Monday, April 17, 2006

Easter Sunday na naman..although mas naiisip ata ng mga tao ngayon ang Easter Egg kaysa sa muling pagkabuhay ng Messiah. Wala naman halos kinalaman sa Lenten Season ang iniisip ko, nagkataon lang na Lenten ngayon.





Hindi ko alam kung matatawa ko o maaasar sa mga kaibigan ko. Kausap ko yun isa nun isang araw sa phone, pinipilit ako magkwento kung ano ginawa ko nun Wednesday (oist, kung sakaling binabasa mo ‘to alam mo naman na ikaw ito di ba?!). Nakakapagtaka lang, lahat sila halos iisa ang tanong sa akin: “kayo na ba?” sabay tingin ng may laman at yun iba nakapamewang pa o kaya naman sabay hirit ng “uuy, dalaga na siya!” (Haler, para namang dati eh binata ako!) Madalas tuloy ayaw ko nang sabihin sa kanila kung bakit hindi ako sumasabay sa kanila pauwi o kaya bakit hindi ko nasasagot ang text/call nila sa cellphone ko (haaay…kailangan ko talagang mag-explain!). Feeling ko nga pinagkalooban ako ng sangkatutak na nanay/guardian! Kahit di ko sabihin sa kanila kung saan ako pupunta, para silang may mga radar at iisa lang ang iniisip nila! Basta, lagi silang ganun, di lang this time. Di ko alam if it has something to do with being the youngest sa kanila..eh hello noh, yun iba naman sa kanila ilang araw lang ang tanda saken! Hehe.. kidding aside, alam ko naman na curious lang sila pero nakakatawa lang kasi lahat ata ng circle of friends ko ganun! Anyway, meron pa silang ibang mga tanong tulad ng: “mahal mo ba?” “ano nagustuhan mo sa kanya?” at eto yun pamatay na tanong: “nag-kiss na kayo?!” (muntik ko na maibuga sa kanya yun softdrinks na iniinom ko!).





Nakakainis lang kasi hindi ko naman alam sagutin ang mga tanong nila! “Kayo na ba?” eh paano ba magiging kami? “mahal mo ba? ano nagustuhan mo sa kanya?” eh kailangan ba ng explanation nun? “nag-kiss na kayo?” bakit, kami na ba? Oh di ba, umikot lang ang tanong!





Pag sinabihan ko naman sila ng “ihanap mo na lang kaya ako ng date!” Sasagutin ako ng “ano ka, eh di uunahin ko na sarili ko noh!” har..har..har.. Meron naman isa, kahit may nanliligaw yun long-time fantasy pa rin niya ang nasa puso at isipan! (kung sa bagay, kahit ako yun di ko rin papatulan yun nanliligaw sa kanya paano naman kasi may asawa na noh! Ngyek.. ayoko ng may sabit!). Yun mga older batch sa akin, feeling left-out naman ng mga college friends nila dahil lagi na lang silang bridesmaid o kaya wedding coordinator. Hehe..at least di ko naman napi-feel yun, di naman kasi ko mahilig magpunta sa kasalan (kaya nga namumroblema ko sa pag-ayos ng program ng wedding reception ni Kat next Sunday!). Hehe..sabi ko nga kay Mich, eh malay ko ba sa mga relationships na yan eh late bloomer ako eh!





