Thursday, June 19, 2014

Dear Love,

I've been waiting for the right time to tell you something and I think this is it. It's been quite a long time, so I think this is not really asking for the sun and the moon and the stars.

I just wonder and I want to ask you, bakit ang tagal mo, saan ka ba dumaan? Kung malalaman ko lang, doon na lang din ako dadaan para kung hindi man tayo magkasalubong, sasabayan na lang kita sa bawat hakbang.

Ang hirap lang kasi na maging lost sa gitna ng mundo na puno ng mga tao na may kanya-kanyang buhay. Akala ng iba, wala rin lang akong paki-alam o 'di kaya ay kaya ko naman ang makipagsabayan kahit na ano pa ang nangyayari sa kapaligiran. Pero hindi, hindi ako ganun, hindi ako si wondergirl na anak ni wonderwoman. Hindi naman talaga sila nageexist dahil kathang-isip lang sila. Pero alam mo, sa sobrang bagal mo, para na rin akong supergirl na nakikipagsapalaran sa earth mag-isa dahil wala ka pa. Kung pwede lang manawagan sa radyo, tv, facebook at dyaryo eh ginawa ko na para matunton ka. Ang problema, ni hindi ko nga alam kung sino ka eh! :-(


No comments:

Post a Comment