Ilang ulit na akong nagpanggap na hindi ako nasasaktan
Ayaw ko kasing malaman niyang minahal ko na siya ng lubusan
Pinilit ko rin naman na maging kaibigan – kaibigan lang,
kahit na nga ang puso at isipan ko’y napuno ng kalungkutan
Ilang ulit na akong umiyak upang sakit ay mabawasan
Ayaw ko na sanang maramdaman ang sakit at kabigatan
Mahal kita..sana kaya kong sabihin sa harap niya
Pero takot ako, takot ako na lalo lamang masaktan
Pinili kong magkasya na lamang sa pagiging kaibigan
Barkada, kainuman, kakulitan..manatili lamang kausap siya
At minsan, makita ng harapan
Pero mahirap pala maging kaibigan ang taong mahal mo
Mahirap dahil kahit di mo aminin,
Nasasaktan ka kapag may kinukwento siyang iba
Di bale, masaya naman siya..pero paano ka, masaya ka ba?
Ilang ulit na akong nagpanggap na hindi ako nasasaktan
Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya
Takot rin ako na baka tumawa lang siya o di ako pakinggan
Ilang ulit na akong nagpanggap na hindi ako nasasaktan
Kahit na di lilipas ang isang linggo na di ako matutulog na luhaan
Hindi pala ganoon kadali ang magmahal
Ilang ulit na akong nagpanggap na hindi ako nasasaktan
Akala ko kasi masasanay rin ako at pag lipas ng panahon
Tuluyan ko na ring makakalimutan
Ang lahat ng ala-ala ng lalaking una kong minahal
Dalwampung buwan na mula ng una kong lumuha
Pero hanggan ngayon, di pa rin nawawala
Pakiramdam ko lalo lang akong nasasaktan sa paglipas ng bawat araw
Hanggang kailan? Hanggang saan? Ewan..
Sana matutuhan ko rin kung paano ang hindi magmahal..
No comments:
Post a Comment