Friday, March 05, 2010

WM Day 4: Memory Lane

Salamat Meyps, sa pagpapa-alala ng iba pang saga ng women's month organizing! => WM Fever

 

Nakakatuwa rin isipin na nagawa natin lahat yun noon ng tayo-tayo lang. Naalala ko pa noon nasa Executive Support Group pa ako tapos ang mga Officers from divisions na-assign na sumalubong sa VIPs..naghahagilap sila ng mga picture ng VIPs sa internet tapos meron silang print-out para raw ma-identify nila ang mga ito pag dating! Siyempre 'di ko rin nalilimutan ang pagtulog natin sa office dahil madaling araw ang call time ng advance party sa venue. Na-praning pa kami noon nila Auie kasi hating gabi na at matutulog na kami eh may tumawag sa office..it turned out na taga media ito at nagtatanong ng detalye about the event! Natawa na lang kami nun kasi iniisip namin eh bakit parang alam nilang nasa office kami. Pero hindi ako natulog sa karton kasi duon ako sa couch ni DD Loren (ahihihi...)! Pero kami ni ate Tins dati natulog sa tabi-tabing upuan sa conference room.

Hahaha..napapa-isip tuloy ako ngayon kung alin-alin na sa rooms sa office ang natulugan ko overnight dahil sa iba't-ibang events -- Conference room (women's month), the present room of DD Loren na noon ay EDO room (women's month), present GSS room na noon ay DD Loren's room (women's month), PDAD room (women's month, last year), BSO room (nun pupunta kami nila Atty. ESD sa Baguio for the event of Igorota Foundation), the Admin Chief's room (ICGMD). Buti na lang, nakakatulog naman ako kahit saan basta inaantok na ako! hehe..

Concerts...concerts...oo nga pala, may concert rin sa Clamshell ano. Pero mas nauna yun concert noon sa El Pueblo na ang kasama pa namin ni Auie ay sina Mich, Catie at Louie Losinio. Ito yun umuwi kami ng mag-uumaga na dahil kailangan namin tapusin yun concert. Naalala ko, nakatulog na si Ms. Miyen sa kinauupuan niya kasi hindi rin siya umuwi. I guess she stayed not because she loves rock concerts, but because andun pa kami. Har har.. nagmukha tuloy siyang Mommy na nagbabantay sa mga anak niya kasi baka kung ano ang gawin sa concert! Yun sa Clamshell....Moon Struck! Moon Star 88 yun, nagkamali lang ng pagsabi yun isang PLM student na inabutan namin ng flier sa sobrang excitement niya. Whaaa...remember nun inikot natin ang Intramuros isang hapon para magpamudmod ng fliers for the concert?!

Ang mga pakain ni Tita Felly, who would forget those?! Kapag nagretire si Tita Felly, pwede na siyang mag volunteer sa mga feeding programs ng iba't-ibang organisasyon! :P   Ang pagkamay sa mga kilalang tao -- pulitiko, artista, etc. hehehe.... natural makikipagkamay sila sa atin o babatiin din tayo kahit papano kasi nakaharang tayo sa dadaanan nila o kaya eh nasa holding room tayo! Hahaha..may kopya pa ko ng picture kung paano sumabit si Tita Baby sa leeg ni Jan Nieto; picture ni Atty. ESD kasama si Jolina; larawan ni Lara na parang mag-ate sila ni Yeng Constantino hehehe...

Si Ben! hahaha..si Ben na bespren ni Auie (Au, this is not the time to argue!)

Ang kwentong pakston nina Auie at Ben...

Ben: hello au..blah..blah..blah..blah...

Au: blah..blah..blah.. uy may ipa-fax ako sa iyo yun comment ni Ms. Loren...

Ben: ah sige, sige (naputol ang linya dahil binaba ni Ben ang telepono)

Kriiiiing... inangat ni Au ang phone dahil nagring...

Ben: hello Au!

Au: Ben?

Ben: Au, faxtone please

Au: huh? Ben, ako ang magpa-fax sa iyo!

Ben: ay, oo nga ano..sige, sige (aktong ibababa ulit ang phone)

Au: heloooooooo....Ben...

Ben: hello

Au: 'wag mong ibaba! pindutin mo na lang yan "start" diyan para ma-fax ko ito!

Ben: ok. (pressed the start button at nasend rin sa wakas ang comments ni Ms. Loren)

Sa sobrang tawa ni Au, kinuwento ito sa mga kasama niya sa room na itago na lang natin sa pangalang Asa at Moon Struck. Nang pumunta si Ben sa office, tawa sila nang tawa. Ahihihi...buti na lang at hindi pikon si Mang Ben!

Speaking of Ben, siguro malalaki na ngayon ang mga boys noh. Nakakatuwa ang mga yun, para silang mga inakay ni auie kasi ang bilin ni Ben kahit ano ipagawa ni Auie ay sundin. Hindi ko lang alam kung unutos rin ni Auie na i-describe kami ni Abi na baby elephant! hahaha..

Well Nyepie, those were the days..kakapagod pero masaya. Parang everything is a learning experience. Exciting kasi marami sa mga ginagawa ko noon ay first time kong ginawa in my entire life. But the most important thing is, masaya ang mga nakasama ko. Mas nagiging mahirap kasi ang trabaho kapag merong mabigat dalhin (figuratively). Am so thankful to have worked with you gals and guys. At least meron akong spoofs na nababalikan kapag gusto kong matawa! hahaha.. joke!

No comments:

Post a Comment