I used to be so timid and shy that people often think that I am a snob. People do change though; sometimes for the better :-). I now find myself talking with random people about random topics. This new post category that I am starting will revolve around those random conversations.
On my way to the office this morning, the driver was tuned in to an AM radio station where Secretary Singson of DPWH talks about the planned installation of barriers along EDSA. During the interview, Secretary Singson stressed that keeping the roads safe and convenient for all motorists and commuters is not only about building highways, enforcement of traffic and zoning rules and regulations should be ensured so that our roads and sidewalks will serve their purpose.
On my way to the office this morning, the driver was tuned in to an AM radio station where Secretary Singson of DPWH talks about the planned installation of barriers along EDSA. During the interview, Secretary Singson stressed that keeping the roads safe and convenient for all motorists and commuters is not only about building highways, enforcement of traffic and zoning rules and regulations should be ensured so that our roads and sidewalks will serve their purpose.
The interview prompted yet another amusing conversation with the PUV driver which went on like...
Manong: Naku, talaga Ma'am tama 'yan enforcement talaga kailangan! Alisin ang mga nakaharang sa daan, lalo na mga lumang sasakyan na nakapark sa kalye nabubulok na.
Ako: Ay marami nga pong ganyan, hinihintay yata maubos ng kalawang.
Manong: Ma'am kapag ako po ang naging Presidente ng Pilipinas, ang una ko pong gagawin, magpagawa ng malaking-malaking tunawan ng bakal!
Ako: (amused, saan galing 'yun ideyang 'yun??) Bakit naman po 'yun?
Manong: Lahat Ma'am ng mga sasakyan na nakaharang sa daan ipapatunaw ko! Dapat kasi hindi sila nagpapark sa daan. Unahin nila magpagawa ng parking bago bumili ng sasakyan. Nakaka-abala sila eh tsaka ginawa ng gobyerno 'yan kalsada at sidewalk para sa lahat, hindi para parkingan nila.
Ako: Sa bagay, lalo na 'yun mga magkabilang kalsada may nakapark. Lalonh nakaka-trapik!
Manong: Opo Ma'am. Tapos para mabawasan trapik ipapahold ko muna pagbebenta ng mga bagong sasakyan. Maglalagay din ako ng rule na hanggang 10 years lang pwede gamitin ang sasakyan; kapag lagpas na ng 10 automatic 'yan tutunawin na sa ayaw at gusto ng owner. Kapag may rule na na ganyan tsaka ko papayagan ulit magbenta ng sasakyan. Kapag may pasaway at ayaw sumunod, baka ipasama ko na tunawin!
Ako: (ah, eh... CHR aabutin nitong si Kuya pag nagkataon! Pero dahil amused ako sa ideas niya, go lang!) Hehe.. eh ano naman po ang naisip niyong gawin na natunaw na bakal?
Manong: Naku Ma'am, sa dami ng mapapatunaw ko eh hindi na tayo aangkat ng bakal, baka pwede pang export pa! Marami mapag-gagamitan 'yun!
Ako: Ayan Ma'am tingnan mo, kabilaan nakapark sila dyan kaya isang linya lang nagagamit ng tao (sabay turo sa gilid ng kalsada). 'Yun kumpare ko nga sa amin hindi ko talaga pinalampas nun ayaw tumigil kaka park sa kalsada sa harap ng bahay ko! Nakarating kami sa barangay kasi ang tagal ko na siya winarningan na kapag hindi niya inalis sa harap ng bahay ko kotse niya mawawala gulong non! Aba mahigit isang taon ako nagpasensya pero ayaw tumigil kahit nag-effort pa ako at nilagyan ko na ng NO PARKING harap ng bahay ko. Minsan parating siya, binutas ko nga yun 2 gulong! Nakita pa niya, gamit ko 'yun itak na matulis ang dulo gamit yun sa kawayan. Dun sa barangay talagang sinabi ko na dapat nga sila ang umasksyon sa mga nagpapark diyan sa kalsada kasi bawal yan!
Ako: Eh kumusta naman po kayo ng kumpare nyo?
Manong: ayun Ma'am, hindi ako pinapansin! Ang tagal! Tapos napilitan din lumapit kasi nangutang at walang wala raw sila ng araw na 'yun, papasok sa eskwela mga bata. Sabi ko nga Ma'am, kasi inuna mo pa bumili ng bulok na sasakyan dinalawa mo pa kahit wala ka naman garahe!
After thought ko habang naglalakad papasok sa office: may pinaghuhugutan pala si manong sa Executive Order No. 1 niya! Malapit pala sa puso niya ang isyu ng mga sasakyan na nakapark sa kalsada. #
No comments:
Post a Comment