Monday, July 10, 2006

can't sleep

Miss ko na naman siya! Lagi na lang siya ang laman ng isip ko. Parang inip na inip na ko sa pagkikita namin ulit. Sabi niya sa akin nun Monday miss na niya ako, sabi ko nga miss ko na rin siya eh tapos sabi niya pag nakuha niya yun sweldo niya, treat niya ako. Hindi pa kaya niya nakukuha yun sweldo niya? O baka naman kinalimutan na naman niya na sinabi niya yun. Nalulungkot ako kapag sinasabi niya na magkikita kami tapos biglang hindi naman matutuloy. Feeling ko kasi pinapaasa lang niya ko at hindi naman niya pinahahalagahan yun mga sinasabi niya sa akin. Minsan gusto ko na nga sabihin sa kanya lahat-lahat ng nararamdaman ko, lahat ng sama ng loob ko sa kanya, lahat ng bagay about him na dahilan kung bakit nagugulo ang buhay ko ngayon. Kaya lang, hindi ko pa rin kaya. Natatakot akong tawanan lang niya at sabihing sorry hanggang friend lang ang tingin ko sa’yo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Minsan naiisip ko na wala naman talaga kaming future, na wala siyang balak na magseryoso, na fb lang ang hanap niya at hindi gf kaya hindi ako dapat mag-ilusyon na magiging kami nga at magdedecide siya to settle down with one girl.

Nung huli kaming nagkita, hinawakan na naman niya ang kamay ko. Ang sarap ng feeling pag hinahaplos niya ko, sa kamay, sa braso, sa pisngi, sa baba ng lips..parang gusto ko na lang pumikit para mas maramdaman ko yun sensation. Parang sobrang gentle niya during those moments. Feeling ko matutunaw ako sa kakatitig niya sa akin then pag tinatanong ko kung bakit nya ako tinititigan ang sagot niya kasi namiss niya ko. Ilang ulit niya akong tinanong kung may problema ako kasi parang malungkot raw ako, sabi ko wala naman..paano ko sasabihin sa kanya na siya ang problema ko?! Parang hindi ko kaya. Natatakot kasi ako na tuluyan siyang mawala sa buhay ko kapag sinabi ko sa kanya lahat ito kaya hindi ko masabi. Kung pwede lang sana na lagi ko na lang siyang kasama..kaso hindi pwede. Ilang ulit niyang sinabi na huwag na lang akong umuwi..kung pwede lang sana, para makasama ko pa siya ng mas matagal! Kaso hindi pwede. Sabi niya uwi na lang ako sa kanila..tinanong ko siya kung ano naman gagawin namin pag di ako umuwi sagot niya magsama na lang kami..hindi ko naintindihan kung ano ibig niyang sabihin dun pero hindi ko na tinanong pa dahil kinabahan ako sa kung ano ang isasagot niya.

Habang nag-aabang kami ng masasakyan, inakbayan niya ako. Yun ang second time na inakbayan niya ako, nun unang ginawa niya yun, parang pabiro lang tapos inalis ko agad yun braso niya sa balikat ko. Pero nitong huli, hinayaan ko na lang siya. Sabi ko sa sarili ko, I-eenjoy ko na lang yun moment na yun. Ang sarap pala ng feeling. Ramdam ko yun bigat kasi chubby rin siya pero okay lang..mas masarap yun feeling ng warmth of being physically so close to him. Niyaya ko siya to walk a little kasi walang dumadaang sasakyan, nun una ayaw niya pero sumama rin. Lumipat siya sa kaliwa ko kasi dun yun danger side, umakbay ulit siya sa akin. Di ko alam kung paano nangyari pero napansin ko na lang na di na siya naka-akbay kasi magkahawak na yun kamay namin, yun tipong intertwined ang fingers namin. Ewan ko, siguro nahirapan siya umakbay sa akin kasi sa kaliwang side nakalagay ang bag ko. So holding hands while walking kami, tumawid kami sa other side ng kalsada para doon mag-abang ng masasakyan. Lumipat naman ulit siya sa right side ko and parang automatic na magkahawak ulit kami ng kamay. Noon lang ako gumanti at hinawakan din ang kamay niya. Nun mga nakaraan kasi, I just allow him to hold my hands pero parang wala lang akong reaction except that hindi ko inaalis yun kamay ko. Hindi ko alam kung napansin niya yun, pareho lang kaming walang imik. Dahil nasa right side ko na siya, mas magkalapit na kami dahil nga nasa kaliwang side ko yun bag ko. Narealize ko na lang na I was unconsciously pressing my body against his to the point na my right breast was pressed against his left arm. Bigla tuloy akong nahiya nun napansin ko yun, inisip ko kung naramdaman kaya niya yun or he was too drunk to notice o kaya normal na sa kanya yun. Medyo lumayo na lang ako kasi nga nahihiya ako. Hindi naman talaga ako sanay ng ganun at kahit sa age ko na ito, siya pa lang talaga yun guy na dumaan sa buhay ko. Finally, may dumaang sasakyan at sinakay na niya ako then we said goodbye na.

