Wednesday, March 03, 2010

WM Day 3: random thoughts

March = Marathon Meetings

Another ten-hour technical drafting committee session! whew!

Napakabilis ng panahon, mas mabilis ito sa pagiging ready to harvest ng mga plants ko sa farmville!

Mahirap makipaghabulan sa oras. Pero mas mahirap magpasensiya sa mga taong puro reklamo lang, hindi naman lubusang nauunawaan ang sinasabi nila.

Anyway, kuwentong kalokohan (pero nagaganap sa tunay na buhay) muna...

Ang kuwento ni pakston

kriiiiiing...

snoopy: **name of office** magandang hapon!

ako: magandang hapon (tagalog ang pagbati eh) po sa commission on women po ito, magpa-fax po kami ng letter para kay  blah..blah

snoopy: ah sige po (dead air for ten seconds)

ako: pwede pong makahingi ng fax tone?

snoopy: ay tumawag ka sa fax number blah blah blah...

ako: okay salamat po (read: eh bakit hindi niyo naman po sinabi agad!)

garfield: **name of office** good morning

ako: (good mood ako, maaga pa eh) good morning, this is from ncrfw. am sending a fax addressed to  blah blah, may i have a fax tone please

garfield: ma'am wala po kasing papel dito, paki dial na lang po ang blah blah blah

ako: ah, okay po, thank you (hang-up then dial the other number)

odie: **office of  blah blah, good morning

ako: good morning, fax tone please (by this time short cut na paghingi ko ng fax tone kasi matagal mag explain at napuna ko na ganito pala ang quicker way na nage gets naman ng karamihan)

odie: para kanino yan ma'am

ako: kay blah blah

odie: ay ma'am sa kabilang office po yun...

ako: katatawag ko lang po kasi sa kanila, dito po ako nirefer dahil wala raw pong paper

odie: ah sige ma'am paki dial na lang po ulit

ako: okay salamat po. (binaba ko ang phone at nag redial...pero iniisip ko kung bakit kailangan kong gawin yun. later on, nakabuo ako ng multiple choice:

a. malayo sa upuan niya ang fax at extension line ang gamit niya habang kausap ako kaya mas madali kung tumawag ulit ako at hindi niya ito sasagutin para mag auto fax

b. malapit lang naman ang fax pero hindi ito abot-kamay kaya mas gusto niyang tumawag ulit ako at hindi niya ito sasagutin para mag auto fax

c. hindi niya alam kung paano magreceive ng fax ng hindi auto fax

d. wala lang, trip lang niyang mag dial ulit ako

winnie d pooh: hello, good morning!

ako: good morning, magpafax po para kay blah blah

winnie d pooh: saan galing

ako: sa commission on women po

winnie d pooh: ilang pages?

ako: isa lang po, letter lang

winnie d pooh: long o short?

ako: short lang po (pero sa isip ko, ano ba tinatanong niyang short, yun papel o length ng letter..buti na lang parehong short! hehehe..)

winnie d pooh: okay bibigyan na kita ng fax tone

ako: salamat, sir (read: sa wakas, pumasa ako sa interogation mo!)

ERROR ERROR ERROR

ako: (nagredial) hello sir, ako po yun nagpa-fax yun sa commission on women. nag transmittal error po kasi

winnie d pooh: ay naubusan ma'am ng papel, tawag po kayo after five minutes

ako: ako okay po (read: sa dami ng tanong niyo akala ko bilang na bilang niyo ang fax paper niyo eh hindi pala! hahaha... wish ko lang hindi na ko tanungin ulit ng mahaba mamaya!)

piglet: blah blah, hello!

ako: good afternoon, fax tone please

piglet: sino po?

ako: hingi po ako ng fax tone magpapadala po ng letter para kay blah blah

piglet: wala pong ganyan dito

ako: sa blah blah office po ba ito?

piglet: opo

ako: si Ms. blah blah pa po ba ang head ninyo?

piglet: opo, nasa meeting po

ako: may sulat po kasi sa kanya si director blah blah, ipa-fax ko po sana ano po ba ang fax number nila?

piglet: sandali lang po (tumawag ng back up)

tigger: magandang umaga po, sino po kailangan nila?

ako: hello, magpa fax po sana ako para kay blah blah

tigger: ay sige po bigyan ko na kayo ng fax tone

ako: thank you po (bakit ngayon ka lang dumating!?)

ako: (nagmamadali dahil maraming gagawin) good morning, fax tone please

kitty: ma'm wala po dito

ako: saan po ako pwedeng mag fax?

kitty: ah, fax! wait lang ma'am..

ako: ok po (hmmm...akala ata tao ang hinahanap ko!)

kriiiiiing....

ako: commission on women, good morning!

mickey mouse: magandang umaga, pwede pong makahingi ng fax tone?

ako: sir paki dial na lang po ang ******* (pwede ko bang sagutin ng "hindi po pwede!")

mickey mouse: sa office ito ni blah blah di ba?

ako: opo, pero centralized po ang fax namin

mickey mouse: (after around 3 minutes he called again) hello, tanong ko lang kung nakuha niyo na yun fax

ako: sir paki confirm na lang po sa records section sa ******* local ***

mickey mouse: hindi mo ba pwedeng i-check

ako: (trying to be cool) sir, nasa ground floor po kasi ng main building yun, nasa third floor po kami another building (grrr....pwede ko naman puntahan kung gusto mo pero wala akong balak pagurin sarili ko no. tsaka sa layo nun eh baka napanis ka na diyan sa linya. kung tumawag ka na sa records eh di nakuha mo na gusto mo kesa kinukulit mo pa ako!)

mickey mouse: kailan kaya mababasa ni blah blah yun?

ako: nasa meeting pa po siya outside the office, this afternoon pa po ang balik niya

mickey mouse: mababasa na nya yon mamaya?

ako: lahat naman po ng official communications sa office na ito dumadaan sa kanya at iaakyat po yun dito ng records office (ano ba talaga gusto mo kuya?!)

mickey mouse: sige follow up ko na lang mamaya

ako: okay po. (excited huh!)

more to follow....inaantok na ako eh!

1 comment:

  1. Meyps :)1:43 AM

    Waaaah!!! Parang kasama ito ng saga ng BIR bago makakuha ng TIN!

    Pero, nung una, akala ko, ang ire-recount mo yung kuwento ni Mang Ben at Au tungkol sa "fax tone, please?"... Hahahahha!

    Miss ko NCARF lalo na this time of the year!

    ReplyDelete