The last time I checked (and that was this morning), I don’t have a tag etched on my forehead that says, “wanted: boyfriend.” And why am I being “praning” about it? Kasi naman ang daming gustong gumanap na Kupido sa istorya ng buhay ko.
Yun Uncle ko na ninong ko sa Kumpil (yep, meron ako nun!), ilang ulit na sinabing may ipakikilala sa akin na taga province. Kesyo mabait raw yun, walang bisyo, may itsura raw at kahawig ni Oyo Boy Sotto. Tsaka ‘di naman daw niya ko ipakikilala run kung luko-luko yun. At nagpatuloy siya sa pagkkwento hanggang makarating kami sa EspaƱa cor. A.H. Lacson (sumabay ako sa kanya mula sa bahay papasok sa office). Naisip ko lang, eh kung mistulang perfect na Mr. Dreamboy itong si Oyo Boy look-a-like eh bakit di siya humanap ng gf sa sarili niya noh! Hmm..kailangan pang magpatulong nun magulang niya sa mga friends nila para ihanap siya ng gf, mahilig daw mag-gym at yun lang ang libangan dahil wala nga raw bisyo..naku po, di naman kaya bf ang type niya?! Ahihihihi.. Ayoko nun, am not a boy! Potential kaagaw pa ata sa mga boys ang lalaking yun! Eeehw! Sa mga pinsang ko na posibleng nagbabasa nito..walang magsusumbong, lagot kayo sa akin! (naks, gamitin ang pagiging senior! Hehe..)
Yun barkada ng Papa ko na nakatira ilang streets away from us eh tinanong minsan si Mama kung single raw ako at kung may bf ako. Nun sinabing wala eh pakikilala raw ako sa anak niya para maging mag balae raw sila! Naisip ko, “anak ng pato naman, kung hindi ka lang matanda eh sisipain kita!”
Yun college friend ko naman eh pakikilala raw ako sa manager niya sa work niya. Eh single raw yun, walang love life at taga Fairview so magkalapit lang daw kami kung sakali. Hmm..pwede siguro kaming magtayo ng Samahan ng mga Walang Love Life, Fairview Chapter! Yun nah!
Yun mga officemates ko naman, mina-match ako kay MOVE President. Aba, nakahanap sila ng bagong source of happiness! Masaya at kinikilig silang lahat habang ako naman eh hiyang-hiya na kay Atty.
Pati nga yun trip namin sa Bohol with people from the Population Commission, sa airport pa lang eh mina-match naman ako dun sa kasama namin sa galing sa UPPI. Tuwang-tuwa pa sila kasi magkakulay raw ang shirt na suot namin tapos nagkatabi pa kami sa eroplano. Naman, masyadong bata yun; gusto ko yun matured! hehehe...
I don’t have anything against these people naman, natatawa lang ako sa kanila but at the same time nakakapikon yun iba. Yep, there’s nothing wrong with meeting and knowing new people, lalo na kung cool naman sila. Ayoko lang yun mga hirit na tulad nun sa barkada ng Tatay ko. Hindi ako naniniwala sa Kupido. Ayaw ko ng dinidiktahan ako kung sino ang gugustuhin ko. Oo, okay lang naman makipag-kilala, open ako sa ganun, but to immediately conclude that we’ll be an item eh ibang usapan na yun.
Teasing friends + torpe guy = deadly combination. Perhaps not exactly. Meron kulang sa equation na yan para maging reality sa istorya ko. Siguro torpe guy raised to the N power where N = unresolved issues from his past multiplied by being so immature that he can’t face it head on. Gosh, I love you’s, even if you repeat it a hundred times and put in the words “so much” are not enough for me to have a romantic relationship with someone. Ang hirap mag let go but at that point that’s the only thing to do. Ito rin ang reason kung bakit sad ako pag Pasko. But my friends (who brought us together) are still my friends, perhaps even closer. Sabi ko nga eh, I have nothing against them. Kasi everything that happened after I first met that guy, decision ko na yun.
