Saturday, June 21, 2014

PHILPOP 2014: Salbabida

Written by: Jungee Marcelo
Interpreted by: Kyla

Bumabaybay sa dalampasigan ng pag-ibig, 'di na namalayang lumayo
Kumakampay pabalik sa may pampang subalit 'di na matakasan ang bagyo
Nagsusungit ang hangin; nagtatampo ang kalangitan
Lumuluha ang mga ulap sa pag-ulan

Sa rumaragasang alon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
'Pag hindi na maka-ahon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Dahil 'di na mag-iisa; sabi mo 'di ba, kapit ka lang sinta
Salbabida-di-da, da-di-da


Nangangamba sa mapaglarong banta ng tubig, at parang pagod nang lumangoy
Naka-amba ang mapagkalinga mong pag-ibig, timbulang sagip sa panaghoy
Umihip man ang hangin at magdilim ang kalangitan
Panatag lang sa gitna man ng kawalan


Sa rumaragasang alon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
'Pag hindi na maka-ahon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Dahil 'di na mag-iisa; sabi mo 'di ba, kapit ka lang sinta
Salbabida, salbabida, salbabida; Sal-ba-bi-da-di-da-di-da-di-da

Sa rumaragasang alon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Pag hindi na maka-ahon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Sa rumaragasang alon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Pag hindi na maka-ahon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Dahil 'di na mag-iisa; sabi mo 'di ba, kapit ka lang sinta...
Salbabida-di-da, da-di-da; Salbabida-di-da, da-di-da
Salbabida-di-da, da-di-da...

No comments:

Post a Comment