Pasko na naman, o kay tulin na araw...
Pero thankful pa rin ako. At least, matatapos na ang taon at kahit papaano ay naitawid naman ito ng maayos -- maraming ngarag moments, ups and downs, confusions and challenges pero ayos na, I am still breathing and my heart is still beating.
Speaking of my heart -- oo nga, it is still beating (akalain mo! **grins**). Naisip ko lang na pag dumalaw sa probinsya para sa birthday ni Lola eh kakailanganin ko na naman ang aking witty remarks sa mga kamag-anak ko na excited na excited na magka-boyfriend ako at mag-asawa (**face palm**).
Kasama rin ako sa mga nag-holiday rush sa supermarket. Imagine, past midnight na kanina eh ang haba-haba pa ng pila sa checkout counters ng Shopwise, to think na open lahat ng counters at nasa Senior Citizens lane pa ako dahil kasama ko si Mama! Open 24 hours pa sila nun lagay na 'yun ah, pero ang lakas maka-forever ng pila! Akala ko kahapon eh mahirap gastusin ang 10,000 pesos, pero mali pala ako kasi umabot ng halos 13,281.50 pesos ang total bill ko (may 65 pesos na senior citizen discount pa 'yan) -- on FOOD items alone (hello Citibank). Hiwalay pa 'yun non-food items na inabot rin ng 1,366.78 (hello BDO), so bonggang-bonggang 15,000 pesos ang nadagdag sa utang ko! In fairness, nagbabayad ako ng maayos sa card dahil sinisiguro ko naman na keri ko bayaran in full ang monthly bills ko; sabi nga eh, you have to live within your means.
Bukod sa supermarket rush, napagtanto ko na hindi pa rin ako prepared sa aming yearly Christmas exchange gift after noche buena later! Hindi ko naman pwedeng hiritan ang mababait kong pamangkin na LOVE na lang ang gift ko sa kanila kasi sabi nga sa kanta eh "give love on Christmas day". Nag-inventory nga ako kanina eh, keri naman na, may something na ako for everyone in the family. 'Yun mga hindi immediate family, bahala na si Darla.
Ilang oras na lang, Pasko na talaga! Thank you, thank you for the love...
No comments:
Post a Comment