Sunday, June 20, 2004

I still feel so sick, pero alive pa naman…I can’t afford to take a leave these days. Rest nga lang ako sa bahay the whole week-end, even missed going to church kasi umulan na naman kanina baka lang mag-trigger pa ng fever for me. Hindi ko alam kung bakit ganito…it all started parang soar throat lang then, mga ilang araw, nahihirapan na ko huminga, parang kinakapos ang paghinga ko…ganito rin yun feeling noon—almost five years ago nun ma-confine ako sa hospital dahil hirap nga ako huminga. The doctor said symptoms siya ng pagiging asthmatic. Triggered rin daw ng environmental factors and allergens like dust and smoke. Bukod kasi sa usok ng sasakyan, prone din ako sa second-hand smoke dahil nga sobrang smoker ang aking ama. Mula tuloy noon, bawal na talaga siyang mag-smoke sa loob ng bahay. Haay…ngayon pa naman nataon na ang daming work sa office tsaka may program kami for the employees’ association. Okay lang, humihinga pa naman ako…hirap nga lang! Now, I missed it again! Ewan ko ba, every time that I visit that website, a few days too late na. Sayang talaga! Ilang opportunities na rin ang nakalampas…I guess I should start getting serious na talaga. A few more months and I’ll turn twenty five…I guess I have to keep my life going. Maybe I can start with a major overhaul on my cv…ha ha! Si Kermit…ewan kung ano na nangyari sa kanya…I still feel guilty over that Monday affair, bawi na lang siguro ko kung may next time—how about spider man? Har har har... Since I opted to rest for the weekend, hindi na naman ako nakasama kina Sansu, Denise at Kat kahapon…miss ko na ang mga yun kaya lang, yoko naman abusuhin sarili ko noh! May next time pa naman…btw, ilang araw na rin akong walang load! He he he…di ko naman balak I-isolate sarili ko, trip ko lang di magload. Okay nga eh, laging may excuse pag may mga nagtatanong na di ko sinasagot. Ayaw ko muna kasing mag-isip ng kung anu-anong bagay sa ngayon…iniisip ko pa kasi kung paano ko makakahinga ng mabuti! Ha ha ha…ano ba ito? Tila ba ang gulo-gulo ng flow ng blog ko…kulang na ata sa oxygen utak ko! He he he…





Sunday, June 13, 2004

What a busy week! I feel so tired, pero okay lang.



Yesterday, a new life was born. Si Jonathan…ang baby ng ate ko. He’s chubby, cute, namumula ang mga pisngi ang kamay.



I gave it a try, I mean going out with someone na ako lang mag-isa. Okay lang, siguro it’s because I’ve known Kermit na rin. I thought about it first, then nagkataon I’ll be out of the office earlier than usual so I contacted Kermit and we agreed to meet and watch a movie. Inasar pa ako ng officemates ko when I left—may “date” raw ako! Okay, maybe it is, in its broadest sense pero for myself, I put greater significance to the term “date” and this one doesn’t fall into it. Parang so special kasi for me when I say “date.” Okay, back to Kermit…I admit at some point, I felt awkward pero hindi dahil kasama ko siya, ewan ko, siguro nga kasi am not used to these things but I told myself, okay lang naman…it’s like going out with Angel or Sansu, or Denise and my other friends. Kermit’s nice naman, di ko lang alam baka naman siya ang mas discomfited dahil kasama niya ko…di nga lang kami nagkausap nang matagal kasi late na, malayo pa uuwian namin and may pasok pa ko the next day. Bakit nga ba Kermit tawag ko sa kanya? Ha ha…wala lang, cute eh—Kermit.



Saturday, June 05, 2004

Went to La Mesa Eco Park today with the family and the whole troop from Pasong Tamo. It’s supposed to be a summer outing but then it rained the whole day. Nonetheless, I really had fun swimming around the pool for a couple of hours. I guess it has been a long time since I last went swimming—my body’s aching now, but it’s okay…I’m happy!



Before we went swimming in the afternoon, we roamed around the place for sometime, I saw a playground. It’s like wow! Ang tagal ko nang hindi nakakapunta sa playground, as in I tried everything—see saw, slide, pero pinaka-enjoy ang swing! I was left alone nga sa playground kasi umalis yun mga kasama ko para umikot-ikot pa pero okay na ko sa swing. Masaya, nagduduyan ako sa ilalim ng patak ng ulan! At one point, bigla ko na naman yun friend ko…wala lang, tuwing naaalala ko kasi yun, hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa. Parang mixed yun emotions ko, natutuwa ako and at the same time naiinis every time that I recall those times that we’re together or just letting each other know that we’re just around. It’s like something tells me to stay off pero somehow, I’ve grown so fond of the person that more often than not, I miss those times na nakakasama ko siya at nakakausap.



