Happy Women's Month sa lahat ng women!
For a change, wala ako sa kick-off event ng WM this year. I just need to prioritize some other things..matutuloy naman ang event kahit wala ako no! Besides, kung usapang WM eh "been there, done that" na ang drama ko diyan mula WM 2002.
Marami akong masaya, nakakapagod, nakaka-iyak, at nakakatawang ala-ala ng WM. Mag-organize ng event mula sa preparatory meetings..blah..blah..blah..magproduce ng sangdamakmak na invitations at tumulong sa pagpapadala...mag-fax...mag-followup...karirin pati ang pag-aayos ng venue...maging usherette...maging marshall (bouncer raw para sa mga pasaway na pax)...maging on the spot julalay ng mabagsik na emcee...maging taga hanay ng lamesa at taga sabit ng lobo sa covered walk sa labas ng ULTRA...mag-abang ng mga VIPs para ituro sa mga lola (i learned how to spot a VIP amongst the multitude of people sa ilalim ng init ng morning sunshine)...makunsume sa mga nagpupumilit na i-occupy ang seats na reserved para sa mga top officials...naising matunaw o kaya lulunin ng lupa matapos mapahiya si madam...mapilitang manood ng rock (aaargh...ROCK!) concert hanggang madaling-araw sa El Pueblo, Ortigas dahil kailangan pang mag meeting post-event...manatiling gising hindi lang 24-oras dahil ang dami pang dapat gawin...makatulog sa ULTRA habang on-going ang program dahil sa sobrang antok at pagod...gumawa ng iba't-ibang uri ng speech (OCW = opening / closing / welcome) para ideliver ng iba-ibang bossings sa iba-ibang provinces na hindi ko man lang napupuntahan...one time, pati press release ako pa gumawa....magmukhang kargador kakahakot ng mga kahon ng 1.5 coca cola...maraming-marami pa...Life gets pretty busy and complicated kapag mga ganitong panahon, pero tulad ng tangled na hair, pwede naman pagtiyagaang ayusin...daanin na lang din sa sense of humor kesa dibdibin.
Pero hindi naman sa isang malaking event natatapos ang lahat. Sa pananaw ko, hindi lang naman dapat may big event kapag March tapos, "see you next March" na lang ulit.
Naghahanap siguro ako ng pagbabago mula sa mga nakasanayan. Hindi ko kasi makita yun hinahanap ko dahil masyado akong involved. I just feel that I need to detach at baka sakali makita ko ang hindi ko nakikita. Sana...
Naghihintay na rin ako ng Hunyo...Independence Day, b-day ng Mama ko at ng pamangkin ko, b-day rin ni Janice Gabriel (kasama kong naghakot ng kahon ng 1.5 coca cola), at higit sa lahat umaasa ako na sa Hunyo ang simula ng pagbabagong hinahanap ko.
oo nga. na miss nga kita sa event nung march 1. first time na hindi kita kasama sa women's month event. nanibago ako. wala pa rin namang nagbago, magulo pa rin. pero tulad din nang maraming pangyayari sa buhay natin - inevitable. at kahit ayokong pumunta tulad mo, di pwede kasi me papel ako. (actually, lahat naman pwede pero siguro ako na rin ang nag limit sa mga pwede kong gawin kasi hindi pa rin ako ganun ka tapang para sabihing - i don't care kung magkagulo kayo dyan!)
ReplyDeleteang pinakamasaya talaga sa women's month celebration ay ang pagtatapos nito - kasi ito na yung time with kadas! kick-off our shoes and relax...release the day's stresses (and stressors) and simply enjoy the timangers' company.
hello sa iyo Honey. i remain one of your avid readers :-)
ReplyDelete@ auie, d naman dahil ayaw ko pumunta kaya wala ako sa WM kick off...may mga bagay bagay lang na kailangang ayusin, nasa office ako nun. gusto ko rin naman pumunta kasi nami-miss ko rin ang crowd..you know, the fans, yun mga taong super excited, yun mga tipong dinudumog ako kasi gusto nilang mawala ako sa dadaanan nila! hahahaha... seriously, i'll be there on march 8! pero sana ang meet up with the timangs ay sa next weekend na. i will be in clark march ten and eleven eh!
ReplyDelete@praks...uy, natats naman ako at meron akong avid fan! isa lang!!! hahaha.. hope you're doing good. san ka na ba these days? isama mo na ko! hahaha..
Hay... na-miss ko talaga WM preps! As in! Naalala ko Fuego, naalala ko nung nasa DDO pa ako at natutulog tayo sa mga karton at dyaryo sa kanya-kaniyang mga pwesto sa sahig, para lang di ma-late mag-advance party sa Ultra o sa Clamshell kinaumagahan, naaalala ko yung concert sa Clamshell... "Sandali na lang, maaari bang pagbigyan..." Ang mga packed lunch at baon, ang mga young boys ni Bentot, ang mga kahon-kahong Trust na pinamimigay sa event... Maraming pang memories, nakaka-miss!!! Nakaka-miss!!! Nakaka-miss!!!
ReplyDeletePero nakakapagod rin... Hehe... Meet-up tayo post-Women's Day event niyo!
Gawsh, may naalala pa uli ako! Tama ka Honey! Ang ushering! Ang pagpigil sa mga taong umupo sa reserved seats! Ang pagsigaw gamit ang boses na hindi mo alam ay sa iyo pala, ang pagbugaw sa mga taong makukulit at ayaw makinig, ang pakikimay sa mga politiko, ang pag-iwas kay PGMA nung isang WD celeb na may sore eyes siya... Hahahaha...
ReplyDeleteKa-miss balik-balikan! Auie and Nihan, I look forward to seeing you on Monday!!! Time to unwind ng mga windang! Waaah!