Pero iniisip ko naman kasi, bakit ba kailangan ng boyfriend? Hindi ko naman kinailangan yun nun nag-aaral pa ko tsaka nun early 20s. hmm..kelan lang ba ko nagka-interes sa mga male species? Wala pa ata sa 1/5 ng time na nabubuhay ako. Is it to have someone to talk with or someone na sasamahan ako kapag gusto ko pumunta kahit saan? Ganun din naman yun mga friends ko eh, nakaka-usap at gumagala rin kami ng magkakasama. Hindi ko rin naman kailangan ng boyfriend para may manlibre sa akin—kaya ko naman bumili ng pagkain ko, magbayad ng sine o concert at gumastos ng pera ko para magbakasyon. Sanay rin naman ako magbitbit ng gamit ko at umuwi mag-isa. Ang babaw naman nun kung yun lang ang dahilan kung bakit kailangan ng boyfriend! Bakit kailangan ng reason para magmahal ng tao? Bakit kailangan may criteria sa paghahanap ng boyfriend? Para naman yun essay type exams o kaya contest! I think more important than looking for someone who would fit a certain criteria is trying to know someone beyond what is superficial and learning to accept that person no matter what. Hindi naman sa nagpapaka-idealistic ako pero yun talaga ang reality eh. Mas importante yun kaya mong tanggapin yun character, principles at values ng isang tao. Bluntly speaking, kung looks lang ang problema mo, ipikit mo na lang mata mo o kaya dalhin mo kay Dr. Calayan o Vicky Bello! Pero yun character, prinsipyo at values ng isang tao, kahit pagbali-baligtarin mo man ang mundo at ang mata mo, ganun na yun. Paano kung mukha ngang prinsipe yun guy pero sama naman ng ugali o kaya walang sariling paninindigan? Ewan ko sa iba pero ako, di ko yun matatagalan!





I’ll admit, I once fell into the pitfalls of having a picture of an ideal man; or perhaps it’s better to say a description of a guy whom I will never like kasi yun mga ayaw ko naman ang naiisip ko noon. I’d always say na ayaw ko ng smoker, naka-hikaw, manginginom, tsaka may tattoo sa katawan, mga hindi nagsusuot ng socks kapag naka pants and shoes at mga bum. I prefer yun mga neat guys, with perfectly trimmed hair, at least my height (if not taller – ayoko rin ng sobrang tall!), tsaka gentle in every way. Minsan tuloy sabi nun isang friend ko, “di kaya bading ang hinahanap mo?!” Hehehe.. Seriously, hindi naman na ko ganun ngayon (yep, nagmamature rin ako kahit papano!). Siguro influence na rin ng mga nakikita at alam kong nangyayari sa ibang tao when it comes to relationships, tsaka more important than that, because of a person whom I came to know sometime ago. Bahagi lang yun ng changes – meron na rin akong previous post about changes kung saan I quoted a person whom I admire so much when he said that nothing is permanent in this world except change. (am sleepy na..tsaka ko na lang itutuloy ito!)



























Friday, April 14, 2006

long overdue na posting nito, last month pa dapat ito eh!

C”,)  ang cadena de amor (chain of love) pala ay official flower ng metro manila, sa bisa ng MMC resolution no. 04-02. ito ay sumisimbolo sa unity o pagkakaisa. ito rin yun nakikita natin na vines na may bulaklak na pinagagapang ng MMDA sa walls at poste ng flyover.





C”,)  nakaka-inis ang mga taong walang respeto sa kapwa at walang pakungdangan kung sumingit sa pila. the nerve..siya pa may ganang magtaas ng boses nun sabihin na may pila! BITCH!





C”,)  nakakalito yun ginawang scheme ng MMDA sa edsa cor quezon ave. sanay naman kasi tayo na ang passing vehicles (usually private)  nasa kaliwang bahagi ng kalsada (inner lane) at ang mga nagsasakay/nagbababa eh nasa kanan (outer lane) pero doon eh sa outer lane pala dapat ang private vehicles at ang for public use ay sa inner lane. marami-rami na rin akong nattyempuhan na nagkakamali ng pasok dun pero di ko alam kung lahat yun eh pinapara ng mga blue boys beside the pink fences..natyempuhan lang kami minsan at ang sabi sa sis ko, “ang laki-laki ng sign namin dyan, di nyo nakita?” eniwey, reprimand lang naman ginawa nun mama at sabi next time eh sa kanang lane kami dumaan. sa tingin ko, hindi lahat nahaharang nila para ireprimand..hehe..marami pa rin akong nakikitang naliligaw ng lane dun. nun minsan nga fx na sinakyan ko sa outer lane dumaan eh, d naman nahuli. wala lang, nakakalito lang talaga!