A friend called me a while ago. Si Kermit. Hindi ko ini-expect na tatawag siya, akala ko forget na nun number ko eh, kung di ko pa nga i-text barrage di ako maaalala minsan. Just talked for about an hour, wala lang just catching up, kumustahan…parang ang bilis lang namin nag-usap pero marami rin napag-usapan. Tagal na nga talaga since we last talked. Miss ko na siya pero, I don’t know kung paano kami magkikita…he asked to watch a movie but I still have to think about it…let’s just say that I’ve never watched a movie with a guy. Okay I know, wala lang yun pero I might feel uncomfortable, parang awkward kasi, kahit na friends lang kami. Ewan ko, shocks…parang blog ng isang teenager tuloy ito!

Wednesday, June 02, 2004

Gaya nang naisip ko kagabi, sumama nga ang pakiramdam ko…hindi tuloy ako nakapasok kanina. Sa isang banda, mabuti na rin iyon nakapagpahinga ako…saglit ko munang kinalimutan ang lahat ng tungkol sa trabaho, at iba pang alalahanin na gumugulo sa isip ko.



Ilang minuto rin akong nanood ng TV napansin ko na halos puro banyagang telenovela pala ang palabas tuwing hapon, kundi naman eh yun mga nagbebenta ng kung anu-anong produkto sa TV—yun tipong home TV shopping ba. Napanuod ko rin saglit yun live coverage ng canvassing ng boto para sa presidente at bise presidente…di ko na naman naiwasan ang mag-isip at magtanong…bakit nga ba ganito pa rin ang sistema dito sa bansang ito? Masyado kong maraming tinatanong, masyado kong maraming pinag-iisipan, masyado kong affected sa mga nangyayari sa aking paligid at sa lipunan…kailan ko kaya matututunan ang hindi mabagabag sa mga bagay-bagay? Ewan ko ba, bakit nga kaya ganito ko… pathetic at pati ba naman sa love life eh likely to be hopeless romantic?! Okay, I still have a lot of questions that are left unanswered. Gustuhin ko man malaman ang mga sagot, di ko alam kung paano.



Sabi nila, “mauubos lamang raw ang ating mga katanungan kung tumigil nang mag-isip ang ating isipan.” Paano kaya ang hindi mag-isip?



Pinagalitan ako ng teacher ko noong grade two…mali kasi yun sagot ko sa recitation sa math tsaka sa mga nakaraang exam, mababa rin ang grade ko. Sa harap ng buong klase, sinigawan niya ko at sinabing DI AKO NAG-IISIP…inutusan din niya ko na umalis sa upuan ko at lumipat sa row 4 (uso kasi noon yun paghahati ng buong klase sa apat na rows: nasa row 1 yun mga “matatalino” dito tabi-tabi yun mga nasa top ten ng klase; sa rows 2 at 3 yun mga “average” students at sa row 4 naman yun mga kung tawagin ay “slow learners” – yun ang tawag ng mga teachers pero ang tawag ng mga estudyante at mga kadalasan eh paki-alamerang nanay na laging nakatambay sa school eh mga bobo. Umiyak ako noon kahit hindi umuulan…di ko kasi maintindihan kung bakit kailangan gawin yun ng teacher ko. Ang tagal na ngang panahon nun eh…halos labing-walong taon na ang nakakaraan, pero hindi ko pa rin nakakalimutan yun instance na yon. Mula noon, naisip ko na mahirap talaga ang math. Parang nakakaloko…noong mag-recognition day kami nung grade two, ako yun third honor tapos ako rin yun best in math! Di ba parang isang kahibangan?! Matapos niya kong sabihan na di nag-iisip, nasama pa ko sa honor roll at naging best in math! Ang mga pinararangalan ba sa lipunang ito ay ang mga hindi nag-iisip? Siya nga pala…yun teacher ko na yun, naging isa rin siya sa adviser ko sa journalism noong nasa grade six na ko…ang dating estudyante niya na di nag-iisip, kinatutuwaan at ginawa pang punong patnugot ng school paper! Noong magkaroon ng assessment exam ang lahat ng graduating students at piliin ang ten best students sa bawat subject nakakatawang nakasama na naman ako sa “ten bests” in math! Ewan ko ba…inisip ko na lang na baka frustrated lang noon o sadyang mainit ang ulo ng teacher ko at ako ang napagtripan. Isa siya sa mga taong di ko na yata malilimutan sa buong buhay ko…siya rin yun lumapastangan at lumait sa penmanship ko—para raw kinalahig ng manok, parang di raw niya ko naging estudyante (sa public school kasing pinasukan ko, grade two kami tinuruan sumulat ng dikit-dikit). Hindi ko lang alam kung saan ko pa hahagilapin yun teacher ko na yun pero kung makita ko siya, baka di ko mapigilan ang sarili ko na tanungin siya kung paano ang hindi mag-isip!



