Thursday, December 24, 2015

Christmas Na Pala!

Pasko na naman, o kay tulin na araw...

Feel na feel ko ang lyrics na ito ngayon. Hindi ko man lang namalayan na oo nga, Pasko na! Siguro masyado akong abala sa kung anu-anong bagay sa earth. Ang dami kasing kung anu-ano na dapat gawin, dapat tapusin, dapat intindihin; hindi sila nauubos, pero ang oras at pasensya ko eh kaunting-kaunti na lang! Napansin ko rin na dumami yun white hairs ko and I don't blame it solely on genetics and the additional year; nakaka-stress drilon lang talaga ang 2015 in all aspects.

Pero thankful pa rin ako. At least, matatapos na ang taon at kahit papaano ay naitawid naman ito ng maayos -- maraming ngarag moments, ups and downs, confusions and challenges pero ayos na, I am still breathing and my heart is still beating.

Speaking of my heart -- oo nga, it is still beating (akalain mo! **grins**). Naisip ko lang na pag dumalaw sa probinsya para sa birthday ni Lola eh kakailanganin ko na naman ang aking witty remarks sa mga kamag-anak ko na excited na excited na magka-boyfriend ako at mag-asawa (**face palm**).

Kasama rin ako sa mga nag-holiday rush sa supermarket. Imagine, past midnight na kanina eh ang haba-haba pa ng pila sa checkout counters ng Shopwise, to think na open lahat ng counters at nasa Senior Citizens lane pa ako dahil kasama ko si Mama! Open 24 hours pa sila nun lagay na 'yun ah, pero ang lakas maka-forever ng pila! Akala ko kahapon eh mahirap gastusin ang 10,000 pesos, pero mali pala ako kasi umabot ng halos 13,281.50 pesos ang total bill ko (may 65 pesos na senior citizen discount pa 'yan) -- on FOOD items alone (hello Citibank). Hiwalay pa 'yun non-food items na inabot rin ng 1,366.78 (hello BDO), so bonggang-bonggang 15,000 pesos ang nadagdag sa utang ko! In fairness, nagbabayad ako ng maayos sa card dahil sinisiguro ko naman na keri ko bayaran in full ang monthly bills ko; sabi nga eh, you have to live within your means.

Bukod sa supermarket rush, napagtanto ko na hindi pa rin ako prepared sa aming yearly Christmas exchange gift after noche buena later! Hindi ko naman pwedeng hiritan ang mababait kong pamangkin na LOVE na lang ang gift ko sa kanila kasi sabi nga sa kanta eh "give love on Christmas day". Nag-inventory nga ako kanina eh, keri naman na, may something na ako for everyone in the family. 'Yun mga hindi immediate family, bahala na si Darla.

Ilang oras na lang, Pasko na talaga! Thank you, thank you for the love... 

Wednesday, December 02, 2015

never enough

Nakakapagod rin kapag sobrang taas ng expectations. 'Yun halos magtumbling ka na ay sumali sa circus para lang mabigay mo 'yun gusto pero kulang pa rin; at pinapamukha pa talaga sa iyo na kulang. Alam mo naman sa sarili mo 'yun worth mo at alam mo na beyond average and normal limit ng isang tao yun mga ginawa mo pero dumarating din pala 'yun point na magda-doubt ka na rin sa sarili mo kasi laging inuulit sa iyo kung gaano kalaki ang pagkukulang mo. Nakakapagod lang. Nakakasawa na rin. 

"Go where you are needed and where your efforts will be appreciated," gusto ko na yata sundin ito.