Monday, October 24, 2011

Ulan 10-24-2011

Dumilim ang langit na parang nakikisama sa mga kaloobang binabagabag ng santambak na alalahanin;

At muling bumuhos ang ulan sa labas ng aking bintana, dala ang malamig na hangin na pumapawi sa matinding init na dala ng sikat ng araw;

Ang ulan na parang nang-aakit na ako’y lumabas at magtampisaw sa ilalim ng ulap at yakapin ang kanyang bawat patak;

Bawat patak ng ulan na nagdudulot ng ala-ala ng kaligayahan ng aking kamusmusan; na siya ring mga patak na nagkukubli ng luhang pumapatak sa aking mga mata sa panahon ng kalungkutan.