Haay…epekto kaya ito ng pagkabasa ng akin bunbunan kagabi? Buti na lang walang load ang cellphone ko…hindi ko nagawang mag-text ng kung anu-ano.



Tuesday, June 01, 2004

Tag-ulan!

Ang tagal kong hinintay ng pagdating ng tag-ulan! Kanina, bumaba ako ng fx sa Don Antonio, gaya ng dati, umakyat sa overpass para tumawid…pero iba ang gabing ito…nasa fx pa lang ako nang mapansin ko na umaambon. Sa wakas! Ito na nga ang hinihintay ko…tag-ulan na! Slow motion ang mundo ko sandali ko munang kinalimutan ang nababalitaan kong naglipana na rin ang mga magnanakaw sa lugar na iyon. Di tulad nang karaniwan kong pagtawid sa overpass, dahan-dahan akong naglakad…naalala ko nung isang gabing pauwi ako sa amin…sayang, sana binagalan ko nang husto ang lakad ko, sana mas matagal ko siyang nakasama…yun kaming dalawa lang. Ewan ko ba, basta sanay lang ako na mabilis lumakad…pero iba ang gabing ito! Unang araw ng buwan ng Hunyo, pumatak ang ulan…halos isang taon na rin ang nakalipas. Iba ang gabing ito…gusto kong maranasang muli ang maglakad nang mabagal at damhin ang bawat patak ng ulan.

Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling ginawa ang maligo sa ulan. Hindi naman malakas ang ulan kanina…ambon lang naman pero sapat na rin para maramdaman ang bawat patak nito sa aking balat. Pakiramdam ko bumalik yun dating ako…yung ako na naghihintay na pumatak ang ulan para umiyak. Pag naliligo ako noon ng ulan, hindi nila alam na umiiyak ako…hindi naman halata. Saglit ring sumagi sa isip ko na baka magkasakit ako sa ginagawa ko, pero bahala na…masaya ko dahil naglalakad ako sa ulan…hindi mabilis, hindi ako nagmamadali. Naalala ko na naman yung gabing yon…hindi, hindi na ko iiyak…baka naman mapagkamalan akong baliw ng mga tao!

Noon, ang problema ko mga simpleng bagay lang…mga simpleng bagay sa paningin ko ngayon, pero noon napaka-bigat na problema na kailangan ko pang pagpuyatan, pag-isipan at kung minsan iyakan. Yun sakit tuwing lilinisin at gagamutin yun mahabang mga sugat sa kaliwang binti ko matapos magasgas nang malalim sa hollow blocks habang naglalakad ako sa gilid nun ginagawang bahay sa tabi namin, yun school bag ko na nasira, yun tenga ko na laging nagsusugat sa tuwing pabubutasan ko para lagyan ng hikaw, yun takot ko sa mga butiki, yun homework na di masagutan, yun project sa Filipino na mag-drawing ng apat na comic strips ng noli me tangere sa illustration board, yun mahabang absence ko sa school dahil nadale ko ng bulutong-tubig, yun math teacher ko na lagi akong tinatawag para mag-solve ng algebra problems sa board, yun teacher ko sa values ed na nagalit sa amin dahil di niya nagustuhan ang isang article sa campus paper, yun exam permit na naiwan ko sa bahay at na-realize ko lang noong patawid na sa riles ng train yun bus sa may espaƱa, yun prof. ko sa econ na dating dean ng college na nababalitang malupit magbigay ng grade, ang pag-iisip kung paano ilalagay bilang entry sa ledger ang bawat transaction, kailan debit? kailan credit? Ang mag-memorize ng articles at tables sa law at taxation, yun takot sa law 3 prof ko nun last sem ko sa uste dahil sa lupit nun eh delikado pa ang graduation…ngayon, tinatawanan ko na lang ang marami sa mga iyon. Pero ang mas nakakatawa, yun mga problema ko ngayon, sa pananaw ko noon napaka simple lang naman. Sabi ko noon, simple lang naman ang mabuhay. Madali lang naman ang maging masaya. Pero bakit kaya ngayon, na-realize ko na hindi pala? Habang tumatagal, marami akong natutuklasan na mga bagay na nagdudulot ng kalungkutan. Noon, parang ang daling mag-decide pero ngayon ang dami palang dapat na isa alang-alang sa bawat desisyon na gagawin ko.