C”,)  nakakainis rin yun mga taong kung anu-ano nakalagay sa bulsa o sa pantalon tapos wala man lang kaingat-ingat kung nakakatama na sila ng ibang tao. gusto kong kurutin ng pinung-pino (yun tipong pwede na siyang kunan ng blood sample pagkatapos) yun lalaking nakasakay ko sa bus kasi pagdaan niya sa gilid ko (sa bandang aisle ako nakaupo) tumusok sa ulo ko yun susi na nakasabit sa gilid ng pants nya. buti na lang eh medyo nakaharap ako nun sa window kung hindi mukha ko tinamaan..eh kung nasugatan kaya ako?! lanyang yun, ni hindi man lang marunong magsorry! hay naku noh, padisplay-display pa kasi ng susi..wala naman kotse! sarap ngang sundan eh tapos sasabihan ko lang na “mister, sa susunod, itago mo na lang dyan sa bag mo ang susi ng locker mo! nakakasakit ka kasi ng kapwa sa pagdidisplay mo eh!” yun lang!





C”,)  may road construction na naman sa commonwealth avenue! pambihira, di ko na nga mabilang kung ilang lanes meron ang kalyeng yun. baka nga magising na lang ako isang araw eh pwede nang pagdausan ng 100-meter dash yun patawid nun from one side to the other! nakakaawa tuloy tingnan yun mga taong tumatawid sa mga luma na concrete overpass run kasi pagbaba nila ng stairs eh nasa gitna sila ng highway..what’s the point of using the pedestrian overpass di ba?! tapos bubulaga pa sa kanila yun signanges na WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY” oh my!!





C”,)  nag firedrill kami sa office. gusto ko sana masubukan dumaan dun sa fire exit na naka-hang sa wall ng annex bldg. namin kaso di pwede eh sa first floor na kasi ng main bldg. ang room namin at sobrang lapit lang sa main exit. sayang! mukhang exciting pa naman sana yun! di bale, magkakaroon pa raw ulit nun pero unannounced na..baka sakaling maabutan ako ng alarm habang nasa kabilang bldg!





C”,)  may iba-ibang type pala ng fire extinguisher at isa rito yun pwedeng gamitin kahit sa electrical appliances tulad ng computers. siyempre hindi mo bubuhusan ng tubig ang computer di ba?! sana matuloy yun sinabi nila na isa-isa kaming pagagamitin ng fire extinguisher para masanay kami. naalala ko tuloy, nun maliit pa’ko, naisip ko rin na maging bumbero. pero hindi ko naman naisip noon na delikadong trabaho yun, napanood ko lang kasi sa batibot yun mga firemen na nagpapadulas pababa sa steel bar nun mag-alarm. parang ang saya kasi nun eh! ewan ko ba, lahat na ata naisip ko noon na gusto ko, maliban lang sa mga trabahong nasa linya ng medisina..mas naisip ko pa noon magtrabaho sa perya!





C”,)  confused lang ako..di ba sabi “when read you begin with a-b-c; when you count you begin with 1-2-3; when you sing, you begin with do-re-mi” e valid lang pala yun sa primary years sa school kasi pagdating mo sa algebra, ginagamit rin ang a-b-c AT hindi lang yon, may kasama pang X-Y-Z!





C”,)  mas nakakaconfuse kapag hindi mo alam kung ano ka (teka, am not talking about sexuality ha..baka may maka-misinterpret sa pinagsususulat ko rito!). hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis, basta lalo lang akong naguluhan! hmmm..tao nga kaya ako o robot? ay, mali! siyempre alam ko naman na tao ko ano at sa katunayan eh meron akong heart. yun nga yun problema ko eh, heart. hahaha.. ang hirap naman nito, nakakainis!