Habang nasa biyahe, iniisip ko yun mga pangyayari nun gabing yun. Ang sarap pala ng feeling nun sobrang magkalapit kayo ng taong mahal mo. Kung hindi lang nakakaiskandalo, niyapos ko na siya at hinalikan nun mga oras na yun! Kaya lang, nag-aalangan pa rin akong gawin. Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari. Feeling ko masyado akong naïve pagdating sa mga bagay na yun tapos siya naman, parang normal lang sa kanya yun to the extent na sinasabi pa niya sa akin na expert siya. Kaya natatakot ako to give in kasi alam ko na kung magawa ko man yun, it’s because I love him. I love him so much that I want to be intimate with him and commit myself to love and be intimate with no one else but him. Pero hindi ko alam kung anong halaga nun para sa kanya. Natatakot ako na baka para sa kanya wala lang yun o kaya ang aim lang naman niya is to score. Alam ko maraming lalaking ganun, and akala ko noon iba siya until nag-doubt ako dahil sa mga sinasabi niya sa akin in different instances. Inamin din niya sa akin some time ago na puro lang good time ang ginagawa niya kasi raw hindi pa siya ready sa mga seryosong relasyon dahil bata pa siya (the nerve! Eh limang taon kaya ang tanda niya sa akin?!). Kaya naisip ko na ff lang talaga ang gusto niya at hindi gf. Nalungkot ako noon kasi nasaktan ako..to the point na ilang ulit akong umiyak dahil feeling ko I was so stupid na minahal ko siya believing na iba siya sa mga bad guys tapos malalaman ko pa straight from him na ganun din pala siya. Naisip ko pa nun, baka naman sinasadya niyang sabihin sa akin yun para saktan ako pero di naman siya ganun..pero ano naman ang dahilan niya para gawin yun?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. What if next time we meet he tries to go further? I’d want to just let him do it and enjoy the moment, I long to feel his gentle touch, I love the way that he tease me and caress me..pero I’m afraid that I might loose control over the situation, lalo pa at in love ako sa kanya and at this point in my life sobrang intense ng sexual urge. I know that I’d feel devastated if I give myself to him then after that he’d just make me his ff dahil wala naman talaga siyang balak mag-commit. The memory of my first experience would always be of agony, to think that what I feel then was like I was slowly and passionately giving my whole self to a man whom I deeply love, hoping that he is feeling the same..then I’ll remember that during those moments, all that he was thinking was to release his tension and stress. That is so much of a humiliation.

I’ve long been tired and now I’m starting to get sick of all these crap of being in love with him. Minsan feeling ko I’m getting my time and my life wasted because of him. Minsan I just want to forget him. But every time that I try to, magpaparamdam na naman siyang bigla and because I miss him so much, I’ll start to be chum with him again. It’s starting to be a cycle and I want to get out of it. I’m so confused. I want myself out of it but I don’t want to..am sure gonna miss him so much. I can’t understand but it seems like there’s something that holds me back from totally connecting with him. I don’t know if the problem is with me or with him. Sometimes I feel that he is so emotionally unavailable. He almost always want to deal with whatever is bothering him all by himself. I want to help him you know..I really am concerned about him for I love him. But I don’t feel like he needs me. Perhaps he would find it very easy to throw me out of his life..but that would be hard for me..really hard.

I’m just throwing all of these into the web. I do not know if by any chance another poor soul is reading through these texts. It’s full of..I dunno what..I’m tired of crying. I just want to sleep..please..let me sleep.

No comments:

Post a Comment