Ang layo pala talaga ng nilalakad ko gabi-gabi pag umuuwi ako…ang dami ko nang napag-isip isip eh naglalakad pa rin ako. Siguro dahil mabagal akong maglakad kanina…ang sarap maramdaman ng ulan na dumadampi sa balat ko. Naramdaman ko kung paano naipon sa ulo ko ang bawat patak at dahan-dahang dumaloy pababa sa gilid ng mukha ko. Parang gusto ko na lang maging isang yelo…kung magiging yelo ko, gusto kong matunaw sa patak ng ulan, hindi sa init ng araw. Gusto kong unit-unting matunaw sa bawat munting patak ng ulan…gusto kong sumama sa tubig gusto kong bumalik sa aking pinagmulan…ang maging tubig. Siguro magiging masaya ko sa piling ng bawat munting patak…muli akong dadaloy kasabay ng pag-ikot ng buhay. Ayaw kong matunaw sa ilalim ng init ng araw. Mapanlinlang ang araw…sa umpisa nagbibigay ng init, parang isang damdaming nag-aalab…parang may dalisay na hangarin na magbigay ng init na tila ba yakap ng isang taong nagmamahal. Pero mapanlinlang ang araw…tuluyan niyang tinutunaw ang yelo hindi upang muling dumaloy kasama ng tubig kundi upang dalhin sa himpapawid…sa himpapawid kung saan bigla ka na lamang niyang iiwanan. Palutang-lutang, paikot-ikot hanggang makahanap ng karamay…hanggang maging mga ulap na ligaw. Ang mga ulap! Akala mo kay gandang tingnan…pero ang totoo, sila yun mga pusong ligaw na iniwan ng araw sa kalangitan…nangungulila, nangangarap na sana makabalik sa pinag-mulan. Naghihintay sila…naghihintay ng mga karamay hanggang sa makabuo ng lakas at puwersa upang bumalik sa kanilang pinag-mulan…babalik sila bilang ulan. Kaya siguro gusto ko ang tag-ulan, kaya siguro nagagawang ikubli ng patak ng ulan ang aking kalungkutan. Marahil sadyang itinadhanang dumaloy kasabay nito ang bawat patak ng luha sa aking mga mata. Siguro naiintindihan ako ng ulan.

Mabuti na lang tag-ulan na! Hindi na magluluha ang mata ko sa tindi ng sikat ng mapaminsalang araw. Nagiging masaya lang naman ako tuwing tag-araw kapag napapasyal ako sa dagat. Sa dagat naaalala ko kung paanong mangarap. Nagkakaroon ako ng pag-asa na sa kabila ng lahat ng problema at hinanakit, meron pa ring solusyon, meron pa ring karamay. Maraming kwento ng wagas na pag-ibig at pagtitiwala sa dagat—kung paano nahati ang dagat upang iligtas ang mga Israelita sa kamay ng Ehipto, ang kwento ng mga bakas ng paa sa buhangin sa baybaying dagat, kung paano nakalakad si Pedro sa ibabaw ng tubig…Sayang nga eh, lumipas ang summer na ito na hindi ako nakapunta sa dagat. May plano sana, kaya lang hindi ako nakasama eh, di kaya ng aking bulsa kaya di ako nakasama. Pero di bale, tag-ulan na naman eh!

Bigla nga palang lumakas ang ulan kanina! Mabuti na lang malapit na ko sa sakayan ng tricycle. Napilitan na rin akong ihinto ang aking pagmumuni-muni at maglakad nang mabilis. Pagsakay ko ng tricycle, tsaka ko lang na-realize na basa talaga ko…buti na lang at pauwi na ko. Hindi naman siguro ko magkakasakit, kung magkasakit man ako…who cares di ba? Bukod sa maaaring maapektuhan dahil sa trabahong di ko magagawa sa opisina (kung meron man) at sa Mama ko na bibili ng gamot, wala naman. Hindi naman kasi masyadong malaking kabawasan sa kita ng tricycle, fx at jeepney driver ang pamasahe ko kung papasok ako eh…isa pa, kikita naman ang nagtitinda ng gamot at royal true orange pag nagkasakit ako…give chance to others sabi nga nila!

Ano kaya ang nararamdaman ng araw tuwing umuulan?