Sabi ng officemates ko, ang dami raw pagbabago sa akin lately. Alam ko yun. Pero alam ko rin na they are pointing that out para i-connect sa pagiging “inspired” ko dahil meron daw akong Atty. By the way, this afternoon while talking with Mich she reminded me about Dennis who’s also an ex-seminarian na sinubukan din niyang i-partner sa akin few years back. Hehe..naalala ko, this Dennis guy used to work at NAPC with Mich at umuuwi sa bandang COA. So ang Mich ilang ulit nagpilit na magkita kami sa Philcoa before I go home tapos sinasama niya ang Dennis and since pareho kami ng way pauwi at si Mich ay pa-Cainta eh we end up going home together. Ang result: oo, nag-click kami ni Dennis – si Mich ang pinag-tripan namin asarin habang kami eh wala lang, parang magbarkadang mapang-asar! Now going back to my being “inspired” because of Atty.. walang ganun noh, hindi siya ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito. Dahil lang nag-birthday na naman ako. Ang usual na turning point ng life ko ay birthday ko at Christmas season. I did some reflection and I realized na ang dami kong dapat baguhin sa life ko para maging mas mabuting tao. Yep, I have to grow up some more; to move on with my own life; to think of my future; to enjoy life further. I may not have all the perfect things in life but I still feel so blessed that I am given another year.
As for the Cupids, bahala sila kung saan sila masaya! Basta ako, sinusubukan kong maging mas mature na tao. Sa kasong ito, kahit papano successful naman ako. Kasi nun maliit pa ko, ganito ang mga reactions ko sa mga panunukso:
Umiyak. Dahil cute akong bata, may classmate ako nun kinder na super attracted sa pagiging cute ko (kalimutan muna ang modesty). Tinutukso ko nun iba namin classmates at dahil di pa ko sanay nun sa mga bully eh ang reaction ko lang ay umiyak sa school. Natigil rin naman yun mga panunukso at ang paglapit sa akin nun classmate ko nun minsang umuwi ako sa bahay namin na umiiyak. Pano kasi yun kaklase ko, inabangan kami ni Melody (yun kapit bahay namin na friend at classmate ko) sa labas ng school tapos ninakawan ako ng halik. Whaaaa.. sobrang damsel in distress pa drama ko nun, wala ako nagawa kundi umiyak tapos si Melody pinukpok ng water jug niya yun ulo nun salarin. Siyempre nakarating kay Madir at Pader ang story kaya may I reklamo sa school. Kaya ang ending eh bawal lumapit sa akin si classmate. Nga pala, nun College ako eh nakikita ko pa minsan yun lalaking yun sa tricycle. Gusto ko nga sanang upakan eh; kayang-kaya ko na siyang batukan nun kasi ako lumaki at siya hindi (read: mas matangkad ako sa kanya ng ilang inches). Kaso lang ‘wag na lang, baka marumihan ang puti kong uniporme!
Mang hataw ng tsinelas. Hinampas ko ng tsinelas yun batang lalaki na kalaro ko nun elementary kasi yun mga kalaro namin eh tinutukso kaming dalawa. Pag naaalala ko yun, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit siya ang hinampas ko at hindi yun mga nanunukso!
Makipag-away. Nun high school, meron akong classmate na tinutukso sa akin. 2nd year pa lang kami nun at mula nun tinukso kami as isa’t-isa eh para kaming naging mortal enemies. Nope, not in the way na nag-aaway talaga kami pero nag-iiwasan at naglalaitan lang naman kami (di ba away yun? hehe.. wala lang asaran lang). Kaloka yun dahil pati yun ibang teachers namin pasimpleng nakikisali. And so we continued to stay away from each other. Meron point na may niligawan pa siyang classmate namin, etc. Then came graduation time nun 4th year na kami.. sa isang practice namin ng graduation, nag “sermon” si Mr. Principal. Anak ng pato! Di ko alam kung paano naisingit sa “sermon” niya ang panunukso sa amin dalawa nun classmate ko na yun! Ang nakaka-inis pa run eh nasa school quadrangle kaya kami at andun ang buong graduating class! Hmm.. I stood there imagining that I suddenly disappeared into the air. What happened next? Wala, siniguro ko lang sa sarili ko na kahit yun na lang ang nag-iisang boy sa earth eh ayaw ko sa kanya! Naman, pagkatapos ng lahat ng panlalait namin sa isa’t-isa eh hinding-hindi ko maiisip na maging kami noh! Parang, palanguyin mo na lang ako sa Ilog Pasig men!
Ngayon, wala lang. Patawa-tawa o kaya dedma. Pero pag bordering on making stories na, siyempre deny ko naman dahil di naman totoo. So far ganun. Wala pa naman akong nahahampas, di pa rin naman ako umiiyak! Basta nag warning na ko sa mga nanunukso na kapag ako gumanti walang pikunan! Borrowing Sir Tan-tan’s motto: "I don’t get mad; I get even!" Hehehehe.. Kung meron man maging successful sa mga Kupido sa life ko eh hindi ko alam. No one can tell. Sabi nga ng Prof. ko dati sa RC, “only God knows!”
No comments:
Post a Comment