko sa’yo.” Ayaw kong magmukhang tanga sa harap niya. Pero ewan ko ba kung bakit kagabi, bigla ko na lang nasabi sa kanya ang lahat - - kung bakit problema ko ang love life. Sinabi ko yun tungkol sa lalaking minahal ko pero it turned out na hindi naman pala ko gusto. Nakakatawa nga eh, tinanong niya ko kung sino yun at bubugbugin daw niya. Hindi ko na sana sasabihin kung sino yun pero ewan ko ba, hindi naman ako lasing kagabi at lalong hinid ako nagddrugs..pero medyo nasabi ko na rin..tinanong ko siya kung kaya ba niyang bugbugin ang sarili niya. Hindi naman siguro siya ganun ka-slow para hindi niya maintindihan yun. Pagkatapos kong lunukin ang lahat ng pride ko, at matapos halos mahulog ang puso ko sa kaba habang tinetext ang mga salitang yun..ang isasagot lang niya ay: “ha! Hindi pwede yun, iilag ako.” I cried. Maraming dahilan kung bakit ako umiyak..kung bakit hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako. Nasaktan ako eh..kasi all the while kinakabahan ako sa mga sinasabi ko tapos ganun lang ang sasabihin niya..ginagawa lang niyang katatawanan ang feelings ko. Masakit yun kasi eto yun isang lalaking minahal mo..ang dami mong nagawang isacrifice dahil sa love mo sa kanya, pati ang lunukin ang pride mo at sabihin sa kanyang mahal mo siya kahit halos atakihin ka sa puso sa kaba..tapos bale wala lang pala sa kanya lahat yun. Wala siyang paki-alam. Yun yung pinakamasakit na feeling eh..yun maramdaman mo yun indifference nun taong mahal mo. Wala palang halaga sa kanya ang nararamdaman ko..and I was so stupid to have risked a lot of things (emotionally I mean) dahil mahal ko siya. Yeah right, being friendly lang ba siya? Kung ganon, dapat pala dun ako magalit sa kaibigan niya na nagumpisa ng lahat ng panunukso sa akin through common friends. Pasalamat lang ang babaeng yun dahil hindi ko talaga alam kung anong itsura niya..dahil baka sabunutan ko siya sa inis kapag nakita ko siya kahit saan. Tama ba namang sa dami ng tao sa mundo eh ako pa pagtripan nilang magkaibigan? Ganun yun feeling ko eh, pinaglaruan lang pala nila ko..dinamay pa nila pati mga kaibigan ko na kunwari papalakad pa sa kanila. Nakakalungkot lang kasi ang dami naman pwedeng mahalin bakit siya pa yun minahal ko? Napaka-traumatic naman ng first love ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako iiyak..siguro hanggat marunong pa kong makiramdam..hanggat nasasaktan ako..sabi niya sa akin noon, nawalan na siya ng gana na ituloy ang MA niya sa UP dahil sa pananaw niya, hindi tinuturo sa kanila ang dapat nilang matutunan sa development work..yun pagkakaroon ng puso..ngayon, naniniwala na ko sa sinabi niya. Siguro yun na lang ang paniniwalaan ko sa lahat ng sinabi niya..wala kasi siyang puso.

No comments:

Post a Comment